Chapter 07

164 13 2
                                    

"W-WHAT do you think you're doing?" halos mautal na wika ni Bella. "L-lumayo ka sa akin."

Sa pagkakataon na iyon, ang kaba sa dibdib niya ay hindi na mawala pa. At alam niya na halos makita na ni Geo sa kaniyang mukha ang kaniyang totoong nararamdaman ng mga sandaling iyon.

Pero si Geo, ni hindi man lamang umatras para lumayo sa kaniya. Ang mga mata nito ay mataman pa ring nakatitig sa kaniya.

"Nasaan na 'yong tapang mo?" nakuha pa nitong itanong sa kaniya.

Tapang? Ni hindi na nga niya mahagilap dahil sa sobrang lapit nito sa kaniya. Ito ang unang pagkakataon na may ibang lalaki, outside her family, na nakalapit ng ganito sa kaniya.

"Mukhang nagtatapang-tapangan ka lang," dagdag pa ni Geo. Trying to provoke her.

Lumunok si Bella. At ang malikot niyang mga mata ay bumaba pa ang tingin sa labi nitong napakalapit lamang sa kaniya. Bigla, para bang bumalik sa alaala niya ang malambot nitong labi na lumapat sa kaniya noong nasa bar sila ni Geo.

Lalong nagregodon ang kaniyang dibdib dahil sa alalahaning iyon.

"Kung may gagawin kang masama sa akin, pag-isipan mo ng isang daang beses."

"Praning ka na," she hissed to Geo. "Ako pa talaga ang pagbibintangan mo?"

"Galit na galit ka last time."

"Paanong hindi ako magagalit? Ano'ng gusto mong maramdaman ko? Matuwa dahil ninakawan mo ako ng halik? Oh, you wish! Hindi nakakatuwa ang ginawa mo! Palibhasa kung sino-sinong babae lang ang hinahalikan mo kaya balewala lang 'yon sa iyo. Ni hindi ka rin siguro marunong magpahalaga sa sarili mo." Naningkit pa ang mga mata ni Bella nang maalala ang pagnakaw nito sa unang halik niya. "Ikaw," mariin niyang wika na nakipagtitigan pa rito. "Kung hindi mo pinahalagahan ang first kiss mo, kasi ganoon naman talaga kayong mga lalaki. Puwes, ako, hindi. Sobrang bina-value ko 'yon. Tapos ano? Bigla kang susulpot at nanakawin 'yong iniingatan ko? I really hate you. Oo, sagad sa buto ang galit ko sa iyo."

"First kiss mo?" amuse pang tanong ni Geo sa kaniya. Naglaro pa ang ngiti sa sulok ng labi nito.

"Ano'ng nakakatawa kung first kiss ko nga? Palibhasa kasi, limot mo na kung sino ang first kiss mo. Wala kang pagpapahalaga sa sarili mo. Sa first kiss mo. Sa unang experience mo. See? Hindi ka makapagsalita kasi totoo."

Sa halip na magsalita si Geo at kontrahin ang mga sinabi niya, ipinikit pa nito ang mga mata nito. Kapag kuwan ay saka ito nagsalita.

"Nagagalit ka, 'di ba? Chance mo na para gumanti."

Sandali siyang natigilan. At dahil nakapikit ito, malaya niya itong napagmasdan.

Makinis ang mukha nito, matangos ang ilong, nakaka-temp hagkan ang labi nitong mamula-mula pa at—

"B-bakit ka nakapikit?"

"Ninakaw ko ang first kiss mo. Gumanti ka kung gusto mo."

"At ano ang gagawin ko?"

"Halikan mo rin ako."

Napaawang ang kaniyang mga labi sa sinabi ni Geo. Dagli ang pag-iinit ng kaniyang magkabilang pisngi.

"Gusto mong hindi na magkaroon ng susunod na lahi ang pamilya mo sa iyo?" sa sobrang pagkapahiya ay tanong niya na may himig na gigil.

"Ayaw mo?"

Pambihira. Si Geo Ladjasali ba talaga ang kaharap niya?

Bakit ang layo-layo nito sa lalaking arogante?

Mukhang pinagti-trip-an lang siya ni Geo dahil muli itong nagmulat ng mga mata habang may ngisi sa sulok ng labi nito. Inalis na rin nito ang mga kamay sa may pagitan niya.

The Billionaire's Kiss | COMPLETED on VIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon