Jake's POV
Call me a Jerk.
A stupid.
A bullsh*t
An assh*le
Or kung ano mang gusto niyo itawag sakin, itawag niyo na.
I deserve that. All of that.
Sinaktan ko siya.
Pinag mukha ko siyang tanga.
Pinagpalit ko siya.
Iniwan ko siya.
Ang sama ko noh?
Nagawa ko yun kasi importante siya sakin. Everything happens for a reason.
And I have my reasons kung bakit ko nagawa sa kanya yun.
Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, iniwan ko siya
Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, bumitaw ako sa relasyon namin.
Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, nagsinungaling ako sa kanya.
At sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, SINAKTAN KO SIYA.
Alam ko, marami nang galit sakin dahil sa mga ginawa ko. Isa lang ang masasabi ko.
Ginawa ko yun kasi mahal ko siya.
Sumuko ako hindi dahil hindi ko na siya mahal. Kundi dahil yun na lang ang tanging paraan para hindi na siya mas masaktan pa at para maligtas siya.
*Flashback*
Paakyat na ako sa kwarto nila mama para tawagin sila for dinner pero pagkadating ko ng pinto nila, narinig ko silang nag uusap.
"Kelan natin sasabihin sa anak natin ang ginawa natin sa kanya?" sabi ni papa
Ginawa? May ginawa sila sakin?
"Hindi ko alam kung kelan ang tamang panahon. Hindi ko alam.." sabi ni mama
Dahil sa curiosity ko, pumasok ako sa kwarto.
"May dapat ba akong malaman, pa at ma?" tanong ko sa kanila. Halatang nagulat sila sa pagpasok ko.
"Anak, panahon na siguro para malaman mo ang tunay na dahilan kung bakit ka namin dinala dito" sabi ni mama
"Ano po bang dahilan?"
"Anak, dito na tayo titira."
"Ha? Diba sabi niyo po, pumunta tayo dito kasi dito ko tatapusin ang college ko?"
"Sinabi lang namin yun para sumama ka samin."
Nagsinungaling sila...
"Impossible naman pong iyon lang ang dahilan kung bakit niyo ako dinala dito dba? Sabihin niyo nga sakin, ano pa ang dahilan niyo? ANO PA?!"
"Ginawa namin yun para mapalayo ka kay Julianne."
"Dahil kay Julianne? Bakit? Anong ginawa niya sainyo?"
"Ayaw namin siya sayo anak"
"Ayaw?! Bullsh*t! Diba sabi niyo gusto niyo sa kanya? Sabi mo pa nga mama gustong gusto mo siya eh."
"Sinabi lang namin yun dahil ayaw ka naming malungkot sa araw na yun at ayaw ka naming masaktan"
"Ayaw masaktan? Eh mas lalo niyo lang akong sinasaktan sa ginawa niyo eh!"
"WAG MO KAMING PAGTATAASAN NG BOSES JAKE! MAGULANG MO KAMI!" sigaw ni papa
"Anong klaseng magulang kayo!"
"ABA SUMOSOBRA KA NANG BATA KA HA! GINAWA LANG NAMIN YUN PARA SUMAYA KA!"
"SUMAYA?! GINAWA NIYO YUN PARA SUMAYA AKO?! Pwes, nagkakamali kayo. Dahil si Julianne ang kasiyahan ko."
Pagkasabi ko nun, umalis na ako. Pero narinig ko yung sigaw ni papa.
"SAN KA PUPUNTA?!"
"Sa Pilipinas. Pupuntahan ko si Julianne."
Nag iimpake na ako ng gamit ko nang biglang nagsalita si papa na ikinagulat ko.
"Pag umalis ka, wala ka nang aabutan sa Pilipinas. Dahil isang tawag ko lang sa mga tauhan ko dun, papatayin na nila si Julianne."
Pagkaarinig na pagkrinig ko nun, napatigil ako at napatingin sa tatay ko.
"Wag na wag mong sasaktan si Julianne kung hindi, kakalimutan ko na tatay kita"
"Madali naman akong kausap anak eh. Hindi ko siya papatayin at hindi ko rin guguluhin ang buhay niya kung mananatili ka dito samin, habang buhay"
"Tapos ka na? Pwede ka nang umalis"
"Hindi pa ako tapos anak. Makipag hiwalay ka sa kanya at sabihin mong kalimutan ka na niya. Pag ginawa mo yun, mabubuhay siya ng payapa."
At umallis na nga ang tatay ko.
*end of flashback*
Hindi niyo alam kung gaano kasakit na sabihin sa kanya na kalimutan na niya ako.
Hindi niyo alam kung gaano kasakit na hiwalayan siya.
Hindi niyo alam kung gaano kasakit sabihin na hindi ko na siya mahal kasi ang totoo,
Mahal na mahal ko siya, at hinding hindi magbabago yun.
Yung picture ko sa facebook na may kasama akong babae? PINSAN KO YUN. Sobrang close kami.
Siguro selos na selos na yun nung nakita niya yun. Nakakamiss ka, Baby.
Ayos na siguro 'to. Mas maaga ko siyang nasaktan. Kasi, pag mas matagal, mas masakit.
Julianne, I know, Sorry is not enough for all the pains.
But I hope, one day, you will wake up wearing your real smile.
And I hope someday, you will find the right guy for you. The guy who will not make you cry like I did.
I may not be the right man for you. You will always be my world.
My everything.
My life.
The owner of my heart.
And most especially, you will always be
MY BABY....
I love you Julianne, always have, always will........
