Eyoww everyone! I'm back. Continuation to ng Chapter 1. Happy happy po sa inyo! =)
Dedicated po ito kay BlueberryIceTwirl. Ayan na po madam Frances. Ito na yung hinihingi mong dedication. Sana patuloy ka pa rin sa pagsupport sa story ko.
=3
-------------------------------------------------------------------------
=== SKYLAR'S POV ===
Pagpasok ko sa kwarto, binato ko yung bag ko sa kama tapos humiga ako. Kinuha ko naman yung cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Nagmulti-call ako at ang mga tinawagan ko ay sina Cherry, Lianne, and Lainne.
"Hello?" sabay na tanong ng tatlo.
"Hello din sa inyo. May bago akong nalaman! Alam niyo ba ang ibig sabihin ng 'f*ck you' ay ' i love you'?" sabi ko habang nakasmile kahit hindi nila nakikita.
"HAAAAAAAAAAA?!?!" sabay sabay na sigaw nila.
"Mmmhmm. Yun yung sabi ni Kuya Cloud sakin. And ang meaning daw ng 'shit' ay 'nothing'. So hindi naman pala ganun kasama si Wayne eh. Nakakakilig kaya yung ga---" naputol yung sasabihin ko nung sumigaw si Cherry.
"Hindi yun yung meaning nun! Ano ba yung pinagtuturo sayo ng kuya mo? Nasiraan na ba siya? Bakit niya sina---" pinutol ko din yung sinabi niya.
"Oy Cherry di porket mali lang yung tinuro sakin ni kuya ay nasiraan na siya ah. Wag mong pagsabihan ng ganyan yung kuya ko kundi alam mo kung anong magyayari---" pinutol niya nanaman yung sinabi ko.
Hayy... pansin niyo ba puro putol yung sentence namin? Si author kasi. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip. Naloka na nga ata si author eh. =.=
(Dawn: hoy. palibhasa ikaw ang bida dito gaganyanin mo na ako?)
Oo. Ginawa na nga eh.
(Dawn: Ewan ko sayo bahala ka diyan. Ituloy mo na to.)
Ok.... So, ito yung sinabi ni Cherry.
"Eh sa sobrang layo kasi ng description niyang sinabi sayo ng kuya mo eh. Hindi mo ba alam na nagmumura ka na tapos ang masama pa ay yung pinagsabi mo YATA yan sa iba. Baka mamaya nag GM ka tapos ang nakalagay... 'Hello po sa inyo! kumusta po yung araw niyo ngayon? Happy ba kayo or sad? Don't be afraid to tell your feelings. F*** you everyone!' o kaya kung hindi mo sinabi sa amin yung tungkol diyan ngayon baka nagsisigaw ka na sa school ng... 'Hello everyone! F*** you!'. Nako po Skylar. Pasalamat ka nalaman agad namin to kundi baka nasapak ka pa ng iba kapag sinabi mo yun sa kanila.
Kung di nga lang kita bestfriend baka nasapak na kita eh. Nga pala speaking of sapak, pupunta ako ngayon diyan sa inyo. Diba sabi mo ngayon bibisita yung kuya mo? Nandyan ba siya ngayon?" sabi ni Cherry with matching iling-iling pa yan ah.
"Oo nandito ngayon si ku---" hindi ko na natapos sasabihin ko kasi binaba na ni Cherry yung phone niya. So kaming tatlo nalang nila Lianne and Lainne ang nagmumulti call.
"Si Cherry talaga. Hayaan mo nalang yun, Skylar. Alam mo naman yun. Kapag may masamang mangyayari sa atin agad siyang eeksena. Except nalang kanina. Titig na titig siya kay Daryl." sabi ni Lianne.
"Uyy, ano bang ibig sabihin ng nagmumura? o.O" - me.
Bumuntong hininga naman yung dalawa.
"Engot naman kasi yang kuya mo eh. Ginawa kang inosente tapos nung nakarinig ka ng mura bigla nalaang sasabihin na 'i love you' yun. Kung gagawin ka nyang inosente sana naman wag niyang hayaan na makarinig ka ng mura. =.=" sabi naman ni Lainne. Alam ko nakabusangot na yung mukha niyan. Ganyan yung tono eh.
BINABASA MO ANG
The Clash of the Innocent and the Gangster (SLOW UPDATE)
Ficção Adolescente[SLOW UPDATE] Sa tingin mo anong mangyayari kung nagkabangga ang isang inosenteng babae at isang aroganteng gangster? Magkakagulo kaya? Eh paano kung nagbago yung isa sa kanila? Magkakasundo ba o magbabangayan nalang sila? NO SOFTCOPIES. NO COMPILAT...