Julia's POV
After nung spiel namin nila Ate Shaina, Kim at Daniel, bumalik na ako sa dressing room ko. Sa ASAP stage, kumakanta pa rin sila Kathryn kasama nung mga kalokalikes.
Grabe lang, minsan nakakapagod din mag artista. Lalo na sa mga panahong, wala ka ng ibang gagawin kundi magpaganda lang? Kelangan matakpan yung mukha mo ng make-up pero ok
lang din, para kela lola, gagawin ko 'tong trabahong ito. Kinuha ko ang Phone ko at nagsimula ng mag-Net. Wala na akong magawa eh. After a few minutes, may kumatok.
"Bukas lang yung pinto."
Nagulat ako nung may pumasok na napakalaking Flower arrangement. Hindi ko makita yung nagbubuhat kasi nga, sobrang laki. Grabe, ang ganda lang ng mga bulaklak. Napatayo ako at tinulungan yung nagbubuhat.
"Delivery from Mr. Coco Martin mam." Suaaave ang boses ah? bakit parang pamilyar?
"Uhm, paki ulit?"
"Delivery from your BABY mam." HALAAA?! bakit parang nang-iinis 'tong lalaking ito ? Grabe yung pagka Emphasize ng BAAABY ha !
"Sino ka ba?" Gustong gusto ko talaga makita yung lalaki pero iwas naman siya ng iwas. ginagamit nya pa ang bulaklak para macover yung mukha nya.
"BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM!"
*Ay BUSET ! Ako --> =______________________=
"ANO BA DANIEL ! Ikaw talaga! Wala ka ng magawa sa buhay!" i slapped his shoulder kasi naman, nilayo nya yung bulaklak sa mukha ko tapos nang-gulat.
Nilagay nya na yung bulaklak sa may salamin. at umupo dun sa mga nilagyan ng mga make-ups.
"Ano na naman ba trip mo?"
"Wala lang, ang tagal kasi nila Kathryn eh, tapos baka may magpapicture pa pagbaba nya ng stage kaya dinaan ko na lang yan dito."
Lumapit ako dun sa bulaklak at may card.
- Dear Ms. Julia,
Continue inspiring us ! I hope to see your new teleserye here soon. Take care always!
Love,
Juliangels/CocoJuls Malaysia
"Galing naman pala 'to from juliangels eh. Kala ko naman kung ano." Sumandal ako sa may pader at kumuha ng isang rose at inamoy.
"Bakit? Ine-expect mo talaga na galing yan kay Coco noooh? SUS !"
Binato ko ang rosas sa kanya. "Hindi kaya ! Syempre, ikaw naman ang nagsabi na galing kay coco. At hindi naman ako magtataka kung sa kanya galing 'to dahil sanay na ako sa pagkasweet nya" I smirked at him.
"WOW! Kinikilig din 'to. AHEEM. AHEEM. AHEEM. Paalala ko lang Juls, *Coughs*. Di ka pa EIGHTEEN. Ok? Kaya di ka pa pwede LIIIIIIIII-GAAAAAAA-WAAAAAAN. :P"