Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang tuluyan na siyang makaabot sa Baranggay Sapi-an. Sa bungad ng Municipal Hall ay may mga nagtutumpukang mga tao at turista. Sa harap ng gusali ay may mga nakapilang magagarbong tricycle na mukhang sasali sa Pasada Competition. Napahinto siya sa paglalakad upang tingnan ang nagaganap na kasayahan. Halos humaba ang leeg niya na parang giraffe upang makita ang Dance Contest na nagaganap ngayon sa entablado ng munisipyo. Nagpapalakpakan ang mga manonood habang ang grupo ng mga kabataan ay sumasayaw ng Pitik Mingaw, isa sa mga Visayan folk dance.
Nakita niya ang mga hilera ng food stall na may haing iba't ibang putahe. Naisip niyang dumiretso sa Food Exhibit, upang bumili ng pasalubong para sa kaniyang abuelo.
Naglakad siya patungo roon upang mamili ng iba't ibang native food delicacies. Katulad ng inaasahan niya maraming seafood na nakahain sa bawat stall. Natural lamang ito dahil sagana nga sa yamang dagat ang probinsyang kinalakihan.
Nakita niya ang isa sa mga putaheng paborito ng kaniyang Lolo Guido, ang binakol na alimango. At nag-iisa lamang ang stall na nagbebenta niyon, kaya naman nagtiyaga siyang pumila upang makabili.
Ilang minuto pang paghihintay at sa wakas, nauna na rin siya sa pila. Akma na siyang lalapit sa tindera nang may dalawang lalaki na sumingit sa kaniyang unahan. Nais niyang sumigaw at magngitngit sa inis ngunit natigilan nang marinig ang usapan ng dalawa.
"Damn bro!" wika ng isang lalaki na nakasumbrero ng luntian. Mestiso ang kutis, may kulay ang buhok na mukhang ginaya sa mga k-pop idol at maporma kung manamit. "Marunong ka bang mag-Hiligaynon?" Bumaling ito sa kasamahan.
Tumugon ang binatilyong medyo maliit kumpara sa lalaki. Bilugan ang mukha nito at pangangatawan dahil sa katabaan. Simple lamang ang suot nitong polo shirt at shorts. Nakasabit sa likod nito ang isang malaking bagpack.
"Hindi nga eh!" Umiling ang tinanong. "Paano natin kakausapin 'yang tindera?"
"Try mo mag-English."
Nakuha ang kuryosidad niya ng dalawang sumingit. Alam niyang maraming wikang ginagamit ang mga taga-Capiz ngunit nakakaintindi naman ng Tagalog o English ang lahat. Sa Roxas City kung saan siya nagtungo kanina, may mga taong nagtatagalog kahit na ang pangunahing lengguwahe ay Capiznon. Ngunit sa kaniyang maliit na bayan na kinalakihan karamihan ay nagsasalita nga ng Hiligaynon.
Tumingin muli ang matabang binata sa tindera ng binakol na alimango, "Ehem!" Tinanggal pa nito ang bara sa lalamunan, napatingin tuloy ang matandang tindera dito. Parang kinabahan naman si tabatsoy nang makita ang masungit na titig ng babae. Hindi makatingin itong nagtanong sa nauutal na tinig.
"Misis, ken mi hab da mister krabs?"
At dahil wala sa accent at gramatika ang sinasabi, kumunot ang noo ng tindera. "Maano ka?"
"Krabs! Krabs!" Tinuro ng lalaki ang putahe habang sumisigaw ng crabs.
Hindi pa rin naintindihan ng tindera. Nalilito na umiling ito at bumaling sa anak na dalagang nasa likod. "Indi ako makahambal sang Ingles!"
Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Hindi nila maintindihan ang sinabi ng tindera. Natuptop naman ni Mattia ang bibig kakapigil tumawa. Sinabi ng tindera sa babaeng anak nito na hindi niya maunawaan ang dalawang turista.
Nakipagpalit ng puwesto ang ina sa anak nito at ang dalagita ang humarap sa dalawa.
Nang makitang magandang binibini na ang nasa harap nila, biglang pumunta sa tapat ng matabang lalaki, ang binatilyong nakasuot ng sumbrero. "Ako na rito!" sabi nito na kumindat at may pilyo pang ngiti sa labi.
"Kapag talaga magandang babae..." Napailing at napairap na lamang ang bilugang lalaki.
"Maayong hapon!" Bigla na lamang nagsalita ng ibang diyalekto ang loko-loko.
BINABASA MO ANG
𝘼𝙙𝙧𝙚𝙣𝙖𝙡𝙞𝙣𝙚 𝙅𝙪𝙣𝙠𝙞𝙚𝙨 : 𝙈𝙖𝙩𝙧𝙪𝙘𝙪𝙡𝙖𝙣
AdventureHORROR-COMEDY-MYSTERY-ADVENTURE Series 01 @2024 Isang aksidente ang naging dahilan ng pinsala sa kaniyang Amygdala, isang bahagi ng utak na responsable sa fear stimuli ng isang tao. At dahil sa pinsalang iyon kaya kahit kailan ay hindi pa niya narar...