Aagawin 11

3.5K 2 0
                                    

Magdalena's point of view

Simula noong palayasin at hiyain ako ni Adonis sa kanilang bahay ay naramdaman ko ng may sumusunod at nagmamatyag sa mga kilos ko. Gusto ko man bumalik sa kanilang bahay upang magmakaawa at sabihing wala talaga akong kinalaman sa pagkawala ni Sophia, ay napagdesisyunan kong pabayaan muna ito at hayaang lumamig ang sitwasyon.

Sa mga araw na lumipas ay naging maingat ako sa bawat galaw ko; lalong lalo na sa pakikipagusap kay Tatay Tyago. Ayokong masira ang planong naumpisahan ko at ayoko ring magkaroon ni katiting na ebidensya si Adonis laban sa akin. Sinabihan ko si Tatay Tyago na huwag munang tumawag at ako ang cocontact sa kanya upang masiguradong hindi kami mahuhuli.

Sa mga panahong iyon ay iginugol ko muna ang atensyon at oras ko sa trabaho. Namuhay ako bilang isang normal na empleyado at araw araw kong ipinamalas ang aking sipag at talino sa lahat ng pinapagawa sa akin. Lahat ng napag aralan ko ay inapply ko sa trabaho at talagang nagpakitang gilas ako sa mga boss ko.

Tila umayon naman ang swerte sa akin dahil laking gulat ko ng i-promote nila ako agad sa mas mataas na posisyon at binigyan pa ng mas mataas na sahod. Hindi lang iyon, ipinalipat na rin nila ako sa mas magandang apartment kung saan sagot nila ang renta at niregaluhan pa ng sasakyan. Agad rin nila akong in-enroll sa isang driving school kaya mabilis akong natutong magdrive at makakuha ng lisensya.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Sinubukan kong tumanggi sa lahat ng kanilang ibinigay sa akin dahil pakiramdam ko ay sobra sobra ito, pero iyon raw ay pasasalamat sa lahat ng mga naitulong ko sa kumpanya. Ilang buwan pa lang daw kasi ako ay marami na akong nagawa; tumaas ang sales at dinagsa pa ng mas maraming kliyente ang kumpanya. At kung mas gagalingan ko pa raw ang performance ko ay mas maraming incentives at rewards pa ang makukuha ko.

Hindi magkandamayaw ang aking pasasalamat sa mga boss ko kaya naman ipinangako ko na mas gagalingan ko pa sa trabaho at hindi sila magsisi sa mga ibinigay nila sa akin.

Pero hindi lang pala doon nagtatapos ang swerte.

Isang gabi habang pauwi galing trabaho ay nahuli ko ang private investigator ni Adonis na sumusunod sa akin. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa kaya naman kinausap ko siya at kinumbinsi na ibigay sa akin ang kanyang serbisyo at loyalty. At dahil walang bagay ang hindi nabibili ng pera, samahan mo pa ng laman, ay pumayag ito at nangakong siya na ang bahala magpaikot kay Adonis at gawin ko na ang lahat ng plano ko kay Sophia.

Agad akong tumawag kay Tatay Tyago upang sabihing maghanda na para sa susunod na plano. Nagpadala ako sa kanya ng gamot na ipapainom nila kay Sophia at inutusan na videohan siya na sarap na sarap at nagpapakasasa sa burat ng mga kumpare nito.

Magandang takbo ng career, sariling kotse, kalayaan sa plano ko kay Sophia - hindi ko maiwasang mapangisi kapag iniisip ang biglaang swerteng umuulan sa aking buhay. Isa na lamang talaga ang kulang … si Adonis.

Pero konting tiis na lang dahil malapit ko ng maisakatuparan ang lahat ng plano ko. Kapag nangyari iyon, siguradong wasak ang puso ni Adonis dahil pandidiriha't kamumuhian niya si Sophia. Habang si Sophia? Hinding hindi na siya makakatapak pa uli sa bayan ng San Alcantara at hinding hindi na niya makikita pa si Adonis. Hinding hindi na niya ako magugulo maging ang nararamdaman ko para sa lalaking minamahal niya.

===

===

"Ang layo naman pala nitong pinagdalhan ni Tatay Tyago kay Sophia. Mukhang wala na sa mapa ng Pilipinas itong pinupuntahan ko" reklamo ko dahil mahigit tatlong oras na ang aking pagdadrive patungo sa kinaroroonan nina Tatay Tyago.

Napatingin ako sa paligid; puro matataas na puno at malalaking bato ang makikita. Wala rin ni anumang bahay o establisyimento ang matatagpuan sa paligid kaya naman imposible itong puntahan ng ordinaryong tao.

Aagawin ko ang lahat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon