Guadalupe

101 0 0
                                    

GUADALUPE

Maaga talaga akong gumigising, fix na ang 6:30 am. 10:00 am pa naman kasi ang bukas ng mall na pinapasukan ko. Ewan ko bas a Lanz na yung kung ano trabaho niya at lage ko din siyang nakakasabay. At ngayong araw na to magsisimula ang pagkakaroon ko ng instant bodyguard. OMG! Nanay ko kasi eh, astang mayaman. Eh wala namang pera kaya si Lanz ang nakita.

Si Lanz pa lang kasi ang unang lalaking dumalaw ditto sa bahay maliban kay manong Meralco at manong Maynilad. At may pagka super hero ang pakakakilala ni nanay kay Lanz. Buti na lang di ako natuluyan nung mabahong rapist na yun! Jusko po! Magpapakamatay ako!

Pagkasilip ko sa bitnana, andun  siya. Hmmm aga din niya talaga. Pakikisamahan ko na lang tong si Lanz  tutal mukha namang mabait at mapagkakatiwalaan.

“Good Morning Lara!” bati niya sa akin, na sinagot ko naman ng pilit na ngiti. Ayaw ko namang mag feeling close nuh.

“Oh nak! Upo ka na dito at kumain.” Sabay tabi ng uupuan ko sa pwesto ni Lanz. Nanay ko talaga nagpapahalatang me pagnanasa kay Lanz na maging manugang.

“.. Lanz kumain ka na din. Tabi na layo ni Lara.” Kitang kita ko pagkindat ni nanay kay Lanz. Talaga naman oh. Papakita pa eh, di halatang botong boto kay Lanz.

“.. san ka nagta trabaho Lanz?” Tanong ni nanay kay Lanz na mukhang napasarap sa luto ni nanay.

“Sa Mall din po. Manager po ako sa isang fast food chain.” Magalang naman na sagot ni Lanz. Big time pala ito. Papatulan ko na ba? Hahaha

Sa dami ng tanong ni nanay, di na ko nakinig pa. Nakatingin kasi ako sa araw. Kung makikita mo pala siya sa malapitanmakakaramdam ka ng mainit dito. Dito sa Puso ko. May ganun? Maganda katawan at di mukhang sakitin hula ko may abs to (yummy), amoy na amoy ko ang pabango niya. Yun kasi gusto ko sa lalake. Yung mabango.

“Lanz, alis na tayo.” Yaya ko sa kanya, Mali-late na pala ako. Ilang minute ding nawala ulirat ko kanina ah. Buti di ako nahalatang nakatingin sa kanya. Busy kasi kakasagot sa mga interview ni inay ko.

Bakit ang bait bait mo.

Lalu na sa nanay ko.

Ikaw ba talaga super hero ko?

Sasaluhin mo ba ako?

Pag nahulog na ko sayo ..

Ang tangkad niya pala. Napatingala ako at nagtanong sa kanya. “Bakit Lanz?”

“Anong bakit?” Taka niyang tanong.

“Bakit ang bait mo? Noong una tayong nagkita, akala ko suplado ka. Hindi naman pala.”

Ngumiti lang siya at parang nagpapa cute na sumagot.

“Lara, aaminin ko. Nagselos ako. Akala ko kasi alam mong ako nanlibre sayo. Umasa akong sa akin ka titingin. Kaya yun.”

“Ahhh..” Seloso pa siya.  Sakto namang sakay na kami ng jeep at nakatapat naming si ala-Coco Martin. Di ko maiwasang mapatingin pa din kay CocoTin. Habang nakikiramdam ako sa magiging reaksyon ni Lanz. Eh pake niya bah? Hindi pa naman kami.

Teka parang mali ata ako.

Habang tulala ako kay CocoTin, nilagay ni Lanz ang kamay niya sa baywang ko. Yung parang ginagawa ng mag-jowa pag nakaupo sa jeep. Ngumiti naman si CocoTin sa aming dalawa, siyempre ngumiti din ako. Pagtingin ko kay Lanz, nagulat akong inaamoy niya pala buhok ko.

“Ano ba?” bulong ko sa kanya.

Pero di sumasagot ang loko. Bakit nga ba? Tayo ba? Tayo ba? Nagkatol to kagabi! Pustahan pa tayo eh.

“Crush ka nun eh. Pasensiya na. Sige una na ko. Ayaw ko lang namang isipin niyang single ka pa.”

“Eh single naman talaga ako eh!”

“Oo. Ngayon. Pero sa mga susunod na araw hindi na. Kasi magiging tayo din. Lara tandaan mo Mahal kita. Maiinlove ka din sa akin. Pinapangako ko yan.”

Speechless ako dun te! Nag echo yung maiinlove ka din sa akin. On cue paglipad ng buhok ko na parang hinipan ng kupido at sinasampal na matauhan ako. Walang anu ano, dumampi na pala ang labi niya sa pisngi ko at umalis na.

“Uyy beshii!” hampas sa akin ni Aiza.

“.. anu na? hinalikan lang tulala pa din?”

“Hinalikan? Ako?”

“Ay tanga? Oo nga. Teenager lang?”

Teeanager daw pag kinilig ang inlove. At nararamdaman ko na ata yun. Ata? Ayaw pa umamin eh.

In love na nga ba ako sa kanya?

Sa tabi lang po. Sa tabi niya. J

JEEPNEY (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon