FORCED MARRIAGE (IKALAWANG KABANATA)Sa labas ng isang malaking kumpanya nakatayo ang isang Male Conceiver habang maluhaluha ang mga matang nakikipag-usap sa Guwardiya. Ngunit kahit anong pilit nitong pagmamakaawa ay paulit-ulit din itong itinataboy palayo sa nasabing Building.
Kung iyong pagmamasdan o pagtutuonan ng pansin ay masasabi mo ngang tunay ngang kaawa-awa ang nilalang na ito, maging ang lalakeng bantay ay hindi mapigilan ang mapailing sa sinapit ng Gher na nasa harapan niya.
"Pasensiya na ho' Young Master Metawin. Pero sumusunod lamang po' ako sa patakaran at utos ng nakatataas. Pasensiya na talaga."
Naiiling na turan ng lalakeng Guard bago masusing pinakatitigan ang Gher. Ang Gher na ito ay ang isa sa mga Boss niya noon at labis-labis na tinitingala ng karamihan. Ngayon sinong mag-aakala na hahantong sa ganito ang buhay nito?
Tigagal ang mga matang napatitig si Win Metawin sa malaking kumpanyang nasa harapan. Parang kailan lang ay pag-aari ng Pamilyang Metawin ang building. Ngunit tunay ngang mapagbiro ang tadhana at panahon. Naririto siya ngayon habang patuloy na nagmamakaawa para makapasok lang sa loob nito.
"Please... Kinakailangan kong makausap ang Boss mo..."
Bago pa man matapos ang sasabihin ni Win Metawin isang baritonong tinig ang mabilis na pumutol sa kaniya dahilan para magkasabay na naibaling ang kanilang atensyon sa lalakeng bagong dating.
Ang lalakeng ito ay...
"Papasukin mo na siya"
"Mr. Sangria"
Mr. Sangria, ito ang matagal nang pinagkakatiwalaang sekretarya ni Bright Chivaree Vachirawit. Sa loob ng Limang Taon na pagsasama nila ni Bright, naging mabuti ang pakikisama ni Mr. Sangria sa kanya sa kabila ng lahat ng mga pambabaliwala sa kanya ng nasabing Boss nito. Ngunit hindi parin maipagkakaila kung nasaan ang pagtitiwala ng Assistant secretary ng ex-husband ni Win. Nanatili ang tiwala ng lalakeng ito sa kung saan at sino ang tunay na nagmamay-ari ng puso ng sariling Boss nito.
Nakangiting lumapit si Mr. Sangria bago marahang humalukipkip at iginiya ang palad.
"Tayo na, Young Master Metawin"Nag-aalangan man ay marahang tumango si Win at sumunod sa sekretarya ni Bright. Para saan pa ang pag-aalinlangan niya? Para saan pa ang pag-aatubili niyang muling bumalik sa sariling kumpanya. Yes, sariling Kumpanya nila ang ngayon ay tila itinuturing siyang basura ng mga taong naging Boss siya.
Nanginginig man ang mga tuhod, Pilit na inihakbang ni Win ang kanyang mga paa. Pilit na iniinda ang sakit at paghihirap na nasa sa puso niya. Dati-rati kapag papasok siya rito ay masayang mukha ng mga trabahante ang sasalubong sa kanya. Ngunit ngayon ay....
"Wow, Nagbalik siya?"
"Hindi ba siya nahihiya o naawa sa sarili niya?"
"Ganyan talaga ang buhay. May paibabaw at may pailalim. Kung sino ang puweding kapitan doon ka rin mismo kakapit"
"May karma nga naman sa mundo. Dari-rati lang ay itinuring siya ng karamihan na isang maharlika. Ngayon sinong mag-aakala na sa kangkongan rin pala ang bagsak niya?"
Nakapanlulumo na mapakinggan ang mga salitang kanyang naririnig. Magmula nung bumagsak ang pamilya Metawin at tuluyang mawala ang lahat-lahat sa kanya. Tuluyan na ring bumagsak ang buhay ni Win. Kasalanan niya ito. Kung hindi dahil sa kuntratang ibinigay niya sa ex-husband bilang kapalit sa pagpapakasal niya rito. Hindi sana aabot pa sa ganito. Hindi na sana siya pumerma sa kagustuhan ni Bright Chivaree. Ngayon ay tuluyang bumagsak ang pamilyang pinapahalagahan niya. Nawalan siya ng mga magulang, nawala rin ang kanyang mga matatalik na kaibigan. Ang dating mga taong laging nagbibigay papuri sa kanya ay tuluyang naglaho na parang bula. At ngayon ang kapatid niyang babae ay nag-aagaw buhay sa hospital.
![](https://img.wattpad.com/cover/353305702-288-k210155.jpg)
BINABASA MO ANG
FORCED MARRIAGE ( BOYSLOVE)
RandomKinasusuklaman niya ako. At ngayon sinisira niya ang buhay ko. Nasasaktan ako ngayon dahil nagmahal ako ng maling tao Limang-Taon na ang nakalipas mula nang ikasal si Win Metawin sa kanyang asawa. Ginawa ni Win ang lahat para makuha ang binata na ni...