Chapter 04

524 11 1
                                    

"WHERE are you?"

Halos manulis pa rin ang nguso ni Bella habang nakaupo sa isang swing. Dahil hindi siya nakita ni Uno sa labas ng bahay na pinuntahan nito, kaya heto, tinawagan na siya. Inaasahan na rin naman niya na tatawag ito.

"Nasa park," tipidd niyang sagot.

"Park?" ulit pa ni Uno sa kaniyang sinabi.

"Hmm."

"At bakit naman diyan ka pumunta? Bakit hindi na lamang sa loob ng bahay na pinuntahan ko? Eh, 'di sana, na-meet mo si Jamil Ladjasali."

Napakurap-kurap siya sa sinabi nito. "S-si Jamil ang ka-meet mo kanina?"

"Yeah."

Natutop niya sandali ang kaniyang bibig na napanganga pa. Pagkakataon na sana niya na mas malayang matitigan ang isa sa UHB Men Originals.

Ngunit nang maalala ang kapatid ni Jamil na si Geo, nakasimangot pa na ibinaba niya ang kaniyang kamay na nakatutop sa kaniyang bibig. Nakakawala talaga ng excitement ang Geo Ladjasali na iyon.

"Hindi mo naman agad kasi sinabi, Uncle Uno," dahilan na lamang niya. "At saka, nakakapagod tumayo lang sa labas. Hindi rin naman ako puwede sa loob ng kotse mo dahil bawal. Kaya naglakad-lakad na lang ako at heto nga, nakarating ako rito sa park."

"Pupuntahan kita diyan."

"Hin—di na," aniya na humina ang boses sa huling sinabi nang pagpatayan na siya ng tawag ng kaniyang Uncle Uno.

Hindi nga nagtagal at nakita niya ang pagparada ng magarang sports car ni Uno sa hindi kalayuan. Bumaba rin ito sa kotse at hinayon ang ang kaniyang kinaroroonan.

"Bakit hindi mo pa itinuloy ang paglalakad hanggang sa bahay?" agad na tanong ni Uno na naupo sa kabilang swing.

"Mas una kong nadaanan ang park na 'to, Uncle," dahilan niya.

"So, wala ka pa bang balak na umuwi?"

"Kung babalik ka na sa bahay ninyo, mayamaya na ako," aniya na ibinaling ang tingin sa malayo.

"Bakit ayaw mo pang sumama?"

"Wala pa ako sa mood na umuwi sa inyo."

"Ang bilis yatang maubos ang energy mo, Bella? Kanina lang, alive na alive ka pa. Tapos ngayon, daig mo pa ang ma-lo-low bat na."

Masyado nga siyang na-drain dahil kay Geo.

Ang lalaking 'yon, gigil pa niyang wika sa kaniyang isipan.

Magsasalita pa sana si Uno nang tumunog naman ang cellphone nito na agad nitong sinagot.

"Okay. Pauwi na ako. Yeah. Bye."

"Aalis ka na?" baling niyang muli sa kaniyang Tiyuhin.

"Tayo," pagtatama nito. "Isasama kita sa pag-uwi sa bahay. Let's go."

Bago pa maisipan ng loko niyang Tiyuhin ang puwersahang pagkaladkad sa kaniya ay tumayo na rin siya at sumunod na rito.

NAKATITIG LANG SI GEO sa magkakapatid na Montejero. As usual, inaya na naman siya ng kaniyang bunsong kapatid sa Leisure Club para makapag-relax siya.

Pero paano ba siyang makakapag-relax kung may nagpapaalala sa kaniya sa babaeng iyon?

That brat!

Hindi pa rin maalis sa kaniyang himaymay ang brat na iyon.

Idagdag pa na nakita niya ang triplets na dagling nagpaalala sa kaniya sa babae na iyon.

The Billionaire's Kiss | COMPLETED on VIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon