Magallanes

64 0 0
                                    

MAGALLANES

Lara Andrea Flores ang pangalan niya. Matagal ko na siyang crush. Malapit lang ang bahay niya sa amin at madalas ko siyang nakakasabay s jeep. Gustong gusto ko ang paglipad ng buhok niya sa tuwing umaandar ang jeep at natatangay ito. Ang natural na pamumula ng kanyang pisngi sa tuwing naiinitan.

Di ko naman siya sinusundan pero nagkakataon talaga na lage ko siyang nakakasabay kahit sa paglalakad lang. Sana napapansin niya din ako. Lage siyang nakayuko at hawak ang cellphone niya at tila lageng namamadali. Isang umaga nakasabay ko ulet siya sa jeep at ngayon, katabi ko na siya. Naamoy ko ang pabango niya, at nakikita ko nang malapitan ang mga ngiti niya habang abala sa kanyang cellphone.

Di ko mapigilang tingnan kung anu ang ginagawa niya.

Ganun pala siya. Ako ba yung tinutukoy niyang si Coco Martin? Parang ang saya niya. Sana ako na lang yung si Coco Martin mo.

Nang biglang ..

Naawa ako sa kanya, lahat ng mata ng taong kasakayan namin ang nakatingi s kanya. Siguro ito na ang pagkakataon upang mapansin niya ako.

“Manong bayad daw po niya.”

Nakita kong nagulat siya sa nadinig. Sana saken siya tumingin. Katabi mo lang ako. Ngunit hindi siya tumingin sa akin.

 Pasensya na hindi ako yung taong inaasahan mong sasalo sayo, hindi ako ang super hero mo.

Huminto na ang jeep at bumaba na ako. Hinabol niya ako pero pilit kong binilisan anglakad para di niya ko maabutan.

“KUYANG OTSO!” Sigaw niya. Wala akong nagawa kundi ang huminto.

Oo, nasaktan ko siya sa mga sinabi ko. Pero kailangan niya yun para matuto siya. Di kasi niya nakikita yung tunay na importante, yung tunay na super hero niya. Hindi niya ako nakikita.

Dahil parang stalker din naman ang dating ko, alam ko kung saan siya nagtatrabaho.

Gusto ko humingi ng tawad sa kanya. Tama na siguro ang bulaklak pang peace offering. Siyempre di ko makakalimutan ang mag ayos na konti at magpabango, kahit simple lang akong tingnan may maipagmamalaki naman ako.

Ayun siya. Mukhang busy ata. Alam niya kaya na khit nakatulala siya, maganda pa din siya? Nakakatawa talaga itsura niya. Di niya ata alam na matagal nang tumigil ang mundo ko sa tuwing nakikita ko siya. Na lagi ko pinapangarap n asana din a tumigil ang sinasakyan naming jeep kung saan lagi kaming magkasama. Kahit saglit lang yun.

“ATENG TULALA” Sabi ko sa kanya. Di ko maintindihan kung bakit hindi niya pa din ako pinapansin. Nang magising, at nakilala kung sino ako tumakbo ba naman ang loka loka kung crush na ngayon di ko lam kung mahal ko na ba.

May ganun ba? Na inlove kakatingin at tila tadhanang napapalingon ako sa kanya. Kakaiba.

“Lara Andrea Flores!”

Inabangan ko talaga siya paglabas niya ng CR. Alam kong galit pa din siya sa akin dahil sa mga tingin niyang yun. Iniwasan niya ako. Eto ako si tanga sinundan pa din siya. Sinundan siya sa elevator, naghagdan din  kami hanggang roof top ng building nila. Puro kami takbo di pa din siya tumitigil kahit pinagtitinginan na kmi ng mga tao sa Mall.

Bakit mo ko sinisundan?”

“Tumatakbo ka eh.”

“Sino ka ba?” Hingal niyang tanong.

“Hmmm..” Di ko alam kung bakit umurong ang dila ko. Siguro dahil ang ganda niya pa rin kahit pawis n pawis n ang mukha niya.

“Ahh alam ko na! Naniningil ka ba dun sa otso pesos na pinambayad mo sa akin kanina? Yun lang pala eh. Halika!”

Walang ano ano ay hinalbot niya ang kamay ko. Dinala niya ko sa pwesto ng trabaho niya at pinaghintay sa labas. Dapat din a ko naghihintay ditop eh, di ko naman kailangan ng bayad sa pamasahe mu kanina. Gusto ko lang naman tanggapin mo ang bulaklak na dala ko.

“Eto na po Kuyang Otso. Sana di tayo maghabulan sa susunod ha? Nakakapagod eh.” Ayan, nagsunget na siya. Naku po.

“Eto. Tanggapin mo. Sorry kanina lalu na sa mga sinabi ko. Sige. Alis na ako, magkikita pa naman tayo eh. Actually araw araw tayong nakikita di mo lang ako napapansin. Sana pag nagkasabay uli tayo, ngitian mu naman ako. Ang ganda mo kasi pag ngumingiti.”

Pagkasabi ko nun, tumalikod na ko at umalis. Sana mapansin niya ko.

Sa susunod.

JEEPNEY (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon