Chapter 03

326 11 0
                                    

MATAMIS na ngumiti si Bella sa kaniyang Uncle Uno nang makita itong bihis na bihis nang umagang iyon at tila ba paalis.

"Mukhang may lakad ang napakaguwapo kong Uncle Uno," wika pa niya na lumapit pa rito at iniangkla ang kaniyang mga kamay sa braso nito.

Animo nandidiri naman na pinalis ni Uno ang kaniyang mga kamay sa braso nito. "Bella, tantanan mo ako ngayon. And no, hindi kita puwedeng isama sa pupuntahan ko."

"Saan ka ba pupunta? Bakit ayaw mo akong isama? Magpapakabait ako, Uncle Uno."

"Kung wala kang magawa, isama mo si Aniah. Mamasyal kayo."

"Pupunta ka sa UHB Leisure Club, 'no?" panghuhula pa niya.

"No."

"No? Then, sasama ako sa iyo."

"No way. Panggulo ka lang sa pupuntahan ko."

"Makikipag-date ka?"

"Ng ganito kaaga?"

"Ayaw mo talaga akong isama, Uncle? Bagong ligo na ako. Maganda rin naman ang suot ko. Fit lang ito sa lakad mo."

Nang makarating sa malawak na garahe kung saan nakaparada ang mamahaling sports car ni Uno ay bumaling pa sa kaniya ng tingin ang binata.

"Bella—"

Nag-puppy eyes siya rito. "Ang damot."

Marahas na bumuntong-hininga si Uno. "Okay. Get in. Siguraduhin mo lang na hindi mo ako bibigyan ng sakit ng ulo. Maliwanag ba?"

Ganoon na lamang ang pagngiti niya nang matamis sa kaniyang Tiyuhin. "Magpapakabait ako, Uncle Uno."

Napapalatak pa si Uno nang ipagbukas siya nito ng pinto sa may passenger side ng kotse nito.

"Bakit hindi mo kasama sina Uncle Dos at Tres?" hindi napigilang usisa ni Bella nang makasakay na rin ang kaniyang Tiyuhin sa may driver seat.

"Malalaki na sila. May kani-kaniya na kaming buhay, Bella."

"Pero sa kalokohan, palaging sama-sama?"

"One for all. All for one."

"Diyan kayo magagaling," napapailing na wika niya. "Uncle, kailan kayo titino?"

"Boring kapag matino masyado, Bella," ani Uno na nagsimula na ring magmaneho ng kotse nito.

"Boring?" ulit niya. Napaisip tuloy siya. Ibig ba niyong sabihin ay boring siya? "So, boring ako?"

Napatawa si Uno. "Depende kung aminado ka."

"Uncle!" she hissed.

"What? Bakit affected ka? Tinamaan ka ba? Puwes, hindi ko na kasalanan 'yon."

She rolled her eyes.

"Kaya walang love life, eh. Paano ka pagpapalain kung ganiyan ka?"

"Bella, hindi ako natatakot kung wala man akong love life."

Totoo naman iyon. Para ngang mas gusto pa nito na manatiling single. Habang ang kaniyang Kuya Prince, masaya na sa love life niyon sa Davao.

Masaya siya para kay Maddi at Prince. Deserve naman ng dalawang iyon ang isa't isa.

Makaraan ang ilang sandali ay natigilan pa si Bella nang makita ang tapat ng bahay na hinintuan ng kotse ni Uno.

Napakurap-kurap pa siya nang mapagtanto kung saan ang bahay na iyon. Tiyak niya, iyon ang bahay kung saan lumabas ang magarang sasakyan ni Geo Ladjasali noong minsang mag-jogging siya.

The Billionaire's Kiss | COMPLETED on VIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon