JulNiel?!?!

384 6 3
                                    

-Julia's POV-

"Happy Birthday Julia!"

Sinorpresa ako ng mga Juliangels pagpasok na pagpasok ko pa lang dito sa venue ng post-birthday celebration ko. Grabe ang dami nila! Akala ko simpleng party lang pero yung presence nila ang nagpabongga ng celebration na ito. Siyempre, wala sila noong debut ko kaya pumayag na ako sa plano nilang mag-organize ng get-together kasama sila.

"Hi bebe! Maraming Salamat dumating ka" napakalaki ng ngiti ni allanna nung lumapit siya sa akin. Oh ha? Alam ko ang ng fan ko noh? Palagi atang present ang batang ito sa lahat ng shows ko kaya na memorize ko na ang pangalan.

"Oo naman! Para sa inyo. Kailangan kong pumunta"

Nagsimula na ang program. Sumali ako sa mga laro nila at KUMAIN! HAHAHAHHAHA. In fairness sa mga JULIAngels, well-prepared ang event na ito. After ng ilang mga lokohan with them, pinakanta nila ako ng "Buko". TARAY! Guys, besides sa pag-arte, alam nyo ba na super great ang singing skills ko? ok, joke lang. Pangarap pangarap din tayo. Sa karaoke ko lang naman nafe-feel ang inner concert talents ko. hihihihihihihihi. \^_____________^

"Ate Jules, marami po ang nagsend ng videos para sa inyo" After ng kanta, pinaupo nila ako sa gitna para daw ipakita ang mga videos na sinend sa facebook ng iba ko pang fans na hindi makapunta dito.

Nagsimula ng magplay ng videos at halos mapaiyak ako sa tuwa dahil sa sobrang saya. Sobrang saya na marami akong na-inspire hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa na rin. Andaming pakulo ng mga fans ko. May kambal na kumanta ng isang originally-composed birthday song for me. Yung mga taga Italy, gumawa ng video about sa scrapbook na ginawa nila para sa amin ni Coco. SUPER NAKAKA-TOUCH ang ginawa nila. Sila na! Sila na talaga! BIGYAN NG JACKET! hahahahha. Pero seryoso, kasama sila sa mga pinakamahahalagang tao sa buhay ko.

"Last Video na po iyan." Butt in ng isa ko pang fan na nakalimutan ko ang pangalan hahahaha

"Juliangels from South Cotabato"

WOW! Yun ang title ng vid. Grabe, akalain mo yun? naabot ang powers ko sa South Cotabato? My Gosh. Di ko talaga inexpect ito!

After how many seconds, lumabas na ang tatlong babae sa video. Tapos kinuha nila ang mga violin nila saying, "Dahil ikaw si Jillian, you inspired us to do well in playing this instrument" . Awww, nanood talaga sila ng A Moment In Time. Kung di nyo alam, violinist ang role ko doon na nainlove sa isang painter which is Coco.

Pagkatapos nilang tumugtog, pinakita nila sa videos ang lahat lahat ng mga roles na pinortray ko. Favorites daw nila sila Clara, Katernina,Ligaya pero ang pinakamahal daw nila ay yung simpleng "JULIA MONTES" lang. Shemaaaay, nakakaiyak naman ito. Drama ba ito? Nakiki-MMK naman ako kung iiyak ako. Kasi naman, nakakatouch talaga ng puso. After nun, pinakita nila ang different loveteams ko. May JulBie (Talaga? Julia at Albie? Nakiki KathBie ako? haha) May Julsam (As in? may fans kami ni Sam? Kaloka. D ko KNOW!) May Juliego ( CHAROT. May Chemistry ba talaga kami?) Tapos picture ng JulQuen (Ay ang gwapo ni Enrique doon!) Then COCOJUL! (Shemay, kinilig ako bigla. Wala lang. Yung picture kasi namin, Yung nasa may poolside kami. Nung sa Walang Hanggan :) hihi ay sorry, lumalandi ang lola nyo)

"aaaaaaaaaaand" Mejo may pause doon sa video. Bakit? May iba pa ba akong loveteam? bakit may and pa?

Ang sumunod na lumabas sa video ay NAKAKALOKA! Na halos maluwa ko na ang kinakain kong cake that time.

"JULNIEL!" At BOOOOOOOOOOOM! Lumabas ang picture namin ni Daniel. HINDI SI DANIEL GUIDOTTI kundi ang NAG-IISANG DANIEL PADILLA!

"Aheeem.Aheeem. Uhm. Ah. HAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHA" Paubo-ubo pa ako pero hindi ko na napigilan ang pagtawa ko ng sobrang lakas! Bakit pa kasi sinali doon ang JulNiel? Teka? May Loveteam ba kami? hahahhahaha. Swear! Para talaga akong kiniliti ng sandamakmak na tao. Ako? AKO? AKO?!?!?! Ako at si DANIEL? hahahaha. Si Daniel na kaloveteam ng bestfriend ko? hahahhahahahahahhahahahaha. Grabe. GRABE TALAGA. Kelan pa kami nagkaroon ng loveteam? lol. Teka? Bakit nga ba? Bakit may JulNiel? hahahahhaha

My GirlFriend's GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon