Part 5

22 2 0
                                    


Tumakbo ako papalapit sa kanya. Muntikan pa nga akong madapa. Tsk naisip ko agad 'pag nagkataon, sayang ang gwapo kong mukha kung madadapa lang ako. Okay. Enough.

Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya, ay niyakap ko agad siya. Ng mahigpit. I just feel like I wanna cherish this moment. Thank You Lord. And thanks to this woman protected by my arms right now.

Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. Ang sarap sa feeling na yakap mo yung taong gusto mo. Ang lakas at ang bilis ng heartbeat ko.

Ang sama ko ba dahil hindi ko sasabihin kay Ella na gusto ko din ang bestfriend ko na si Jackie? Unfair ba ako 'pag ganun?

"Thank you," the only I can say to her now while I still hugging her tight.

Naisip kong baka hindi na siya makahinga. Kaya binitawan ko muna siya. But no, that's not a double meaning statement. Hindi ko s'ya bibitawan. If you know what I mean.

Pero hindi ko alam ang gagawin ko. Kung sasabihin ko ba sakanya.. Ang galing naman tumayming ni Tadhana oh. Kung kailan narealize ko na talaga totally na gusto ko talaga si Jackie, tsaka nangyare 'to.

Pero hindi ko maitatanggi na masaya ako ngayon. Finally. Mutual feelings na kami ni Ella. Nakakatuwa.

Posible ba talaga 'tong nararamdaman ko? Nakakalito na talaga.

Lumipas ang mga buwan.. Alam ko namang hindi lagi puro saya sa mga pagkakataong ganito.

Lagi kaming nag-aaway ni Ella. Pero not what you think. 'Yung sa'men kasi ay yung away na cute. Kumbaga aso't pusa pa din.

But now is different.

Ang cold namin sa isa't isa. Ang awkward.

Alam niya. All along, alam niya palang gusto ko din si Jackie. Para na din daw kasi kaming magbestfriend kaya medyo kabisado na niya ko. Pero in-assure ko siya na gusto ko talaga siya. Na hindi biro o kung ano lang yung nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam kung naniwala ba siya. Nakakainis. Ang hirap ng sitwasyon ko. Nakakalitong tunay.

OliverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon