[IN PROGRESS]
Categories : Boys' Love • Contemporary Drama • LGBTQ
Joaquin Yulores Agcaoli, or Wayo for short, has always been persistent in pursuing his childhood friend Sander Tungsten Gulmatico, a.k.a. Satang. But they lost touch since the latter...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WAYO
Would my life be easy if I were still with Mom? I mean, mahal pa rin naman ako ni Dad, ’di naman nagbago ’yon. Pero iba na kasi ang sitwasyon ngayon, e. Mom’s gone, at may kahati na ’ko sa atensyon ni Dad—ang stepmom at stepsister ko.
Kasalukuyan akong namimigay ng flyers sa mga taong dumaraan dito sa tapat ng Woli, isang restobar. (Handing out flyers to passers-by or in public areas is one of my part-time jobs. Kailangan kong kumita ng pera para sa mga bagay na gusto kong bilhin. Kapag wala ako rito sa harap ng Woli, sa barbecue place ako makikita.) Some people accepted the leaflets wholeheartedly, some took them without casting a glance at me and then threw them afterwards, and most of them were busy on their cell phones while walking, didn’t notice my existence.
“Kailangan ko ng pera, money, at kwarta!” My eyes hastily grew bigger when realization hit me. Shocks! Akala ko, sa isip ko lang ’yon! Ba’t ka sumigaw, Joaquin Yulores? Nabunyag tuloy ang sikreto mo na isa kang alipin ng salapi!
Napahinto ang lahat ng dumaraan dito at dumapo sa ’kin ang mga mata nila. Nang malunasan ang gulat sa katawan, agad din naman silang nagpatuloy sa paglalakad na parang walang nangyari. Mukha silang robot na minamanipula ng pera; gigising nang maaga, magtatrabaho, uuwi, at matutulog. Nakikita ko ang sarili ko sa kanila. Ang kaibahan lang, nag-aaral pa ’ko.
Muli akong nagpatuloy sa pag-aabot ng flyers. Hanggang sa bigla na lang nag-vibrate ang cell phone ko, kaya dali-dali ko itong dinukot mula sa ’king bulsa.
My dad texted me: Uwi ka ng bahay before 7 p.m., Wayo. It’s your sister’s birthday.
I heaved a sigh after I read it. And it took me a minute or two to respond: Okay, Dad.
Pagkatapos kong isilid ang cell phone ko sa ’king bulsa, napabuntonghininga ulit ako. Nakini-kinita ko na ang mangyayari pag-uwi ko sa ’min. Panigurado, pupunta na naman ang relatives namin na hindi nauubusan ng tanong gaya ng: Anong course ang kukunin mo sa college? Education din ba? Susunod ka sa yapak ng ama mo? And the question I hated the most: May girlfriend ka na ba? Like, hey, you already know who I am and what I like! Ayaw n’yo lang tanggapin na lalaki ang gusto ko! Well, that doesn’t matter, as long as tanggap naman ako nina Dad at Tita.
Makaraan ang ilang minuto, tuluyan nang naubos ang flyers. Dumapo ang mga mata ko sa relong nakapulupot sa palapulsuhan ko. Six-twenty p.m. na!
Dali-dali akong pumasok sa Woli. Sobrang daming kumakain dito, at ang iba naman ay nag-iinuman habang nakatuon ang kanilang atensyon sa entablado. Kumaway ako sa kaibigan kong si Kitchie na kasalukuyang tumutugtog. When our eyes met, agad akong sumenyas na aalis na ako. Habang kumakanta at nagsta-strum ng gitara, pasimple siyang ngumiti at tumango bilang sagot.