AYALA
Karga karga ko siya nung kinatok ko ang pinto ng bahay nila.
“Laraaa! Anaaak koooo! Anung nangyari sayo?” Eksaheradang reaksyun ng nanay niya. Ang bigat na nga ng anak niyo, dami pang interview. Ganto ba talaga mga biyanan?
“Nakita ko po siyang ginagahasa sa may madilim na iskinita. Pero wag po kayo magalala, naipakulong ko na po.”
“Ay talaga? Salamat pogi. Anu nga pala pangalan mo? Kumain ka na ba? Taga san ka? Kaibigan mo ba anak ko?” Sa dami ng tanung di ko alam kung ano ang uunahin ko. At mukha pang dalaga ang nanay niya.
“Lanz Anthony Real po. Opo, kumain na po ako. Taga Malunggay St. po, kasundo ng street niyo. Nagkataon lang po na kakilala ko yung anak niyo lagi ko po kasi siyang nakakasabay pag napasok kami.”
“Ahh..” Yun lang ang matinong naisagot ng nanay niya.
“.. sabi ko naman kasi sa kanya pag gabi ng uuwi, sumakay na lang ng taxi para safe siya, buti sana kung matitino lahat ng kalalakihan ngayon, eh hindi! Makakita lang ng nakapalda eh, pagnanasaan na. Teka? Taga Malunggay ka di ba? Ihatid sundo mo kaya ang anak ko?”
“Naaay!”
Di pa tapus si aling Celing sa sinasabi niya eh, halatang ayaw ni Lara na magpahatid sundo sa akin. Dali dali namang pinuntahan ng ina niya sa kwarto. Di mo masasabing kwarto iyun ng isang babae sa dami ng kalat. Nakita ko pa nga bra niyang naksampay sa kung saan. Sa tingin pa lang 36A na ang size. Eto ba ang babaeng kinahuhumalingan ko tuwing umaga.
“Anak, gising ka na pala. ANdito pa si Lanz yung naghatid sayo.”
Ngumiti ako upang batiin siya pero, nakapikit pa pala.
“Nay, bakit ang liwanag sa kwarto? Di ba yaw ko ng masyadung maliwanag.” Taka namang sumagot ang ina niya.
“Anak, gingahasa ka pa ba? Lampshade lang bukas. Bumangun ka nga diyan at kumain! Kung di pa ako tinulungan ni Lanz na bihisan ka, di pa ko makapagluluto ng hapunan mo.”
“Naaaay!” Sigaw niya ulet. Mukhang galit na ata. Tinulungan ko lang naman nanay mo pero di akok tumingin kaya wag kang magalit.
“Joke lang nak. Ikaw naman kasi mukhang galit ka pa kay Lanz eh tinulungan ka na nga. Kalma lang nak. Siya na ata hinihintay mong super hero.” Lakas naman ng tawa ng nanay niya.
“.. kaya nga sabi ko sa kanya pag papasok ka, hatid sundo ka niya. Tutal lagi naman daw kayo nagkakasabay. Ano nak? Payag ka ba?” Sabay tingin sa akin ng nanay niya na humihingi ng pagsangayon.
“.. Nak pagbigyan mo na ako. Kahit isang linggo lang mapanatag lang loob ko. At may tiwala na ako sa kanya.” Tulala na naman tong mahal ko. Di ko naman siya gagahasahin eh. Di ba siya naririndi sa ingay ng nanay niya. Dami sinasabi eh, tapus tulala pa din. Hayyyy..
“Oo na. Oo na nay! Tama na po!”
Wala bang kayang gawin to kundi sigawan ang nanay niya? Tssss..
“Yehey! Payag na siya!” Sigaw naman ng nanay. Ganto ba talaga sila? Mas may isip pa ata yung anak kesa sa nanay eh. Napansin ko sa mga litrato nila Masaya sila sa mga kuha nila at lagi pa silang magkasama. Kasu nawawala yung tatay. Ni isang litrato, wala ang tatay niya. Masaya kaya ang pagkabata niya? Hmmm..
Pagkatapus ko kumain ay umalis na ako. Puro kami tawanan ng nanay niya ata kabaligtaran naman kay Lara. Kahit isang ngiti lang ow. Pero seryuso pa din siyang kumakain. Na-shock ba siya dahil sa tangkang pang gagahasa sa kanya kanina? Naisip niya nab a ang pagpapapansin ko sa kanya? Naisip niya na kaya na ako ang tunay niyang super hero?
Bukas na!
BINABASA MO ANG
JEEPNEY (Tagalog)
RomanceIsa itong Love story ! Manalig ka :) Sumakay ako sa Jeepney , Ikaw ang nakatabi .. Di mapaniwala .. Parang may hiwagang nadama .. Nang tumama sayo ang aking maga mata .. Ganyang ganyan ang feeling pag may nakakatabi akong PWEDE nang maging Boyfriend...