Flashback's:
Guy's magsisimula na tayong bumalik sa past para maunawaan niyo kung ano talaga nangyayari.
Sa araw na ito ang honeymoon nila. Sinong mag-aakala na ang matagal nang pinapangarap ni Win Metawin ay maabot na niya. Nagawa niyang angkinin ang lalaking pinakamamahal niya. Ngayon ay kasal na sila at magsasama na sa iisang bahay. Ayaw ni Bright ng magarbong kasalan at magarbong honeymoon kung kaya ay dinala siya nito sa bahay na tinitirahan. Labag man sa kalooban ng mga magulang ni Win, wala nang nagawa ang mga ito.
Excited na pinakatitigan ni Win ang silid nilang mag-asawa. Sa kabila ng pagtutol ng iba sa kasal na ito. Malugod na tinanggap ni Win ang mga papuri o masasakit na salitang binibitawan ng lahat sa kanya. Wala ng mas higit na isasaya pa sa kaniyang damdamin ang makamtan ang katotohanan na sa wakas ay kasal narin siya sa binatang matagal na panahon narin niyang sinisinta.
Nakangiting bubuksan na sana ni Win ang kabinet nang biglang isang mariin at nababalot ng galit na tinig ng asawa ang umalingawngaw sa loob ng kanilang silid sanhi upang panandaliang napapikit si Win sa takot at pagkagulat. At mula sa kaniyang kinaroroonan ay kitang-kita niya ang ngayon ay asawang si Bright na nakatitig sa kaniya.
"Huwag mong gagalawin yan!"
Nag-uumapaw ang galit sa mga mata nito. At tila ba ay makasasakal ito ng tao sa kaunting pagkakamali lamang."Eh, isasaayos ko na sana ang mga gamit ko, P' Bai..."nanginginig man ang tinig dahil sa sobrang pagkagulat ngunit pinatatag naman ni Win ang kaniyang loob bago mabilis na ngumiti sa kausap.
" Mga importanteng gamit ang nakapaloob diyan. Huwag na huwag mong pakikialaman ang mga nakalagay sa kabinet na'yan. Purong mga gamit ni Nene ang nandiyan. Nagkakaintindihan ba tayo Metawin?"
Sa mga sandaling iyon pakiramdam ni Win ay dinig na dinig niya ang pagkapunit ng kaniyang puso.
Pakiramdam niya ay para bang binuhusan siya ng napakalamig na yelo sa kanyang narinig hanggang umabot sa kailaliman ng kanyang puso. Asawa na niya ang lalake pero bakit wala parin siyang karapatan na galawin ang kahit anong gamit sa bahay nito? At ang higit na nakasasakit sa lahat ay ang malaman na ang laman pala ng nasabing kabinet na ito ay ang mga gamit ng ex-girlfriend ni Bright mismo.
Pero ex?
Ex na nga ba talaga?
Sa isiping ito ay may kung anong tila malalaking karayom ang paulit-paulit na tumatarak sa dibdib ni Win dahilan para mapapikit siya nang bahagya ng dahil sa sakit at pait na mga emosyon na nagsimulang umusbong sa kaniyang puso.
"Pe-pero, Saan ko nga pala... Ah, Saan ko nga pala ilalagay ang mga damit ko?" Mahinang tugon niya sa asawa nang hindi makatingin sa direksyon nito.
"Magmula sa araw na ito. Nasa pangalawang palagpag ang silid mo. Bawal mong pakialaman ang mga gamit sa silid kong ito at higit sa lahat bawal kang pumasok sa loob. Nauunawaan mo ba ako Metawin? Nangangako akong hindi kita pakikialaman sa bawat galaw mo. Ngunit ayokong marinig mula sa bibig mo ang pangalan ng babaeng pinakamamahal ko."
Babaeng pinakamamahal ko.
Babaeng pinakamamahal ko.
Babaeng pinakamamahal ko.
Ang mga katagang ito ay paulit-ulit na bumubulong sa kanyang utak. Tama, hindi siya mahal ng taong pinakasalan niya. At hindi niya masisisi si Bright dahil sariling kagagawan niya ang maikasal sa kasal na walang Pagmamahal.
Masakit man ay pikit matang nilunok ni Win ang mga emosyong mabilis na nag-umapaw sa kanya.

YOU ARE READING
FORCED MARRIAGE ( BOYSLOVE)
DiversosKinasusuklaman niya ako. At ngayon sinisira niya ang buhay ko. Nasasaktan ako ngayon dahil nagmahal ako ng maling tao Limang-Taon na ang nakalipas mula nang ikasal si Win Metawin sa kanyang asawa. Ginawa ni Win ang lahat para makuha ang binata na ni...