FORCED MARRIAGEPart of Flashbacks:
PAGLIPAS NG LIMANG-TAON
(WIN METAWIN'S POV)
Limang-Taon na ang lumipas.
Ngunit sa Limang-Taon na iyon ay wala paring pagbabago sa puso ng taong pinakasalan at minahal ko. Hanggang ngayon ay kinamumuhian parin ako nito.Bakit nga ba minahal ko siya? Bakit nga ba nagkaganito ako alang-alang sa kanya? Kinalimutan ko na ang Moralidad ko. Pikit-matang tinanggap ko ang masasakit na salitang natatanggap ko mula sa aking Pamilya lalong lalo na sa mga taong nasa paligid ko.
Masakit man pero kinakailangan kong tanggapin dahil ginusto ko ito at ako ang pumili sa landas na itong tinatahak ko. Ako ang may sala.
Naluluha ang mga matang napahikbi ako nang makita ko sa may hindi kalayuan ang emahe ng husband ko. Nakahawak ang kaliwang kamay nito sa tunay na nagmamay-ari ng puso nito. May saya at galak sa mga mata ni Bright habang nakatitig sa mukha ng Lover niya. Yes, alam kong hanggang ngayon ay si Nene ang laman ng puso nito, katotohanan na hinding-hindi ko kailanman maitatago.
Ngunit bakit ako nagtitiis?
Ang sagot sa sariling tanong ko?
Dahil mahal ko siya. Dahil mahal ko si Bright Chivaree.
Sa aking kinaroronan ay maririnig ang isang awitin. Isang awitin na siyang nagpalala sa bigat na nararamdaman ko. Hindi ko nagawa pang pigilan ang mga luhang walang sawang pumatak sa aking mga mata. Dali-daling pinunasan ko ito ngunit habang paulit-ulit kong pinapahid ang mga luhang ito, paulit-ulit rin itong bumubuhos sa mukha ko sanhi upang mapapiyok ako.
Bakit Nga Ba Mahal Kita 🎶
Kapag ako ay nagmahal
Isa lamang at wala nang iba pa
Iaalay buong buhay
Lumigaya ka lang, lahat ay gagawinTumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi.At sa bawat mensaheng minumutawi ng awiting ito ay siyang buong katotohanan na tumatarak sa aking dibdib.
Ang katotohanan na hindi ako mahal ng taong pinilit kong magpapakasal sa akin.
Bakit nga ba mahal kita
Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko?
'Di mo man ako mahal, ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa 'yo
Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba?
Ba't baliw na baliw ako sa 'yo?
Hanggang kailan ako magtitiis?
Oh, bakit nga ba mahal kita?Bakit nga ba mahal parin kahit nasasaktan na? Dahil tanga-tanga ang puso.
Ano man ang sabihin nila
Pagtingin ko sa 'yo'y 'di kailan man magmamaliw
Buong buhay paglilingkuran kita
'Di naghahangad ng ano mang kapalitTama, ito ang iniisip ko noon na wala akong kapalit na hahangarin kay Bright. Ang makasama at magpakasal sa kaniya ay sapat na para lumigaya ako. Ngunit, nagkamali ako, dahil napakatanga talaga nitong puso ko, dahil habang tumatagal na kasama ko siya, paulit-paulit rin namang hinahangad ng puso kong ito ang pagmamakaawa sa pagmamahal ng taong itinitibok nito.
Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi
![](https://img.wattpad.com/cover/353305702-288-k210155.jpg)
BINABASA MO ANG
FORCED MARRIAGE ( BOYSLOVE)
RastgeleKinasusuklaman niya ako. At ngayon sinisira niya ang buhay ko. Nasasaktan ako ngayon dahil nagmahal ako ng maling tao Limang-Taon na ang nakalipas mula nang ikasal si Win Metawin sa kanyang asawa. Ginawa ni Win ang lahat para makuha ang binata na ni...