Chapter 1: THE START

136 4 3
                                    

*Class dismiss*

OKAAAAAAY. Kainan naaaaaaaaaaaaaaaaaaa! :D Tapos na ang kalahati ng araw. Pagod na pagod na ako. 

"Pabili nga po nito tska po rice" sabi ko sa tindera

"JULIANNE CRISOSTOMO!!!!!"

Ay jusme. Kailangan pa talagang buong pangalan ko ang sabihin. Ito talagang babaeng to. 

"PROBLEMA MO SARAH CRUZ?"

"Eh bestfriend naman eh. Full name lang ang peg?"

"Eh sino ba ang nagsimula? ~_^" tinaasan ko siya ng kilay

"Ahehe. Ako. Tara na nga, order na tayo. Im so hungryyyyyy na bestpren!"

So umorder na kami ng lunch namin. Pagkaalis namin sa cashier, pumunta na kami sa upuan namin at kami ay lumamon na. 

"Osha sarah, im don already. Balik ko lang itong plate dun ha? JAN KA LANG!"

Nag OK sign naman siya. Ibabalik ko na yung pinggan ko nang ako ay napadaan doon sa may table ng mga lalaki. Nung pagkadaan ko, bigla silang kumanta...

"At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko 'to aking sinta, pangarap lang kita...."

Nang dahil doon, nagtataka akong binalik yung pinggan. Nung pabalik na ako sa table namin, napadaan ulit ako doon kasi wala na talagang daanang iba. Nung pagkadaan ko ulit, kumanta nanaman sila...

"At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko 'to aking sinta, pangarap lang kita...."

At dahil dun, napatingin na ako sa kanila. Pagkatingin ko sa kanila, nakatingin silang lahat sa akin pero agad nilang binawi iyon, at ako naman, hindi na lang sila pinansin at dumeretso na lang sa aming upuan.

"Oi julianne big time ka ah. Kantahan ba naman habang dumadaan?" sabi ni sarah

"Psssh. What's their problem?"

"Yan ka nanaman sa kaka english mo ah! Nasa Pilipinas tayo kaya magtagalog ka"

"Psh. Whatever"

"Siguro bes, may gusto sayo yung isa dun"

"H-ha? Bakit naman? At sino?"

"Kasi pansin ko kanina, halos lahat sila kumakanta except sa isa. Ui magkaka lovelife na siyaaaaa!"

"Ay shunga lang. Malay mo nag ssoundtrip lang talaga sila nung napadaan ako. Dont assume. 'kay?"

"Ah basta. We'll find out. Btw, what's your plan on this coming Valentine's day?"

"Nako bes, wala akong plano diyan. Alam mo naman ako diba? Ang valentine's day ay para lang sa mga inlove. At hindi ako inlove. Love? Nako. Kakain na lang ako. Busog pa ako"

"Ito naman. Tignan mo nga oh, sa june, graduating na tayo. At sa buong high school life mo, wala man lang love? Masarap mainlove bes. Try mo"

"Masarap nga, masakit naman. Nako! Halika na nga! Tama na muna yang love love na yan"

Kami ay kasalukuyang naglalakad papunta sa classroom namin para sa afternoon classes namin. Love? I never experienced that. Hanggang crush lang ako. Nothing more. Madami akong crush. Dami kasing gwapo sa universe. ;)

Lesson dito lesson doon. Seatwork dito seatwork doon. Sulat dito sulat doon. 

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

"Good bye class. See you tomorrow" paalam ni Teacher Kaye

Nagsilabasan na ang mga classmate ko nung nagpaalam na si Ma'am. Halatang halata sa kanila na gusto na nilang umuwi. Haha.

The PresumptionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon