WAYO
“Sino kaya ang mapipiling Senior High Moon at Senior High Star this school year?” Kitchie asked out of blue.
Humalukipkip si Kahel sabay sabing, “Parinig pa more sa ’kin.”
Kasalukuyan kaming narito sa event center. Nakaabot nga kami sa flag ceremony, pero dala-dala naman naming tatlo ang aming bag habang nakapila; panghuli kami sa linya ng bawat strand namin. Sina Yell at Pennhung? ’Ayun, nasa unahan dahil early birds ang dalawa.
“For sure, famous ang pipiliin nila,” bulong ko. “Qualified si Veena Glinoga as the Star.”
“There’s a lot of people talaga na walang bilib sa ’kin. But it’s fine. Gulatin ko na lang sila,” Wilma said in a stage-whisper. Pareho silang ABM student ni Kitchie.
Ang tinutukoy naming Senior High Moon at Star ay dalawang estudyanteng magiging modelo o mukha ng Merryfield High; “Moon” ang lalaki, samantalang “Star” naman ang babae. There’s a rumor going around that the director will replace the current models of the school. Ga-graduate na kasi sila kaya kailangan na raw palitan habang maaga pa. (Pinaka-qualified si Clyvedon, ang kaso, graduating na rin siya.)
Dahil do’n, nagpapapogi at nagpapaganda na ang lahat ngayon, umaasang mapipili ng School Director, at isa na ro’n si Wilma. No’ng first day of class, bukambibig na niya na gusto niyang maging mukha ng Merryfield High. Why not? I mean, libre lang naman ang mangarap kaya itodo na natin. And I know her, she’ll do whatever it takes just to obtain that title.
Pagkatapos ng flag ceremony, bumalik na kami sa kanya-kanya naming classrooms. Ngunit bago pa ’ko makapasok, nahinto ako sa may pintuan nang may tumawag sa ’kin.
“Wayo? Wayo!” Doon ay nakita kong papalapit sa kinatatayuan ko si Kannagi habang nakasunod naman sa kanya si Clyvedon.
“Oh,” gulat kong pagkasabi. “Hi.”
“Kumusta ka na?”
“A-ayos lang.”
Nang may ngiti sa mga labi, bumaling siya kay Clyvedon ’tapos muling ibinalik ang titig sa ’kin, and then he said, “Alam mo, may mabuting balitang paparating sa ’yo sa araw na ito.”
“Ha? Pa’no mo nasabi?”
“Basta. Narinig ng author ng buhay mo ang panalangin mo. Bibigyan ka na niya ng plot twist ngayong araw.” Pagkatapos niyang sambitin ’yon, tuluyan na nila akong tinalikuran habang hawak-hawak niya ang kamay ni Clyvedon. Masaya ako para sa kanilang dalawa dahil out na sila sa buong campus; pinatutunayan nila sa eskuwelahang ’to na love wins.
Pero teka . . . good news? Author ng buhay ko? Plot twist? What does he mean? Initsipwera ko na lang ’yon sa isip ko matapos ang ilang segundo.
I’m sort of curious kasi ’di nila kasa-kasama si Luke. Dahil ba sa nangyari last year? Pero kilala ko sina Kannagi at Clyvedon, mababait silang tao. Imposibleng nagtanim sila ng galit sa kanya. I’m pretty certain na napatawad na nila siya. Nasa’n kaya si Luke?
Nabalik ako sa tamang huwisyo nang may isang babaeng lumapit sa ’kin. Bahagyang nakatungo ang ulo niya habang may hawak-hawak siyang isang box ng chocolate at isang bulaklak.
Natuod ako sa kinalulugaran ko. Hindi ko alam kung ano ang angkop na sasabihin at gagawin.
“I’m Kla from Humanities. I like you, Wayo!” diretsahang aniya nang makalapit sabay abot sa ’kin n’ong dala-dala niya.
Napalunok ako ng laway pagkatapos niyang sambitin ’yon. Rinig ko rin ang mga yabang na papalapit sa likuran ko, at kasunod niyon ay hiyawan ng mga kaklase ko. Samot-saring kantiyaw ang natanggap ko mula sa kanila.
“’Oy, ang president natin, binata na.”
“Sana all, binibigyan ng chocolate at flower. When kaya?”
“Namumula na si Prez, o!”
“Ama namin, nasaan ang amin?”
Dahil sa ingay at panunukso ng mga kaklase ko, bigla na lang tumalikod si Kla at kumaripas ng takbo. Ni-rehearse ko na sana sa isip ko ang sasabihin ko, kaya lang, ang gulo ng mga ’to. Wala na, ’yong mga salitang nabuo sa utak ko, nawasak muli.
“Hala ka, Prez, binasted mo,” anang isa sa gawing kanan ko. (“Prez” ang tawag nila sa ’kin kasi ako ang classroom representative o president ng section namin.)
I squeezed my eyes shut and then heaved a long sigh. Nang buksan ko ang mga mata ko, sabi ko agad, “Ang iingay n’yo kasi, e. And for the record, wala akong binasted.”
“So, kung ’di kami umepal, sasagutin mo ’yong Kla?” tanong ng kaklase kong babae, ang mga kamay ay nakapuwesto sa baywang. “Tinutukso ka lang namin, Prez, pero alam naman naming lalaki ang gusto mo.”
Umiling ako. “Hindi ’yan ang ibig kong sabihin. Hindi ko siya sasagutin kasi hindi naman nanliligaw sa ’kin ’yong tao to begin with. In-express lang niya na gusto niya ’ko.” Tinapunan ko sila ng tingin bago magpatuloy, “Gusto ko sanang mag-‘thank you’ kasi na-appreciate ko ang sincerity at effort niya.”
Napatango-tango sila sa sinabi ko.
“Nandito na si ma’am!” sigaw ng kaklase kong lalaki. Siya ’lagi ang nag-i-inform sa ’min ’pag paparating na sa classroom ang aming homeroom teacher.
Dali-dali silang nagsibalikan sa kanilang upuan, ’tapos pumasok na rin ako. Naupo ako sa unahan at kasalukuyan akong walang katabi. Bukod sa Star and Moon, usap-usapan din na merong lilipat sa strand namin. Awtomatiko akong napangiti. Sa wakas, may seatmate na ’ko. Ang hirap ng walang katabi. Wala akong mahihingan ng papel. Wala akong makokopyahan. ’Di, joke lang.
Pagkapasok ni Ms. Gravidez, nagsitayuan kami sabay bati sa kanya. Sinenyasan niya kaming maupo muli. ’Tapos, tumikhim muna siya bago mag-anunsyo: “Alam kong alam n’yo nang may bago kayong kaklase; may pakpak ang balita. So, joining our class as of today is . . .”
I gulped. ’Tapos, pinihit namin ang aming atensyon sa pintuan nang ituro ’yon ni ma’am. Parang may drum sa dibdib ko at paulit-ulit na pinupukpok ng matabang stick. I suddenly remembered what Kannagi told me earlier. Do not say that . . .
“. . . Mr. Gulmatico!”
Isa-isa niyang tinapunan ng tingin ang lahat maliban sa ’kin—doon pa lang ay ramdam ko nang may kakaiba sa kanya—at saka siya nagsalita, “Hi. My name is Sander Tungsten Gulmatico. You can call me Tungsten na lang. It’s good to meet you all.”
Pumalakpak ang karamihan, na may kasamang hiyaw, matapos niyang magpakilala. May namataan pa ’kong grupo ng kababaihan na nagbulong-bulungan at tila kinikilig habang nakatitig sa bago naming kaklase. Hindi ko naman sila masisisi, guwapo naman talaga ang kababata ko. ’Pansin ko ngang mas pumuti siya ngayon, at bumagay ang kulay-abo niyang buhok sa kanyang balat.
Banat nang bahagya ang mga labi ko habang nakatuon ang atensyon kay Satang. Parang gusto kong hawakan ang kamay niya ’tapos ipasyal siya sa buong Merryfield upang ipaalala sa kanya kung saan kami ’laging tumatambay o naglalaro (kung sakaling nakalimutan man niya dahil ang tagal niyang nawala).
“Um, Tungsten, puwede ka nang maupo sa tabi ni”—inilibot ni Ms. Gravidez ang kanyang tingin hanggang sa dumapo ang mga mata niya sa ’kin at sa bakanteng upuan sa gilid ko—“ni Wayo.”
Nang makaupo siya sa tabi ko, pabulong ko siyang binato ng mga tanong, sunod-sunod at nagkandautal pa ’ko: “S-Satang, k-kumusta ka na? B-bakit hindi ka na nagparamdam sa ’kin? Hindi na rin kita ma-contact. Nagpalit ka ng number—”
“Stop calling me Satang,” he firmly said, squinting his eyes. “Who are you?”
• • • • •
A/N: Do you get deja vu? No’ng pumasok din si Clyve sa classroom nila Kann sa Lit Candle in the Rain (NBS 1). Ang kaibahan lang, ’di maalala ni Satang si Wayo. Any thoughts on this episode?
BINABASA MO ANG
Pink Flowers in My Lungs (Night Bazaar Series #2)
Teen Fiction[IN PROGRESS] Categories : Boys' Love • Contemporary Drama • LGBTQ Joaquin Yulores Agcaoli, or Wayo for short, has always been persistent in pursuing his childhood friend Sander Tungsten Gulmatico, a.k.a. Satang. But they lost touch since the latter...