CHAPTER 13

26 2 0
                                    

CHAPTER 13

SI NEIL NANG MAKITA NI ZAI>>>>>>>

NEIL’S POV

Simula nung gabing iniwan ko si zai sa bahay nila di muna ako nagpakita sakanya ng 2 linggo kasi nga nahihiya ako sa nangyari at syempre iniiwasan ko din na mahuli kami ni lola na nagkikita pa..

Tumatawag pa din naman ako sakanya at nagtetext..

Nagpapalusot din ako sa mga araw na di ko na siya napupuntahan at sinasabi kong busy ako sa pag-aaral at maraming inuutos si lola sa office kaya naman naiintindihan niya ako ang di niya alam ay lihim kaming nagdadate ni dellancy dahil utos din ni lola wala naman akong magawa kesa naman may mangyaring masama kay zai..

Alam niyo ba sobrang miss ko na si zai siya pa rin ang laman ng puso’t isip ko kahit na pilit isinisiksik ni dellancy ang sarili niya sa akin..

 Isang araw nga nung kasama ko si dellancy sa isang restaurant sa mall napasakto pang nandun si zai may binili atang libro buti na lang at di niya kami nakita kahit na napaharap siya sa pwesto namin kasi hinarangan siya ni third nakita kasi kami ni third na nagdidinner date ni dellancy..

Nagtataka ba kayo kung bakit kasama ni third si zai???kasi parati ko pinapasama si third kay zai para naman alam ko safe siya..

Nasa bahay ako ngayon di pumasok nagdahilan akokay lola na may sakit ako kaya naman pinayagan akong magpahinga dito..pero di alam ni lola lalabas ako para makipagkita kay zai miss ko na kasi siya eh hanggang tingin at sulyap na lang ako sakanya sa malayo..

Pagkaalis na pagkaalis ni lola tinawagan ko agad si third..

Third dialing…….

Hello pare pwede mo bang itakas si zai diyan sa school gusto ko na siyang makita eh miss na miss ko na siya..-neil

Ah sige pare hahanap ako ng tiyempo para makatakas..-third

Sige pare hintayin ko kayo sa resto bar na malapit sa condo unit mo ingat kayo salamat pare..-neil

Oh sige walang anuman pare..-third

Pagkatapos na pagkatapos ng tawag nagbihis agad ako at umalis na..

Ilang minute lang ay nakadating na ako sa resto bar at hinihintay ko na silang dumating..

End of NEIL’S POV

THIRD’S POV

Ilang araw nang hindi nagpapakita si neil kay zai kaya naman ako ang parating kasama ni zai dahil yun ang parating text at bilin ni neil sa akin..

Ako naman ay sumusunod lang lalo na at ayaw ko din mapahamak si zai kung san man siya pupunta ng mag-isa lang..

Tulad na lang ng paghatid at pagsundo kay zai sa bahay nila ay parati ko din ginagawa yun kasi ang gusto ni neil..

Ayos lang naman lahat ng ginagawa ko para kay zai dahil alam niyo naman may lihim akong pagtingin sa kanya..

Masaya nga ako dahil naging close kami ni zai ngayon..nagpaliwanag din naman ako kay zai na kaya di sila nagkikita ni neil dahil busy ito sa mga pinagagawa ng lola niya..

Naniniwala naman siya at iniintindi niya si neil..

Ang swerte talaga ni neil kay zai dahil napakabait ng naging girlfriend niya sana ako na lang si neil..

Pero sa kabilang banda naaawa ako kay zai dahil ang hindi niya alam lihim na nagde-date si dellancy at neil dahil yun daw ang utos ng lola ni neil kung hindi niya ito susundin ay may mangyayaring masama kay zai kaya kahit labag sa loob niya sinusunod niya ito dahil mahal niya si zai..

UNDEFEATED LOVE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon