Nagtataka siguro kayo kung baket MRT station lahat ng title ng chapter? At kung baket baligtad ang Ayala at Buendia? HAHAHA
Sa totoong buhay. Naliligaw talaga ako sa MRT. Promise :)
_______
"Manong para po!"
"Teka Miss bawal po dito." Sabi ng driver.
Aba nang nagkataon, bumaba talaga si Lara. Yan ang hirap sa mga Pilipino ehh .. Masayadong mahilig magapalusot. Parang si Lara , dahil di makalusot kay Lanz iiwasan niya na lang muna. Hanggang kailan naman kaya?
Kandarapa tuloy sa pag iwas sa mga sasakyan tong babaitang to. Eh kasi naman ehh .. Malapit na ang babaan, nagpumilit pa. HAHAHA Late na nga, haggard pa. Saan ka pa?
Ganyan ba itsura ng inlove? uyyy .. ayaw pa aminin kasi ehh .. Naiinlove na kay Lanz itong si Lara. Napapa I love you na nga ehh ..
OK. Back to the haggard Lara. Si Lara na walk out girl.
"Wow girl, youre so AMAZING ! Nag zipline ka ba mula bahay niyo hanggang dito s office ? Hantaray ng hair mo ehh .." Si Aiza the best pero di siya pinapansin ni Lara. Diri-diretso lang siya sa table niya.
"Lara." Sabi ng sticky note sa coffe mag niya
"Aiza naman ehh .. Wala ako sa mood para sa ganitong mga trip."
"Wow gurl. Nag zipline ka lang Hot ka na din?" Nice one Aiza ! the best ka talaga. Okrayin mo pa. Hahahaha
"Ehh saan ba kasi galing to?" Tanong ni Lara simangot gurl.
"Hindi ko din alam best ehh .. Nakita ko lang diyan kanina .. Ayaw mo nun, may cofee ka na .. Mainit pa nga ehh .." Hinawak hawakan pa ni Aiza ang mug.
"Yoko inumin yan baka may lason mamatay pa ko."
"Ayy ang sungit mo talaga gurl. Baket anong nangyari?"
"Ehh kasi nag I Love you ako kay Lanz"
"ehh ano naman gurl? Kung true naman ehh .. why not saying it di ba?"
"Oo nga .. Mahal ko siya. Ehh kaso bakit ang bilis naman? Ano yung Love at first ride?" Paliwanag ni Lara
"Hindi yun Love at first ride Lara."
Gulat na gulat yung dalawa sa narinig. Nang marinig ni Lara ang boses na yun dali dali na nman siyang tumakbo. Pero nahabol siya ni Lanz s elevator.
Medyo mainit pero may aircon. Ang sikip, pero silang dalawa lang naman.
"Lara, wag mo na kasi akong takasan." Unti unting lumapit si Lanz kay Lara.
"Aa-anong gagawin mo?" Napapa atras naman tong si Lara.
"Magsuklay ka nga. Ang ganda mo kaninang lumabas ka nang bahay niyo. Nakarating ka na ng office, gulo pa din yang buhok mo?" Assuming naman tong si Lara kala hahalikan .. Uyyy gusto .. HAHAHA
Matapos magsuklay, bumukas na ang elevator pero di siya makalabas. Hawak na ni Lanz ang kamay niya.
"Ano ba?" Pagtataray ni Lara
"Bibitawan ko lang kamay mo pag pumayag kang sunduin kita mamaya ha? Kain tayo sa labas."
"OO na nga!" napilitan ka lang ba Lara o pakipot kunwari. Hmmmm
"MWAAAAAH!"
Makanakaw ng halik wagas tong si Lanz ehh .. Lagot kayo sa CCTV ng elevator. huling huli ow. HAHAHAHA
Gusto ko mag byahe .. Tara ?
BINABASA MO ANG
JEEPNEY (Tagalog)
RomanceIsa itong Love story ! Manalig ka :) Sumakay ako sa Jeepney , Ikaw ang nakatabi .. Di mapaniwala .. Parang may hiwagang nadama .. Nang tumama sayo ang aking maga mata .. Ganyang ganyan ang feeling pag may nakakatabi akong PWEDE nang maging Boyfriend...