Part 9

10 1 0
                                    

Nakakabakla. Pero totoo, sinasabi ko sa inyo, hindi lang mga babae ang umiiyak, hindi lang mga babae ang nasasaktan. Lul. May puso din kami uy! Ibig sabihin may nararamdaman din kame! Nasasaktan din kame. Umiiyak din kame. Kahit sabihin ko laging nakakabakla, yun yung reality eh.

Dagdagan pa natin yung sakit na nararamdaman ko ha? Hahahaha!! Bati na sina Ella at yung Kean na yun! Kitang kita ng mga mata ko! Hahahaha! Close na ulit sila.

Ilang araw lang ba ako nawala at parang ang dami na agad nangyare? Tatlong araw lang naman ah. Nakakainis lang. Paasa.

Hindi kame ganon ka-close ni Kean pero syempre nakakasama namin sya minsan sa mga lakad lalake namin. Ayos naman sya. Tipikal na lalake. Bihira syang magkwento tungkol sa babae. At masasabi kong hindi naman sya chickboy. Pero kahit na. Hindi ko pa rin alam kung ano nakita nitong si Ella dun kay Kean eh di-hamak na mas lamang naman ang kagwapuhan ko kesa dun. Diba?

.

.

Pero ang iniisip ko ngayon ay ang sinabi ni Rance noong huli kaming nag-usap..

"Alam mo cruz, ano bang ikinagagalit mo dyan? Para namang ang linis mo ah. I mean- parang ikaw sobrang loyal mo sakanya na sya lang yung babae sa buhay mo. Eh diba may Jackie ka din?! Ikaw na din nagsabi na hindi masasabing wala lang yung nararamdaman mo kay Jackie. Anu ba talaga, ha? Eh kung tutuusin quits lang kayo eh."

.

Tangna ano ba? Ako ay gulong-gulo na! Nakakainis..

Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Para sa hindi nakakaalam, miss ko na kaya si Jackie, kahit hindi halata. Hindi sobrang malinaw pero ang alam ko lang eh gusto ko sya. Inis na inis na ako kina Harris na kung makadikit kay Jackie nitong mga nakaraang araw eh wagas.

Pero yung kay Ella. Ewan ko pero sobra na kase yata yung pagkagusto ko sakanya kaya ganto na din ako masaktan.

Haist. Ewan. -_-

Kailan kaya ako malilinawan sa totoong nararamdaman ko?

Hindi ako chickboy. Hindi din playboy. Pero aminadong hindi rin naman stick to one. Nakakainis. Gusto kong magwala. Ang hirap maging gwapo.

.

.

.

Pero seryoso. Gusto ko nang magkaayos kami ni Jackie. Gusto kong ibalik yung dati. Oo na, ang sama ko na. Ngayong hindi kami okay ni Ella, kaya ko naisipang suyuin si Jackie. Oy di naman. Gusto ko talaga magkaayos na kami ni Jackie.

Pero masama nga yata ako kung sasabihin kong..

Susuyuin ko si Jackie. Break muna ako kay Ella.

UGHH. Sige na, magalit na kayo saken. Pati ako nagagalit na sa sarili ko. Hindi ko na maintindihan. Wala yatang chapter dito sa kwento kong ito na hindi ako naguluhan sa nararamdaman ko. Nakakainis.

OliverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon