Chapter 05

320 11 0
                                    

KUNG hindi pa kakapitan ng isang babaeng ang braso ni Geo ay tila ba hindi pa ito mapapakurap sa pagkakatitig kay Bella.

Bakit parang may nabanaag siyang kakaiba sa mga mata nito nang sandaling matulala ito sa kaniya?

At bakit parang malayo iyon sa disgusto o inis sa kaniya?

Namamalik-mata lamang ba siya?

Dumako ang tingin niya sa babaeng animo sawa na kumapit pa sa braso ni Geo. Gustong tumaas ng kaniyang kilay.

Sa isip ni Bella ay ganito pala ang klase ng babaeng gusto ni Geo. Parang gusto tuloy niyang tumawa.

Oo, literal na gusto niyang pagtawanan si Geo.

Mga lalaki talaga, palatak pa niya sa kaniyang isipan. Napakahihilig sa mga babaeng halos lumuwa na ang hinaharap sa suot na damit.

Kahit naman nakasuot siya ng dress ay na-maintain pa rin niya ang kaniyang pagiging elegante at sexy. Hindi niya kailangan na ibuyanyang ang kaniyang cleavage sa harap ng maraming tao para lamang hangaan siya at pagkitan ng tingin ng mga iyon. Dahil sa ganda pa lang niya, napapalingon na sa kaniya lahat.

Gusto na lamang sana niyang mawala sa paningin niya si Geo at magkunwari na hindi ito nakita. Ngunit mukhang hindi agad matutuloy ang balak niyang paglayo rito nang alisin nito sa pagkakapit sa may braso nito ang kamay ng babae.

"Geo, come on. Doon ka na sa table namin. Let's have some fun. Katulad ng dati."

"Geo, let's go," pag-aaya pa ng isa pang babae na lumapit din dito.

Pambihira. Dinudumog ng babae ang lalaking ito. Palibhasa, literal naman talaga na may hitsura ang Geo na ito. Ngunit hinding-hindi niya iyon isasatinig sa lalaking ito.

Over her dead body!

Parang naging way pa ang sandaling iyon para ipamukha sa kaniya ni Geo kung gaano itong kaguwapo dahil halos hindi tantanan ng dalawang babae na nadagdagan pa ng isa na nag-aaya dito na sumama sa mga ito.

"Hindi na ako sumasama basta-basta sa kung kani-kanino lang," ani Geo na bigla na lamang inakbayan si Bella na akmang lalayasan na ito.

Natigilan siya sa ginawa ni Geo at akmang kakawala rito nang muli itong magsalita.

"I'm with my girlfriend. So, please, respect my privacy."

Girlfriend?

Siya ba ang tinutukoy ni Geo?

"Girlfriend mo 'yan?" hindi pa makapaniwalang wika ng isang babae.

Napatawa pa ang isang babae. "Oh, come on, Geo. Kailan ka pa nahilig sa mukhang nene?"

Mukhang nene? Siya?

Sabagay. Mas mukha nga naman siyang fresh kaysa sa mga ito na mukhang napagsawaan na ng maraming lalaki.

Akmang sasabat siya nang magsalita ang isa pang babae.

"Kung gumagawa ka lang ng dahilan para umiwas sa amin, hindi namin bibilhin ang alibi mo."

"I'm not. She's, my girlfriend. Actually, balak na nga naming magpakasal," ani Geo na humigpit ang pagkakaakbay kay Bella para lamang hindi siya makalayo rito. "Right, babe?"

Napamaang ang mga babae.

At si Bella, ni hindi na makagalaw o ano pa man sa mga pinagsasabi ni Geo.

"You want proof?" tanong pa ni Geo na hindi na hinintay pang makatugon ang mga babaeng ayaw itong tantanan.

Pumihit si Geo parahap kay Bella. And without her permission, sa mismong harapan ng mga babaeng iyon, Geo kissed her lips!

Parang tumigil maging ang pag-inog ng kaniyang mundo dahil sa ginawang iyon ni Geo.

The Billionaire's Kiss | COMPLETED on VIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon