FORCED MARRIAGE*****---------*****
A/N: Ilang Pagbabalik tanaw pa rin po ito sa mga pangyayari.
~Win Metawin~
Tigagal ang mga matang napatitig ako sa hawak kong Cellphone habang paulit-paulit na pinapakinggan ang mga salitang ito,
'The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later--'
' The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later--'
' The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later--'
' The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later--'
' The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later--'
Wala sa sariling paulit-paulit ko na pala itong pinapakinggan hanggang sa mauwi ito sa 'Tottot' na ibigsabihin ay pagkaputol ng linya.
Magmula noong araw na makita ko si Bright at ang Girlfriend nitong si Nene na magkasama at bumibili ng mga kagamitang pambata. Pakiramdam ko ay nanatili parin nakatayo sa lugar na iyon ang aking kaluluwa. Pakiramdam ko ay para bang naiwan parin sa pook na iyon ang aking puso.
Sa tuwing naiisip ko ang mga bagay-bagay lalong-lalo na ang tungkol sa aming relasyon ni Bright. Damang-dama ko ang unti-unting panghihina ng aking katawan. Kung sa simula palang ay talonan na ako sa pagpupumilit kong maikasal sa lalakeng mahal ko, mas higit naman na wala akong pag-asa sa pag-ibig nito ngayon pang magkakaroon na ng anak ang dalawa kaya bakit parin ako nagtatangahan? Pigil ang mga emosyon na mataman kong idinampi ang aking palad sa aking dibdib at doon ay napagtanto ko ang sagot sa aking tanong.
Tama. Dahil dito rin sa bulag na pagmamahal kong ito.
Manahimik nalang ba ako? Wala man lang ba akong gagawin? Marahil ay ito ang maaring isipin ng mga taong makababatid sa sitwasyon ko. Ngunit, may karapatan ba talaga ako? Nararapat ba talagang mamuhi ako? magmaktol? Or maging kontra-bida sa pagmamahal na meron sina Bright at Nene gayong alam na alam kong walang alinlangan na iiwan ako ng lalakeng pinakasalan ko para sa bagong pamilya nito.
Kung anong nararapat kong gawin? Sa isiping kinakailangan kong manahimik alang-alang sa pagmamahal ko sa kaniya. Hindi ko magawang pigilan ang pagnanais na maluha sa sari-saring emosyon sa aking dibdib. Nagsimulang uminit ang gilid ng aking mga mata, na animo'y nagbabadyang bumuhos ang mga luha mula rito.
Hanggang kailan ka iiyak Win?
Ito ang malaking katanongan sa utak ko na hanggang ngayon o bukas ay maaring hindi ko mahanapan ng kasagotan.Sa tingin niyo ba ay matutunan akong mahalin ni Bright gayong pagkamuhi at galit ang nasa puso nito para sa akin? Sa tuwing nakikita ko ang nagbabagang mga mata nito habang nakatitig sa aking direksyon. Para bang mabilis na bumabalot sa aking puso ang napakalamig na yelo.
Yelong nanunuot sa kailaliman ng aking dibdib na siyang dahilan upang makadama ako ng matinding pait at sakit.Wala akong maapuhap na ibang emosyon sa mga mata nito maliban sa galit at pandidiri.
Ngayon, sabihin niyo sa akin, paano ako mamahalin ng taong pinikot ko para lang makuha ang kasakiman ko?
"Kinasusuklaman niya ako. At ngayon sinisira niya ang buhay ko. Masakit man, pero ito ang totoo. Ngayon ay nagdurusa ako dahil sa pagmamahal ko sa maling taong napili ng puso ko"
BINABASA MO ANG
FORCED MARRIAGE ( BOYSLOVE)
DiversosKinasusuklaman niya ako. At ngayon sinisira niya ang buhay ko. Nasasaktan ako ngayon dahil nagmahal ako ng maling tao Limang-Taon na ang nakalipas mula nang ikasal si Win Metawin sa kanyang asawa. Ginawa ni Win ang lahat para makuha ang binata na ni...