Chapter 01

590 11 1
                                    

NAKATITIG lang si Bella sa front cover ng isang UHB Magazine. Si Daizuke Niwa ang nasa cover niyon.

Hindi pa rin siya makapaniwala na sa wakas ay nasilayan din niya ito. Ito ang number one bias niya sa mga UHB Men. Palibhasa, single pa rin at libreng pagpantasyahan. Ewan ba niya, pero para sa kaniya, iyong gusto niya sa isang lalaki ay nakay Daizuke na. Medyo misteryoso rin ito para sa kaniya.

Napakurap lamang siya nang biglang kunin ni Aniah ang magazine na kaniyang pinagmamasdan. Pagmamay-ari kasi nito iyon. Ang kaniyang Tiyahin na kapatid ng Montejero's Triplets na sina Uno, Dos at Tres.

"Baka matunaw itong magazine ko," sita pa nito sa kaniya.

Maging ang kaniyang Tiyahin ay mayroon ding mga UHB Magazine. At ang pagpasok niya sa UHB Leisure Club ay hindi nito puwedeng malaman. Isa iyon sa ultimate secret nila ng kaniyang mga Tiyuhin. Ang Montejero's Triplets. Magkakaroon kasi ng inggitan kung siya ay nakapasok, samantalang ang ibang babae sa pamilya nila ay hindi.

Napaka-unfair niyon para sa side ng mga ito.

Lalo na kay Aniah na mismong kapatid ng mga Tiyuhin niya na pawang mga member ng naturang Club.

Kahit paano naman ay nakikita rin ni Aniah ang ibang UHB Member kapag may occasion outside the Club at naroon ang iba sa mga iyon. Minsan, accidentally ay nakikita rin nito sa mismong loob ng Valle Encantado Village dahil maraming UHB Men ang naninirahan din doon.

"Itago mo na at baka iuwi ko pa 'yan sa amin," nangingiti naman niyang wika.

"Kararating mo lang dito sa bahay, tapos pauwi naman ang nasa isip mo," kontra naman agad ni Aniah sa kaniyang sinabi.

"Ma-mi-miss mo na naman agad ako, Auntie Aniah?"

"Bella, puwede ba? Tigilan mo ang pagtawag ng auntie sa akin, ramdam na ramdam ko ang pagtanda ko."

Napatawa si Bella. "Grabe ka naman sa pagtanda. Twenty-four ka lang at twenty-two ako. Hindi nagkakalayo ang edad natin."

"Whatever. Basta, tigilan mo ang ka-a-auntie mo sa akin," tila ba naaalibadbaran nitong wika.

"Fine," pagbibigay niya na natatawa pang umikot ang mga mata.

Pagkatabi ni Aniah sa magazine nito ay muli nitong binalikan si Bella na nakasalampak ng upo sa kama nito.

"Bella, what's your plan? Bukod sa mag-manage ng family business ninyo? May iba pa ba?"

Nagkibit-balikat si Bella. Sa edad niyang iyon, wala siyang matinong plano. Pakiramdam naman kasi niya ay naka-set na ang buhay niya sa ganoon.

Iikot ang mundo niya sa kaniyang pamilya, sa negosyo, sa pag-sa-shopping at sa pagpapasaya ng ibang tao na less fortunate.

"Siguro, pagani-ganito na lang muna. At saka, bata pa naman ako."

"Wala ka pang planong magkaroon ng boyfriend?" tudyo pa sa kaniya ni Aniah.

"Auntie," ani Bella na nakatikim pa nang panglalaki ng mga mata ni Aniah sa kaniya. "Aniah," agad niyang bawi. "Kung hindi lang din naman si Daizuke Niwa ang magiging boyfriend ko, 'wag na lang."

Natatawang nag-appear sila ni Aniah. Gets na gets nito ang kabaliwan niya kay Daizuke.

"Bella, kaso masasaktan ka lang sa kaniya," ani Aniah na biglang nagseryoso. "Huwag kang masyadong mabaliw sa UHB Men. Lalo na kay Daizuke. Ni-real talk na rin ako nina Kuya tungkol sa mga 'yan. Ayaw nila na sobrang kababaliwan ko ang mga ka-member niya to the point na masaktan ako once makahanap sila ng mga babaeng nakalaan talaga sa kanila. At malinaw na hindi ako o ikaw 'yon. Kaya habang maaga pa, maghunus-dili ka. Enough na sa part na para bang kiti-kiti tayo kapag sila ang topic. Ang akin lang naman, fan nila ako, oo. Pero darating tayo sa point na ma-re-realize natin na... oo nga 'no? Hindi talaga ako ang meant to be para sa kaniya o kung sino man sa kanila."

The Billionaire's Kiss | COMPLETED on VIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon