Throughout the whole evening, nag-enjoy lang kaming mga casts. Kain lang kami ng kain ni Daniel. Mabuti yun para tumaba naman siya! HAHAHA. Yung malapit ng matapos ang party, lumapit siya sa akin.
"Mara, nakikita mo ba yun?" tinuro nya yung kutsilyo sa may serving table.
"Ano? susugatan mo na naman ako? subukan mo lang!" Nag-gesture ako na parang susuntukin siya.
"Grabe ka naman! Gusto ko lang naman sabihin na gusto ko na ipag-slice mo ako ng cake. At hindi na kita kakainin. Mawawala ang dyosa ng mga Lechon. HAHAHA"
"Ah ganun? ganun? Bahala ka dyan!" tumalikod ako sa kanya.
"Uy!" Pinigilan nya ako sa pag-alis. Hinawakan nya ang kamay ko at hinatak ako pabalik sa kanya.
DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG. Hindi ako makatingin sa kanya. Ano ba? Hindi ko alam kung bakit.
"Mara, tumingin ka sa akin."
"HAAAAAAAAAAAA?!"
"Mara, tumungin ka sa akin." pinisil-pisil nya ang kamay ko.
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang iniangat ang mukha ko. "Bakit?"
"Kung di mo ako kukunan ng cake........... CH-CHOPIN kita ngayon! HAHAHAHAHA. Sige na please!" Pinorma nya na naman yung kamay nya na parang anghel. tsssh..
Ay, akala ko kung ano yung sasabihin nya. Teka? bakit Mara? Nage-expect ka? Ganun? ERASE ERASE ERASE! i pulled my hand away from his.
"HUUUUUUUH! Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na wag kang magpa-angel angel na ganyan? Sinisira mo ang pangalan ng mga Anghel sa langit!OO na! kukuha na ako ng cake!" Dumiretso na ako sa may table.
After nun, bumalik na ako sa kanya. Kinuha nya yung plate sa akin tapos kumain na. Ano ba ito? Ilang taon ba'tong hindi nakakain ng cake? Konti na lang pati yung plato ipakain sa kanya eh.
"Hoy! May dumi ka sa mukha! Para kang aso." Tinapik ko yung balikat nya.
"Ha?! saan?" tinuro nya yung opposite side.
"Hindi, doon sa kabila."
"Dito?"
"DANIEL! kabila ba yan? baba yan ng bibig mo eh! akin na nga!" inilapit ko yung chin nya sa akin.
"Teka." Kumuha ako ng panyo sa Mini Satchel ko at pinahid dun sa mukha nya.
"Uhmmm, Mara. may sasabihin sana ako sa iyo."
"hmm?"
"Kasi ano, parang may g-MARA! DANIEL ! DALI !" Na-interrupt yung sasabihin nya sana nung tinawag kami ni ate Jessy.