CHAPTER 9

40 2 0
                                    

CHAPTER 9

 NEIL'S LOLA FRANS AT THE RIGHT SIDE ITO YUNG PART NA KAUSAP NA NI LOLA FRANS SI DELLANCY>>>>>>>>>> 

NEIL’S POV

Naging masaya ang 1st monthsary namin ni zai kasi nakita kong tuwang tuwa siya sa mga nangyari kanina sa Enchanted Kingdom..

Nandito na ako ngayon sa bahay actually kakadating lang at eto ako ngayon napapangiti dahil sa isinukling regalo sa akin ni zai..

Di pa rin ako makapaniwala na gagawin niya yun lalo na at alam kong hindi sanay si zai sa mga bagay na ganun pero dun ako nagulat nang papasok na sana ako ng kotse ay bigla niya akong hinawakan sa kamay  at hinalikan sa labi at tumakbo na siya papasok ng bahay nila siguro ay nahiya sa ginawa niya..

Pero kahit ganun lubos pa din akong nasiyahan sa regalo niya sa akin kahit wala siyang materyal na bagay na ibinigay sapat na ako sa simpleng pagmamahal at tiwala na ibinibigay niya sa akin pero siyempre mas nasiyahan ako sa ginawa niyang paghalik sa labi ko..

Kelan ko kaya matitikman sa kanya yung matagal na halik alam niyo na yun diba yun bang tinatawag nilang french kiss oh kahit ano pang tawag nila dun??

Eh kasi naman matagal na din akong di nakakatikim nun almost 3 months na alam niyo naman ang pangangailangan ng isang lalaki ayan umiiral na naman ang pagkalibog nang isip ko..

Haha pero kahit ganun di ko pa rin pwepwersahin si zai kasi mahal ko yun ayaw kong masira ang relasyon namin dahil lang sa kalibugan ko..

Aamin ako dati lahat ng nagiging ex ko nagalaw ko na kasi naman sila rin ang may kagustuhan nun di ko naman sila pinipilit sila mismo ang nagbibigay nun sa akin syempre lalaki lang ako sabi nga nila pag ang bigas na ang lumalapit sa manok tukain mo na..

Oh diba yan ang motto ko sa lahat ng babae na nagalaw ko..nagsimula lang naman yung pagiging babaero ko at pagkuha ng virginity ng isang babae nung nawala yung daddy ko at pumunta sa ibang bansa para magtrabaho sa company naming sa amerika..simulanun feeling ko nagiisa na lang ako sa mundo dahil nga bata pa lang ako eh  nawala na ang mommy ko..kaya naman ginawa ko na lahat ng gusto ko wala akong pakialam kung may masaktan ako oh wala basata ang alam ko nageenjoy ako sa mga ginagawa ko..

Kaso nagbago ang lahat nang makilala ko si zai siya lang ang nagiisang babae na sineryoso ko..di ko alam pero iba siya eh para bang sabi ng isip at puso ko dapat ko siyang seryosohin at huwag ko lang siyang gawing past time tulad ng ibang babaeng dumaan sa buhay ko??

At kung maalala niyo si dellancy  wala naman talaga akong gusto dun gumawa lang talaga ako ng eksena para maghiwalay kami eh sakto kadate niya ung isa niyang bf eh di ginrab ko na yung opportunity nay un para magkahiwalay kami..

Kaya ko gustong makipaghiwalay kasi naman sobrang obsessed niya sa akin may lumapit lang na babae sa akin aawayin niya agad kala mo kung sino kakaasar siya..buti nga wala siya ngayon dito sa pinas kung di sigurado eh inaway na niya si zai lalo na at kami na ni zai..

Pero oo nga paano kapag bumalik na si dellancy paano ko ipapaliwanag sakanya na kami na ni zai at wag na niya kaming guluhin pa..

Hayaan ko muna yun poproblemahin ko na lang yun kapag nandito na siya sa ngayon mageenjoymuna kamini zai habang wala siya..

Makatulog na nga at oras na rin..

End of NEIL’S POV

THIRD PERSON’S POV

(NOBODYS POV)

Lumipas na rin ang maraming araw at buwan masayang nagmamahalan yung dalawang lovers na sina Neil at Zyrene..

UNDEFEATED LOVE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon