Aagawin 7

3.9K 6 0
                                    

Sophia's point of view

Ilang araw makalipas ang graduation at ang pagpopropose ni Adonis sa akin ay hindi ko na nakita si Magdalena. Gusto ko sanang puntahan ito sa kanilang bahay upang tingnan kung bumalik ito kay Tatay Tyago pero pinigilan ako ni lola at sinabing bigyan ko ng oras ang aking bestfriend.

Sa una ay nalilito pa ako sa kung anong nangyari sa kanya, pero narealize ko na marahil nasaktan ito dahil sa pagpropose sa akin ni Adonis at ako din ang nakakuha ng pagiging Summa Cum Laude.

Gustong gusto kong kausapin si Magdalena at kahit paano ay humingi ng tawad baka kasi iniisip niya ay wala akong pakielam sa nararamdaman niya, kaso hindi ko na rin siya nagawang kausapin pagkatapos ng graduation dahil sa dami ng nangyari.

Ngayon ay nandito ako isang restaurant kasama si Adonis dahil umuwi ang kanyang parents dito galing Europe upang makausap kami tungkol sa aming planong magpakasal. Kilala naman na ako ng parents ni Adonis at suportado nila ang aming relasyon.

"Are you nervous?" tanong ni Adonis at umiling ako.

"Excited na silang makita ang future daughter in law nila. Sobrang tuwang yung parents ko ng malaman nila na pumayag kang ikasal sa akin" hinalikan nito ang aking kamay.

"Excited din ako na makita sila babe, at mas excited akong makasama ka" ani ko.

"I love you babe, sobrang saya ko that you said yes to my proposal"

"I love you too babe" binigyan ko siya ng malambing na ngiti.

Ilang sandali pa ay dumating na ang parents ni Adonis. Nag mano ako at nakipag beso sa dalawa. Sa umpisa ay kwentuhan lang ang ginawa namin hanggang sa mapunta ang usapan sa aming pagpapakasal ni Adonis.

Hindi na daw sila makapag antay na magkaroon ng apo at maging parte ako ng kanilang pamilya. Pero pinaalala nila sa amin na wag kakalimutan na mag ipon at mag negosyo para hindi kami mahirapan kapag magsisimula na kami ng pamilya.

Pagkatapos ng dinner ay inihatid nila ako pauwi. Sinamahan ako ni Adonis na makapasok sa loob ng bahay at ginawaran ako ng matamis na halik sa labi bago umalis.

Napangiti ako at hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang ay nag-aaral lang ako at nililigawan ni Adonis pero ngayon ay magiging Mrs. Salvacion na ako. Napatingin ako sa aking singsing at hindi maiwasang kiligin.

Napakaswerte kong babae. Yan ang natakbo sa aking isipan.

Tutungo na dapat ako ng aking kwarto ng maramdaman kong tumunog ang cellphone ko at may natawag na hindi registered ang number. Sinagot ko ito ang nagulat ng marinig ang boses ni Magdalena.

"Hello Sophia" nanghihingang boses nito.

"Hello Magdalena, nasaan ka? Anong nangyari sayo?" nag-aalala kong tanong.

"Sophia, tu-tu-tulungan mo a-akooo. Pu-pu-puntahan m-mo a-ako di-dito kayna Tatay T-tyago"

"Anong ginawa niya sayo? Gusto mo tumawag na ako ng pulis?"

"Wag Sophia, papatayin niya ako kapag tumawag ka ng pulis. Ikaw na lang ang pumunta dito, bilisan mo… parang awa mo na. Wag kang magsasama ng kahit na sino dahil baka may masamang mangyari sa akin" natigil ang usapan dahil naputol na ang linya.

Kinabahan ako at hindi alam ang gagawin. Gusto ko sanang tawagan si Adonis kaso baka maistorbo ko ito dahil kasama niya ang kanyang mga magulang.

Kahit na kinakabahan ay nagmadali akong lumabas ng bahay upang puntahan si Magdalena. Hindi na ako nakapag palit ng damit at suot ko pa din ang isang puting cocktail dress. Hindi na rin ako nakapag paalam kay Lola Tessa dahil baka masarap na ang tulog nito.

Aagawin ko ang lahat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon