Part 8

14 2 0
                                    

Tumagal ang pag-iwas ko kay Ella ng mga isang linggo yata. Umiiwas na din sya. Nakakainis. Ugh. Miss ko na siya anu ba.

Nakakainis dahil hindi ko sya matiis. Isang araw kinausap ko na sya. Di ko na kakayanin eh! Nag-iwan ako ng note sa upuan nya sa oras na magvacant kame.

"secret tambayan natin. pls.
           -oliver"

Sa secret tambayan namin na kung saan inamin niya saken na gusto nya din ako. So, anu nang nangyare don? Is it just a lie?

Dumating sya. Nung una sobrang awkward. Parang may libing. Ang tahimik. Hanggang sa sabay kaming nagsalita..

"I'm sorry."

So, yunn.. Sinabi ko sakanya na kaya lang naman ako umiwas eh nasaktan lang ako sa narinig ko. Sobrang nasaktan.

Pero hindi ko alam na may ikasasakit pa yung "sobra" na yun. She said she wants to be honest with me. So she told me that what I heard is true. Na si Kean parin. Hanggang ngayon. Pero sinabi niya din, na yung nararamdaman nya para saken eh hindi biro, hindi mo masasabing "wala lang". Naguguluhan ako. So ano to, gaguhan lang? Di ko sya maintindihan!

Hindi ko na kinaya yung sakit na para bang tutulo na yung mga lintik na luha mula sa mga mata ko kaya minabuti ko muna umalis.

"Ang gulo mo.. Ewan ko na. Kaya alis muna ko ha? Medyo masakit dito eh." At tinuro ko yung kaliwang dibdib ko kung saan nandon ang puso kong hindi ko na alam kung buo pa ba.

Hindi naman ako na-inform na pati pala mga babae, paasa na din.

.

.

At sa mga gantong sitwasyon na parang sobra sobra ng bigat ang nararamdaman ko, isa lang ang pinupuntahan ko..

Si Rance. We're not related pero kambal ang turingan namin. Hindi kami araw-araw nagkikita at nagkakausap. Minsan, isang buwan kame walang communication pero malinaw sameng dalawa na walang magbabago. Kambal. Bago ko pa sabihin sakanya na may problema ako, alam na nya. Vice versa. Tunay na kaibigan, kumbaga. Yeah, maliban kay Jackie, si Rance bestfriend ko.

.

.

.

Bago ko pa mamalayan, andito na ko ngayon kasama si Rance sa tambayan namin simula nuon. See? Isang text ko lang sakanya: |hernandez. tara tambay. ang sakit eh, nakakagago.|

|gege cruz. gago wag kang magpapakamatay ha, may utang ka pa saken 10pesos!|

|langya ka hernandez!|
.
.
.

At ngayon na andito na sya,

Salamat at nailabas ko na lahat..

OliverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon