Sumakay ako sa Jeepney ,
Ikaw ang nakatabi ..
Di mapaniwala ..
Parang may hiwagang nadama ..
Nang tumama sayo ang aking maga mata ..
Ganyang ganyan ang feeling pag may nakakatabi akong PWEDE nang maging Boyfriend. Ayaw ko aman kasi ng super gwapo basta may itsura at mukha siyang mabango, PWEDE na talaga.
______________
Taft Avenue
Ayun, sakto ..
May tumabi sa akin.
GWAPO, MABANGO, at kamukha ni COCO MARTIN!
OMG! emeyged telege ete!
Hawak ko anag Cellphone at ina-update kaagad ang Facebook status ko .. “Katabi ko si COCO MARTIN!” Asa naman akong may magko-comment. Di naman kasi ako ganun kasikat sa lahat ng Facebook friends ko. Sa kakaunting 695 friends ko, wala pa sa isang daan yung talagang CLOSE ko. Madami kasi dun mga classmate ko mula Elementary hanggang College. Madami pang mga Isnabero at isnabera ..
“ Bakit yumaman ka na ba?”
“Ha?” Sagot ko kay bespren. “Ha, anung konek?
“Kasi katabi mo si COCO Martin. Hahahaha” Sagot ng siraulo ..
“Adik! Kamukha lang niya. Hihi Ang bango nia friiind.” Mukha ankong tangang ngiting ngiti kakapindut na parang kausap ko na din si bespren Aiza nang harapan. Kulang na lang sabunutan ko katabi ko. Ay! Si Coco Martin pala katabi ko. Yung katabi ko na lang! Tama!
“Yung di pa nagababayad diyan! Magbayad na ho!” Sigaw ni Mamang tsuper. Ako todo pindut padin. Comment. Like. Comment. Like. Comment ulet at Like ulet.
“Ale! Kayo po ata yung tinutukoy ng driver?” MAlumanay ngunit medyo asiwa niyang sinabi iyon .. hindi siya si ala-Coco Martin. Siya yung katabi ko sa kana ko. Moreno, malaki ang katawan. Medyo pawisan pero kitang kita mung makinis ang mukha niya ..
“HA?” Sa gulat at pagtataka, yun lang ang sagot ko. At nagtinginan na lahat ng tao sa jeep. Nakakainis at mapanghusgang tingin.
“OMG! Pasensiya na po! Nakalimutan ko.”
“TSSS..”
Sabay hawak ni manong tsuper sa noo niya. Inis dahil trapik. Inis dahil sa isang tao na masyadong abala kaka-Facebook ay magkukulang ang pang boundary niya sa araw na yun. Dali dali kong hinalungkat ang bag ko. Ayaw pa ata magpakita ng wallet ko na tila tinuturuan pa ako ng leksyun. Ano ang gagawin ko?
Paking teyp!
Naiwan ko pa wallet ko!
…..
“Manong, bayad daw po niya.”
Teka? Sino yun? Kakahiya man, pilit kong hinanap kung sino yun. Katabi ko pala. Si ala-Coco Martin kaya? Naku! Sobrang nakakahiya yun. Sa lahat siya pa talaga. Pero nung tiningnan ko siya para pasalamatan, tinuro niya lang ang isa ko pang katabi. Dahan dahan kong binaling anag tingin sa isa kong katabi. Nakangiti pero may nakakairitang matang nakatitig sa akin.
Ikaw?
Tamang tama huminto na kami sa bababaan ko. Bumaba na din si Kuyang Otso. Kilala ko siya alam ko. Di ko lang matandaan kung san ko siya nakita. Hinabol ko siya para magpasalamat.
“Kuya! Kuya!”
Di ako pinapansin ng Loko. Ang bilis pa maglakad. Aminin mo kuyang Otso, may lahi ka bang kabayo o higante sa laki ng hakbang mo?
“KUYANG OTSO!”
Ayun lumingun din. Tinuro niya ang sarili upang manigurado kung siya ba talagan tinatawag ko. Tumango lang ako ata naabutan ko din siya.
“Ako? Kuyang Otso? Ahh.. Ako lang pala nagbayad ng pamasahe mo kanina. Sa susunod Aleng Taranta, Alalahanin mo muna mga bagay na importante at di ang Facebook status mo. Nakakahiya ka.”
Natulala naman ako sa sinabi niya. Tumagos yun hanggang kailalaliman ng buto ko. Di ko naman sinsadyang makalimutan ang lahat. Oo na. AKo na si Aleng Taranta! Ako na talaga! Im the Best! Teka ano yun? Ale daw?
“Mawalang galang na po Kuya Otsonggo. Hinabol kita para pasalamatan at di para sermunan. At paano mo nalamang busy ako sa Facebook status ko? Sinisilip mo Cellphone ko noh? Ikaw ang mas nakakahiya sa ating dalawa at hindi ako! How dare you!”
Di pa ko tapus sa sinasabi ko ay tinalikuran na niya ako. May itsura sana at pwede nang humabol sa kagwapuhan ni ala-Coco Martin kaso sa sama ng ugali, Waley ka kuya! Nakakainis! Iniwan pa akong mukhang tanga. Wala na talagang matinung lalake ngayong panahun. Kaya NBSB ako eh. Hindi ako agad nagtitiwala sa maga lalake.
Bago lang ako sa trabaho ko at ayaw kong ma-late. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
“AJA! Good vibes saniban mo ako!”
….
Dumating siya. May hawak na bulaklak. Nakangiti. Teka, kilala ko siya. Oo. Siya nga! Napatulala ako, siya nga yun pero baket ganun? Anung gingawa niya dito? Parang nay hanging umiihip sa kanya at nakakasilaw na liwanag ang bumabalot sa kanya. Lord, baket siya? Nang may parang spot light na tumapat sa akin. Nagpapahiwatig na ito talaga ang binigay ni Lord.
“AlengTaranta.”
Liwanag.
Nakakasilaw.
Ihip ng hangin na may kasamang petals ng mga rose.
Mabango.
Ang bango niya. Ngumunguso na ko kakaamoy sa kanya.
“Ateng Tulala!”
Malakas n sigaw na gumising sa panaginip ko na di naman talaga dapat ituloy. Lalu na sa Otsonggong yun? Dali dali akong tumakbo sa loob ng CR. Kaaway ko siya. Pinahiya niya ako. Ayaw ko sa kanya. Lord, sa lahat naman bat sa kanya niyo pa ipinara ang Puso kong tahimik na umaasang makatabi ang tinadhana sa akin. Si ala-Coco Martin na lang sana.
Coco Martin ..
Otsonngo?
Para po.
BINABASA MO ANG
JEEPNEY (Tagalog)
RomanceIsa itong Love story ! Manalig ka :) Sumakay ako sa Jeepney , Ikaw ang nakatabi .. Di mapaniwala .. Parang may hiwagang nadama .. Nang tumama sayo ang aking maga mata .. Ganyang ganyan ang feeling pag may nakakatabi akong PWEDE nang maging Boyfriend...