Chapter 10: AFTERMATH

26 0 0
                                    

After 4 years...

Julianne's POV

Sa loob ng 4 years, marami na ang nagbago. 

Masasabi ko ngayon sa inyo na sobra akong nag iba.

At for the better naman yun.

Ngayon, isa na akong sikat na Fashion Designer.

After ko kasing gumraduate, may nag offer sakin sa Paris. Eh sa bukod na pangarap kong makapunta dun, sobrang sikat ang Paris pagdating sa Fashion Industry.

Hindi ako nagdalawang isip na kunin yun. Supportive nga si Kuya Charles sakin eh. At alam kong proud rin sakin ang mga magulang ko at si kuya. 

Meron na rin akong botique. Alam niyo kung anong Pangalan?

"J" 

Sounds simple but the quality is worth the price.

J ang pinili ko kasi J is for Julianne. Hahaha sounds corny but true.

Si kuya? Ayun kasal na sila ni Ate Jess. 

Si Sarah? Ayun sila parin ni Drake. Sobrang tagal na nila. Pero kahit sobrang tagal na nila, they are still inlove with each other.

At ako? 

I'am Happy and Contented.

Kung tatanungin niyo ako kung naka move on na ako? 

Oo ang sagot ko.

Ang saya lang kasi ang tagal kong hinintay yung pagkakataon na 'to. Na naka move on na talaga ako.

Nagkita kami ni Jake sa Paris 2 years ago. Nung una I dont know what to feel nung nakita ko siya. Tapos he explained everything. At humingi siya ng tawad. Halos lumuhod na siya dun. 

At first, nagdadalawang isip ako kung deserve niya ba ang kapatawaran sa kabila ng ginawa niya sakin pero I realized that we should all move on. I forgive him. I forget all the pains I've been through. Start a new life. But I will never ever forget the lessons I've learned from those mistakes.

Jake and I are very good friends.

Madalas kaming nag sskype. Kung ano ano lang ang pinag kkwentuhan. Minsan nga napag kkwentuhan pa namin yung past namin eh. 

Ganun na kami ka komportable sa isa't isa.

Sometimes I'm wondering...

Paano kaya kung nagtagal kami?

Paano kaya kung hindi siya umalis?

Paano kaya kung kami parin hanggang ngayon?

Pero hindi ako nagsisisi na minahal ko siya. Kasi nang dahil sa kanya, Mas malakas na ako ngayon. Nang dahil sa kanya, natutunan kong mag mahal.

I'm very thankful that Jake came into my life. Kahit nasaktan niya ako ng sobra. 

Kung dati, kinamumuhian ko yung mga sakit na nararamdaman ko, ngayon nagpapasalamat ako sa mga yun kasi nang hindi dahil sa kanila,

Hindi ako ganito ngayon

Jake's POV

Isa na akong sikat na Chef ngayon.

Meron na rin akong Restaurant. Pinangalanan ko itong...

"J"

(a/n: hindi niya alam na pareho sila ni Julianne.)

Kinuha ko yan sa pangalan ko. Haha

Pumunta ako sa Paris para humanap ng trabaho dun at sa sobrang swerte nga naman, nadiscover ako. At sumikat na nga ako.

Nagkita kami ni Julianne sa Paris and I explained everything to her. Akala ko hindi niya ako mapapatawad. Pero nagkamali ako. Ganun parin siya, mabait pa din. Maganda pa din. Haha :)

We are very good friends right now. Tanggap na namin na hindi kami para sa isa't isa at hanggang FRIENDS lang talaga kami.

Nag sskype rin kami. Para magkwentuhan lang. We feel so very comfortable with each other. Halos pag usapan namin yung past namin. At halos tawa lang kami ng tawa sa mga nagawa namin sa isa't isa.

My feelings for her? Hindi na mawawal yun. Pero alam ko sa sarili ko at tanggap ko sa sarili ko na hanggang magkaibigan na lang kami. Kasi kapag sinubukan namin ibalik sa dati, baka mas gumulo lang. Masaya na ako sa ganito.

Sabi nga nila, mas magandang friends kayo kesa maging kayo kasi mas magtatagal ang pagsasamahan niyo kapag nanatili kayong magkaibigan..

Laking pasasalamat ko sa Diyos na kahit na ang dami naming napagdaanan. Na halos kamuhian na niya ako sa lahat ng ginawa ko sa kanya, hanggang sa huli, Friends parin kami. Yun nga lang...

Nagsimula sa FRIENDS, nagtapos din sa FRIENDS..

Pano ba yan? Hanggang dito na lang ang storyang ito. Salamat sa lahat ng sumubaybay sa buhay namin ni Julianne. Hanggang sa muli. :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Tapos na siyaaaaaaaa :> Hihi. May epilogue pa. Wait wait wait :))))))

The PresumptionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon