Siguradong mabilis kong matatapos ang misyon na ito. Tila ang tadhana ay umaayon din sa aking mga plano. Walang kahirap-hirap akong nakapasok sa grupo ng royalties. Kailangan ko nalang makuha ang buong tiwala nila para mapalapit ako sa mga hari at reyna. Gagamitin ko sila tulad ng plano namin ina, hindi ako mahihirapan sa misyon dahil ngayon palang nakakasiguro na akong madali ko silang maninipula.

Hmm...

Sino ba sa kanila ang pinaka madali kong malilinlang?

Kahit gustuhin ko mang gamitin ang prinsesa ng Creus, hindi maaari. Yvy might be hard for me. Hindi ko siya basta-basta masisira sa lahat dahil hindi ko kayang makipag plastikan sa kaniya. Baka bago ko pa siya magamit ay napatay ko na siya. P'wede ko naman siyang tapusin pagkatapos ng aking misyon pero sa ngayon, kailangan ko pa siya. A bitch like her is too tough to use.

I need an innocent one like an angel.

"Angel, huh?" I smirked. Sa kanilang lahat mas madali siyang sirain. Mukha siyang tanga. Too bad for her, but not all angels were lucky. Madali silang manipulahin at gamitin. Angels are pity stupid.

Napangiti ako sa aking sarili.

Habang nakaupo sa harap ng salamin ng aking kuwarto, hinubad ko ang maskarang suot ko. Tanging ang kalahati lang ng aking mukha ang natatakpan ng maskara. My face were perfectly made. Ibang iba ako sa lahat maging sa mga cadieusian na kalahi ko. Ngunit ang sabi ni ina, sinumpa raw ako ng mga diyos at diyosa. Kulay lila ang aking mahabang kulot na buhok at mata. Iilan lang ang tunay na nakakaalam ng aking hitsura at pagkatao. At tanging ako at si ina lamang ang may alam ng kapangyarihan ko.

Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito sa Caelum Academy. Bawat palasyo at academya ng iba't ibang kaharian ay may barrier laban sa aming mga cadieusians. At sinabi sa akin ni Gideon na ang Caelum Academy ang may pinaka malakas na barrier dahil narito ang iba't ibang lahi at uri ng Caelumians.

Nakakasiguro akong pakana ni ina ang lahat ng ito. Pinag-aaralan naming mga cadieusians ang pagsira ng mga barriers para lusubin sila ngunit hanggang ngayon nahihirapan pa rin kaming masira ito kaya kumilos na si ina. Ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan upang palabasin na isa akong biktima. Ang maskarang binigay sa akin ni ina ang tumulong sa akin upang maitago ang tunay na pagkatao ko. Kapag suot ko ang maskarang bigay ni ina, nagiging asul ang aking mga mata at buhok. Paghinubad ko naman ito ay bumabalik ako sa dati kong hitsura. Ang mga cadieusians lamang ang may kapangyarihan ng nyebe, sinabi niyang kailangan kong magpanggap na nakatakas ako sa kalupitan ng sarili kong kaharian.

Walang kahit sinong cadieusians ang maaaring makapasok at labas sa barrier na ginawa ng mga hari at reyna ng Caelum maliban na lamang kung ang puso at isip namin ay kinasusuklaman ang kaharian ng Cadieus, ang aming sariling kaharian.

Kaya paano ako nakapasok sa Academy na ito? Galit at poot ang nararamdaman ko para mundong ito. Ang nais ko lamang ay masira at maghiganti sa kanila. Hindi sila naging patas para sa amin. Kinamumuhian ko sila.

Ito ang unang beses na pinayagan ako ni ina na makalabas ng aming kaharian. Buong buhay ko ay wala akong ginawa kong hindi ang sanayin ang kapangyarihan na mayroon ako. Lahat ng mga cadieusians ay nag-aaral sa academya ng aming kaharian upang palakasin ang aming pwersa.

Sinumpa ng mga hari at reyna ang aming kaharian. Pinatay nila ang aking ama. Kinalimutan nila kami, ang kaharian ng Cadieus.

Hindi ko sila mapapatawad.

Sisiguraduhin kong magbabayad sila. Kukuhananin ko ang lahat ng dapat na sa amin.

Siya ang may kasalanan ng lahat. Ang reyna ng Sataria. Inagaw niya ang lahat ng dapat kay ina. Sana si ina ang naging reyna ng Sataria kung wala lang siya. Ang hari ng Sataria, pinaslang niya ang aking ama. Kasalanan lahat ng mga magulang niya. I'll make sure na magdurusa ka, Angel. Pagbabayaran niyo ang lahat.

Binuksan ko ang bintana ng aking k'warto at dumungaw doon. The wind blew and immediately hugged my skin. Nasa pinaka mataas na palapag ng dormitory ang unit namin at mula rito natatanaw ko ang napakalawak at maliwanag na academya ng Caelum. Nagkalat ang mga estudyante sa buong paligid at tila hindi alintana ang mga bagay na posibleng mangyari. How ironic, habang naghihirap ang aming kaharian malaya nilang nagagawa ang mga gusto nila. It's so unfair. Tumingala ako at tumitig sa kalangitan. This is I always do when I feel lonely. Even though I had my mother and friends, it feels like nothing. I can't feel anything but emptiness.

I closed my eyes and take a deep breath. Hindi man naging patas ang mundo sa akin, gagawin ko ang lahat para makuha ang dapat na sa akin.

I smiled and raised my hand like I'm reaching for a star to stop myself from crying. Walang ningning ang mga tala at hindi rin sila maliwanag upang sapat na magbigay ng ilaw sa gabi ng dilim. Pero kapag nakikita ko sila, pinapagaan nila ang pakiramdam ko.

Naalala ko ang aklat na nabasa ko sa lihim na lagusan ng aming palasyo.

Noong unang panahon, hindi naglalaho ang mga tala sa pagsapit ng umaga. Sapagkat, ang liwanag na hatid nila ay walang sing ningning. Merong isang prinsesa ang isinalang sa mundo at tulad ng isang maningning na bituin, tinitingala siya ng lahat. Siya ang prinsesa na nasa propesiya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari nagbago ang lahat. Naging mapusok ang tadhana sa kaniya.

Hindi ko natapos basahin ang aklat na iyon sapagkat pinagbabawal ito ni ina.

Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa prinsesa, dahil simula daw ng mangyari ang trahedya, nawalan na ng sigla at liwanag ang mga tala. Sa gabi nalamang sila nagpapakita upang ipaalala ang presensiya ng prinsesa, pero marami na ang nakalimot sa kaniya.

Nasaan na kaya siya?

Natigilan ako nang lumandas ang mainit na luha sa mukha ko.

I'm crying?

Mabilis kong pinunasan ang aking mukha gamit ang aking kamay para hawiin ang patuloy na pag-agos ng luha. Hindi ko napansin na umiiyak na ako.

I took a deep breath to calm myself down.

Napapitlig ako sa gulat ng may kumatok sa aking pinto. Wala rito ang royalties ngayon dahil pinatawag sila ni Headmistress. Narinig kong meron daw silang hindi inaasahang bisita at kailangan sila ro'n.

Agad akong lumapit sa kama kung nasaan ang aking maskara at mabilis na isinuot ito, bago ako lumapit sa pintuan.

I forced myself to smile and immediately opened the door wide.

Nang bumungad sa akin ang seryoso at malamig na tingin ng lalaking kaharap ko ay natigilan ako.

"W-why?" Gosh! I suddenly feel nervous. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa mga titig niya. My heart beating so fast.

"Come with me." malamig niyang sabi at tinalikuran ako.

The Lost Princess Where stories live. Discover now