Chapter 1 - The Innocent Girl

969 23 17
                                    

Hello po. Ito po yung second story ko.

Sana po magustuhan niyo.

=3

----------------------------------------------------------------------------------

*** SKYLAR'S POV ***

Hello po sa inyo! Ako po si Skylar Zandra Periae. (ang basa po sa surname niya ay 'pe-ri-yey') 17 pa lang po ako, 12th grade sa Grande Exclusive University pagmamay-ari ni Ate Jade. Isa sa mga bestfriend ni Kuya.

Meron akong kuya. Cloud Zachary Periae yung pangalan niya. 2 years yung agwat namin. Ang sabi nga nila mommy, siya daw yung nagbigay ng pangalan ko. "Skylar" stands for "Sky" and "Star". dinagdagan lang nila ng letter 'L'. Yung Zandra naman, galing sa name ni daddy which is Zander.

 May 3 akong bestfriends. Sina Cherry, Lainne and Lianne. Magkakasama na kaming apat simula nung naka-diaper pa kami. Si Cherry ay anak ni Tita Chesca. Si Lainne at Lianne naman ay kambal pero hindi magkamukha. Anak naman sila ni Tita Elannie. Hanggang ngayon, magkakasama parin kaming apat, walang iwanan at palaging nandyan para sa isa't-isa.

Simulan na natin yung story, baka kasi nabobore na kayo eh.

Nandito kami sa hallway ng GIU since recess na namin. Papunta na kami sa locker namin ng may bigla nalang tumili.

"Waaaahhhhh!!!!! Sila King Wayne andito na!" sigaw ng isang babaeng nagmukha ng clown sa sobrang kapal ng make-up sa sobrang kapal niyang mukha.

"Ang gwapo mo talaga Kade!!!" sabi ng isang babae. Ay mali pala... Sigaw pala yun.

"Oo nga, gwapo ka Kade, pero mas gwapo pa rin si Daryl babes ko." sabi ng isa pang girl.

"Si Cam ang pinaka-gwapo sa kanilang lahat. And super cool niya pa."

Puro ganyan ang naririnig namin sa mga babae. Binaliwala nalang namin. Sanay na kami sa ganyan eh. Tapos na namin makuha yung mga libro sa susunod na subjects galing sa locker. Sinuot ko muna yung headphones ko and nagpatugtog. Habang naglalakad ako, nagbabasa ako ng The Selection. And may hawak naman akong shake sa kabila.

Ako ang nauunang maglakad kesa sa tatlo. Naguusap kasi sila, hindi ako sinama. At dahil curious ako, tinanong ko sila pero naglalakad pa rin kami.

"Ano yung pinag-uusa--- *boogsh* *splash*" napa-atras ako dahil sa lakas ng impact ko sa nabunggo ko. Tinignan ko kung sino, at nakita ko ang isang galit na Wayne. Nakita ko rin na basa yung jacket na suot niya and may plasctic cup ng shake sa lapag. Natapunan ko siya.

"Sorry Wayne. Hindi ko sinasadya. Hindi ko naman alam na---" naputol yung sasabihin ko kasi bigla siyang sumigaw.

"You filthy brat! Look at what you've done to me! Ang lagkit ko na. Shit naman! F*ck you for ruining my jacket!" yun yung huli niyang sinigaw niya sakin bago siya mag walk-out. Sumunod naman yung tatlo niyang kasama.

Tama naman siya na malagkit na siya, naka half-open kasi yung jacket niya so may part na natapunan din yung shirt niya.

"Grabe naman yun, girl. Ang harsh niya. Pero ok ka lang ba, Sky?" tumango nalang ako sa tanong ni Cherry.

Ok lang naman talaga ako eh. At bakit naman nilang nasabi na harsh siya! Well, harsh naman talaga siya kasi sinigawan niya ako. Pero angmas pinagtataka ko ay, what is the meaning of 'shit' and 'f*ck you'? O.o Itatanong ko nalang mamaya kay kuya.

Binaliwala ko nalang rin yun at pumunta na kami sa canteen. Pagdating namin dun, nandun na sila Wayne at nakapag-palit na siya ng shirt niya pero hindi na siya nagsuot ng jacket. Nakatingin ako sa kanya tapos bigla siyang napatingin sakin. Ang masasabi ko lang ay ang sama ng tingin niya. Dahil ako ay isang inosenteng bata, umiwas na ako ng tingin. Ayokong magkaroon kami ng staring contest. =.=

So ayun, umupo na kami sa usual table namin. Kumain na kami and bago mag-bell bumalik na kami sa classroom namin. Nakalimutan ko palang sabihin na magkaklase kami ni Wayne, kaya ayun. Titig na titig siya sakin. Lusaw na nga ako eh. =.=

After ng ilang hours uwian na....

"Hay sa wakas at uwian na din! *yawn* Grabe! Nakakaantok si ma'am magturo." sabi ni Lianne. 

Niligpit ko kaagad yung gamit ko sa bag, kasi curious pa rin ako sa iisang question na kanina pa umiikot sa aking beautiful brains. Pagkatapos kong maligpit yung gamit ko, lumabas ako at pumunta sa locker. Nilagay ko na lahat ng libro and notebooks since wala namang homework o kahit anong school activities na ipapagawa samin.

Naglakad na ako palabas kaso lang natigilan ako sa sigaw ni Cherry.

"Saan ka pupunta Skylar? Iiwan mo pa kami dito ah." sabi niya habang nakapameywang.

"Ay sorry. Kailangan ko na kasing umuwi. Ngayon daw ako bibisitahin ni kuya sa bahay. Sige bye na." pagkatapos kong sabihin yon, naglakad na ako paalis.

"Sige! Bye-bye Bessie! Ingat ka! Loveyah! Muah, muah!" pahabol na sigaw ni Lainne. Kabisado ko ung boses kaya alam ko kung sino. At ayun, tuluyan na akong nakalabas ng building ng school.

Pumunta na ako sa may parking lot kasi dun ako sinusundo ni manong. Pagkapasok ko, dumeretso na kami sa bahay.

After a few minutes, nandito na kami. Pumasok na agad ako kasi excited na akong makita si kuya. And may itatanong pa ako sa kanya. Pagpasok ko, mas lalo akong sumaya. Kasi nandun sina ate Jade. Ang lapad ng ngiti ko nung nakita ko sila. ^____________^

"Hello sa inyong lahat! Waaahhhh.... Kuya Cloudie!!!! Amishu so much!" sabay takbo and yakap kay kuya Cloud. Medyo napa-atras pa nga siya eh. Napatawa naman ng mahina sila ate Jade.

Habang nakayakap ako kay kuya Cloud, tinanong ko na sa kanya yung kanina pang tumatakbo sa isip ko. 

"Kuya, what is the meaning of 'shit' and 'f*ck you'?" tanong ko. 

Medyo nagulat sila ate Jade so tumingala ako para makita yung mukha ni kuya Cloud na gulat rin. Napalitan ng kaba ung pagka-gulat ni kuya Cloud, tapos sila ate Cass naman sa iba napatingin pwera lang sila ate Jade and Kuya Raven. 

"Ah-uhmm... 'shit' means nothing, and 'f*ck you' means 'i love you'. Kaya kapag may narinig ka pang ganun, wag mo nalang pansinin, ah? Maliwanag ba Skylar?" madiin na sabi ni kuya.

Tumango nalang ako and nung tinignan ko sila kuya Raven, nagpipigil ng tawa. 

"Ah ok... punta na ako sa kwarto, kuya." paakyat na ako ng hagdan ng may naalala ako.... "Nga pala, f*ck you kuya! ^^" sabi niya dina ang meaning ng 'f*ck you' ay 'i love you' diba? So ayun... bago pa ako tuluyang maka-akyat, narinig ko ang malakas na tawanan nila kuya Raven.

*** End of chapter 1 ***

------------------------------------------------------------------------------

A/N: 

Ito po ang second story ko... Sana po nagustuhan niyo!  

Sana po mag vote and comment kayo! =D

Love yah guys!!! 

Muah~!!! =***

- Dawn. <3 

March 20, 2013. =DDD

The Clash of the Innocent and the Gangster (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon