BUENDIA
Loko loko.
Paano ko naman matatanggihan yung bulalak eh halos isalaksak sa akin, tanggapin ko lang. Tapus sabay talikod may sinabi di ko naman maintindihan. Adik din tong Otsonggo na to eh. Kahit saan ko siya tingnan may liwang pa din sa buong katawan niya. Sana the whole time na kahrap ko siya naka-shades ako. Magiging Toni Gonzaga naman lahat ng taong makakasalubong namin at sisigaw ng AWKWAAAAAAARD!
Eh Awkward naman talaga! Ako pa unang humawak ng kamay niya. The best ka mehn! Wag ka sanang assuming koya. Tamapal ko sayo tong bulaklak mo eh. Speaking of bulaklak? Sunflower ba to? Ayaw na ayaw mo naman sa Liwanag koya? HMMM..
“UYYYY!”
Naku si bespren Aiza lang pala.
“Tongaks! Siya yung sinasabi ko sayong nanlibre sa akin tapus pinahiya ako nung ngapsalamat na. Peace offering daw te! Parang di naman. Hmmmm..”
“Naku beshii, eh kitang kita naman na kinikilig ka eh. Tulala ka kaya kanina. Lalu na nung binigay niya yung bulaklak sayo. Taray? Sunflower pa? Unique. Bihira na lang mga lalakeng nagbibigay niyan.” Pabida ni Aiza. Palibhasa may lovelife kaya inspired. Ako na wala! Amp amp
“Alam mo beshii deadline na ng report ko. Wanna help me? Please.” Ibahin na usapan ng di humaba pa. Kakaumay. Ako? Magkaka-lovelife? Magpapadasal ako sa limang simbahan pag nangyari yun!
Gabi na kami natapus ni Aiza sa gingawa namin.Buti pa si Aiza may sundo. Buti pa si Aiza may Boyfriend na mabait, gwapo, laging andyan, maginoo, lahat na ata eh. Pwera sa isa, may anak sa ibang babae. Ewan ko ba! Pag mahal mo ba talga ang tao, tatanggapin mu lahat?
Suamabay lang ako hanggang labas tapus magisa na ako hanggang sakayan ng jeep. Gabing gabi na talaga nuon at sarado na lahat ng tindahan madadaanan mo. Parang nai imagine ko mga scene sa pelikula, pag yung magandang babae(pagbigyan niyo na) naglalakad mag isa tapus may kasunod siyang hayuk sa sex na mukhang sangganu.
Lingun sa kaliwa, walang goon. Lingon sa kanan, wala ulet. Sige lakad lang Lara, walang goon na manggagahasa sayo. Pero hindi eh. Parang merun talaga. Naaamoy ko yung amoy ng alak at sigarilyo na dumikit sa jacke o sa t-shirt niya.
“Huwag kang kikilos, holdap to.”
Sabi na eh. Sabi na eh! Mapagkakatiwalaan tong ilong ko eh. Amoy lalake nga! Hinawakan niya ako at ang dala kong bag. Kinakapkapan. Ay teka! Pati behind ko at boobs hahawakan? Akala ko ba holdap? With extra tsansing at kamanyakan lang? Ang amoy mo koya! Nakakaulasuk! Nung isang dekada pa ata to naligo eh.
“Hmmm.. Maganda ka. Nice boobs. Sexy pa!” Bulong niya sa akin. Pati na naman hininga mo amuy imburnal? Sabay hatak sa akin sa isang madilim na iskinita. Ako naman sigaw ng sigaw!
“Tulong! Help! Ang baho niya na nga! Gagahasain pa ako! HELP!” My God! Kapal ng mukha talaga. Winasak na blouse ko! Hindi pa naman bayad to sa suki kong nagna-Natasha.
“Manong maawa po kayo, kunin niyo na lahat ng laman ng bag ko at pera ko! Huwag lang ang pagkababae ko. Virgin pa po ako eh. Huhuhu”
“VIRGIN? Uso pa ba yun ngayun? Eh coconut oil na lang ang virgin ngayon eh. Walang awa awa sa akin. TUWAHAHA hubad!”
Napatili na lang ako habang ginagalugad na ni manong amoy patay ang katawan ko. Nakakadiri! Kung ikaw ba naman sa pwesto ko eh. Mapapaiyak ka sa pandidiri hindi sa panggagahasa sa iyo. Maygad!
Pak! Boom! Boom boom pow! Wapak! Pak! Buuugsh!
Tunog na bigla na lang simingit sa ingay ng tili ko.
“Ikaw?”
Sapakan to the max! Umi-FPJ, puma-Pacquiao at lahat ng the moves ng lahat ng action star pinakita niya! The best ka koya! Ikaw naaaa! Mukhang tanga lang ako sa gilid ng pader na parang bumi-Vilma Santos ang peg sa pagdausdos pababa. Dramarama lang pag ginagahasa?
Hagulgol naman ako nung nakita niyang nakasandal sa pader. Parang siyang si Spiderman o si Batman o si Wolverine o si Ironman nang lumalapit na sa akin. At dahil gabi na, lalu pang lumiwanag ang liwanag ng katawan niya. Ano ka? Santo lang na bumaba sa langit upang iligtas ako? My hero!
“Tula-Lara, OK ka lang? Tara hatid na kita.”
Ang boses na yun. Pakiramdam ko talaga ligtas ako. Binuhat niya ako at tiningnan niya ako nang nakangiti.
“Salamat.” Yun lang ang nasabi ko at nawalan na ako ng malay. Ang bango niya pala.
BINABASA MO ANG
JEEPNEY (Tagalog)
RomanceIsa itong Love story ! Manalig ka :) Sumakay ako sa Jeepney , Ikaw ang nakatabi .. Di mapaniwala .. Parang may hiwagang nadama .. Nang tumama sayo ang aking maga mata .. Ganyang ganyan ang feeling pag may nakakatabi akong PWEDE nang maging Boyfriend...