Magdalena's point of view
"Good morning sa pinakamabait at pinakamaganda kong bestfriend!" malambing at mabait na bati sa akin ni Sophia.
"Go-go-good mo-morning din Sophia" utal kong sagot.
Napatingin ako ng maigi sa babaeng kaharap ko dahil sa ganda nitong taglay. Mahaba ang kanyang buhok, matangkad at balingkinitan ang katawan. Pwedeng ihilera ang ganda nito kayna Marian Rivera at Bea Alonzo.
At kahit na kasing edaran ko lamang siya ay talagang naghuhumiyaw na ang kanyang sex appeal na talagang ikinatutulo ng laway ng mga kalalakihan at kinaiingitan ng mga babae.
Pero kahit na alam nitong maganda siya ay hindi niya ito pinapansin at nananatiling simple at mapagkumbaba.
"Good morning babe" isang matipuno at malalim na boses ang bigla kong narinig sa aking likod. Si Adonis.
"Good morning din babe" sagot ni Sophia.
Lumapit ito sa bestfriend ko at walang pasabing yumakap ng mahigpit. Kahit basa ng pawis ang katawan at walang saplot ay niyakap pa din niya si Sophia.
"Ano ba Adonis basa ka ng pawis!" natatawang reklamo ng bestfriend ko.
"Namiss kasi kita eh. Miss na miss" pagpapacute ng lalake.
"Eh kagabi lang magkasama tayo diba? Nanood tayo ng sine at kumain sa labas"
"Kagabi lang ba iyon? Akala ko kasi isang taon na ang nakalipas eh. Grabe pagkamiss ko sayo babe" at biglang nagnakaw ng halik sa labi si Adonis.
"Addddoooniiisss Migueeeeelllll!!!" sigaw ni Sophia at tumakbo naman ang lalake pabalik sa court.
"Mahal kita Maria Sophia! Akin ka lang!" sigaw ni Adonis at kumindat pa.
Hindi nakapagsalita si Sophia pero halatang kinikilig. Rinig rin ang tilian at hiyawan sa loob ng court.
Napairap ako at kusang naglakad ang paa ko palayo. Iniwan ko si Sophia na nakatayo mag isa dahil nakaramdam ako ng matinding selos at inggit. Gusto ko rin maranasan ang ginagawa ni Adonis sa bestfriend ko. Gusto ko rin kiligin at maipagmalaki sa madaming tao. Gusto ko na sa akin gawin ni Adonis ang ginagawa nito kay Sophia.
Pabilis ng pabilis ang paglalakad ko hanggang sa makarating sa room ng unang subject namin. Naupo ako at inaantay na dumating ang prof.
"Are you okay? Bakit biglang kang umalis kanina?" nag aalalang tanong ni Sophia na hindi ko namalayang katabi ko na pala.
"Pasensya na Sophia pero bigla kasing sumama ang pakiramdam ko. Napagod lang siguro kaninang umaga sa mga gawaing bahay" palusot ko.
Dinantay niya ang kanyang kamay sa aking noo at tiningnan kung may lagnat ako.
"Mukhang mainit ang temperature mo ngayon. Gusto mo bang umuwi para magpahinga?"
"Naku wag na, sayang ang attendance ngayon. Tsaka gagraduate na tayo kaya dapat perfect attendance natin" ako.
"Ganun ba? Sige sabihan mo lang ako kung may kailangan ka para matulungan kita. Wag ka na rin masyado magkikilos ngayong araw dahil baka mabinat ka pa, ako ng bahala kung may ipapagawa ang prof natin" nagaalala pa din niyang sambit.
Gusto ko sabihing ang boyfriend niya ang kailangan ko, na ibigay niya sa akin si Adonis at hayaan kaming bumuo ng pamilya at maging masaya.
Napangiti ako ng maisip na meron kaming sariling pamilya ni Adonis. Ano kaya ang magiging itsura ng anak namin kung magkataon? Ano kaya ang mga pangalan nila? Parang gusto ko ng kambal na lalake.
Naputol ang imahinasyon ko ng biglang pumasok ang prof.
"Okay let's start! Alam kong gagraduate na kayo pero hindi ibig sabihin ay hindi ko na kayo pahihirapan pa sa huling pagkakataon. Get your pens and magkakaroon tayo ng surprise exam! I don't care kung masama ang pakiramdam ninyo or what, but you need to pass this one kung gusto niyong grumaduate" sambit ng prof ng pumasok ito at naglalakad papunta sa white board.