Part 3

8 2 0
                                    

Saved by the bell.

Oo, nagbell. Tapos na ang lunch. Kelangan ng magsipasok sa kanya-kanyang klase ang mga estudyante. At oo, hindi ko pa nasasagot ang tanong na 'yun. Thanks to the Lord.

Pero pagkatapos na pagkatapos ng Truth or Dare na 'yun, nangamoy Awkward. Husay sa'ken 'tong mga katropa ko. Pahamak kahit kailan.

Nakakainis. Nakakalito. Ano ba talaga?

Lumipas ang mga linggo..

Naramdaman ko na lang na lumalayo na sa'ken si Jackie. Nagiging ilag na siya sa'ken. Minsan niyayaya ko siyang sumabay na sa'ken pag-uwi pero lagi siyang may excuse. Tipong magc-cr muna daw siya pero inabot na ng ten minutes, wala pa din. Mga may meeting pa daw sila ng group niya kaya umuna na daw muna ako. May kasabay na daw siya pag-uwi at puro babae daw sila kaya baka ma-op lang ako. Minsan naman hahanapin ko siya pero malalaman ko sa mga kaibigan niya na nakauwi na pala siya. Parang nakakainis lang. Bakit ba? Akala ko ba gusto niya 'ko? So bakit niya iniiwasan?

Eh teka, pakialam ko ba? Di'ba hindi ko naman siya gusto? Eh malamang bestfriend ko! Syempre may pakialam ako. Oo, 'yun nga yon! Ano, may angal? Gwapo ako? Oo na lang. Maliit na bagay.

Si Ella? Ganun pa din. We're going strong. Nah, I mean.. hindi pa kami in a relationship pero basta nagkakaintindihan kami. Alam niyang gusto ko siya. Sabi ng iba, MU na daw kung kami'y titingnan. Pero ayokong umasa hangga't wala pang confirmation galing sa kanya.

Basta ang masasabi ko lang.. We're very close.

Pero si Jackie.. kailangan ko s'yang kausapin kung ano bang problema.

At para na din malinawan na ako sa kung ano ba talaga 'tong lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kanya.

OliverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon