Part 4

13 2 0
                                    


Nag-set na 'ko ng araw. Ng oras. Para kausapin si Jackie. May plano na din ako. Kasi alam ko naman na kung yayayain ko lang siya, magpa-palusot.com na naman siya. Nagpaalam na din ako kay Ella na maaga akong uuwi.

Handa na ako..papalapit na ko sa kanya. Nang mapansin kong napapangiti at napapatawa siya mag-isa. Ayy. Ilang linggo lang kami hindi nagkakausap, na-baliw na agad siya? Naku, delikado, kailangan ko na talaga siyang kausapin.

Pero napatigil ako sa paglalakad palapit sa kanya nang mapansin kong may kausap pala siya. Dalawang lalake. Na mukhang masayang nakikipagbiruan sa kanya. At kung kanina napapangiti lang s'ya at napapatawa, ngayon, ngiting-ngiti na nga siya at utas na kakatawa.

'Tong dalawang lalakeng 'yon? Mga chickboy ang mga yun ah. And last time I checked, ayaw ni Jackie ng mga ganung lalake. Hindi siya nakikipag-usap sa mga ganun kase ayaw niyang mapabilang sa mga matatawag nilang 'chicks'. Kaya anong nangyare at utas katatawa naman ang babaeng 'to? Nakaka-highblood lang ha.

Pero mas lalong tumaas ang dugo ko sa nakita ko. 'Yung isang lalake, habang nakikipagtawanan ay pa-simpleng lumapit at umakbay kay Jackie. Tangina.

At hindi ko alam kung may iha-highblood pa ba ako nung ilang segundo na, eh hindi pa rin inaalis nitong Jackie na 'to ang lintik na kamay ng lintik na chickboy na 'yon. Inaasahan ko pa naman sa mga ganyang sitwasyon na tatanggalin niya agad 'yung lintik na kamay na 'yun sabay pipilipitin iyon at malakas na suntok sa tyan at may kasama pang malutong na mura. Pero wala. Tangina.

At alam ko ang iniisip n'yo. Halata naman di'ba? Nagseselos ako. Aaminin kong hindi na bago sa'ken 'to. Seloso talaga ako pagdating sa mga babaeng gusto ko. But now is different. Nakakatangina na.

Now is different because now, I already realized..

Hindi ko pa man siya nakakausap, nalinaw 'ko na sa sarili ko kung ano ba 'yung paglakas at pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kanya.

Hindi lang infatuation eh.

Gusto ko siya.

Gusto ko din siya.

Nagulat nalang ako nang may kumulbit bigla sa'ken. Hindi ko na pala alam kung gaano ako katagal nakatayo lang duon habang pinagmamasdan si Jackie na nakikipagtawanan pa rin pala hanggang ngayon sa mga gunggong na chickboy na mga 'yun. Hinarap ko kung sinong kumulbit sa'ken. Si Ella. Kanina pa daw niya ko tinatawag pero hindi daw ako nalingon. Haist.

"Oli, hindi ka pa naman pala nauwi eh. Tara muna! May sasabihin ako sayo. Dali." At bigla na lang niya kong hinila. Dinala niya 'ko dun sa madalas naming tambayan.

At doon..

Binigay na niya sa'ken 'yung confirmation na iniintay ko para umasa na may pag-asa kami.

"Oli, eto na ha. Wait lang.."

Lumayo siya sa'ken at duon pumwesto medyo malayo sa akin.

Sabay sigaw..

"OLI, GUSTO KITA! GUSTO DIN KITA. THANK YOU DAHIL DUMATING KA SA BUHAY KO DUDE."

I smiled. A real one.

Another confusion.

OliverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon