Astraea's POV

"Uh? Havoc, where are we going?"

"Ouch!" Nasubsob ako sa likod niya ng bigla siyang huminto. Masama ko siyang tiningala nang hinarap niya ako. Handa na sana akong awayin siya kung hindi ko lang naalala ang mga plano ko.

Calm down, Soem.

Mabilis kong binago ang ekspresyon ko. Binaba ko ang tingin at yumuko sa kaniya. Shit!

"What did you call me?" malamig na tanong niya.

Napalunok ako. Ganito ba talaga siya? He's scary! Damn.

"H-Havoc..." mahinang sambit ko sa pangalan niya. Tama naman, 'di ba? Hindi ako sure!

Nang mag-angat ako nang tingin sa kaniya ay wala siyang sinabi at malamig lang akong tinitigan, bago ulit nagpatuloy sa paglalakad.

Papunta kami ng HM office at medyo malayo pa ang aming lalakarin. Ano naman kaya ang kailangan nila sa akin?

Hindi kaya... My gosh! No, it can't be! Alam na kaya nila? Hindi maaari.

I'm such a good actress, imposibleng mabuking nila ako kaagad.

Habang naglalakad hindi ko maiwasang titigan at mamangha sa kaniya. I have never seen a man this handsome before. Siya ang susunod na hari ng buong Caelum. Siguradong isa sa royalties princess ang pakakasalan niya para maging reyna ng buong mundo. Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya. Sa hindi malamang dahilan parang may bumara sa dibdib ko.

Nang marating namin ang opisina ni H.M. Wendal, binuksan ni Havoc ang pintuan at pinauna ako roon, sumunod siya. Pagpasok ko pa lamang ng silid naramdaman ko na ang kakaibang tensyon at ingay ng mga nag-uusap sa loob.

"Siya nga, kamahalan."

Unti-unti kong napansin kung sino ang mga na roon. Sa isang mahabang mesa, sama-sama ang mga royalties, hari, at reyna. Sa gitna nila ang matandang Headmistress.

Malaki at malawak ang office ni Headmistress pero ngayon parang ang sikip-sikip, halos hindi ako makahinga ng maayos. It feels like I'm suffocating. Nasa harap ko ang mga taong trumaydor sa aming kaharian. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.

Nilingon ko si Havoc sa likuran ko at binigyan niya lamang ako ng malamig na tingin, as I expected. Umupo na siya at naki-halubilo sa mesa.

Anong kailangan nila sa akin? Alam na ba nila? Bakit nila ako pinatawag? Anong gagawin nila?

Paanong? It can't be!

Imposibleng mabuking ako nang ganon-ganon nalang. Hindi p'wede...

"P-pinatawag n-niyo po ako..." hindi ko naiwasan ang panginginig sa boses ko.

"Maupo ka," ani Headmistress sa akin.

Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko sa takot at kaba. Dahan-dahan akong lumapit sa mahabang mesa at naupo sa bakanteng upuan, katabi ng lalaking sa tingin ko ay kasing edad lang din ni Havoc. Sino siya?

"A-Astraea..." nabaling ako sa babaeng tumawag ng pangalan ko. How dare she? Malamig ko siyang tiningnan hindi na alintana ang kabang nararamdaman.

"H-how are y-you?" tanong niya at tila pinipigilan ang emosyon.

Sa tanong niya na kumpirma kong hindi pa nga ako nabubuking. That's relief. Naaawa siguro sila dahil sa mga kasinungalingan ko na pinag malupitan ako ng mga cadieusians (na hinding-hindi mangyayari) at naka takas lamang papunta rito.

"I'm fine." malamig kong sinabi at iniwas ang tingin sa reyna.

Fuck.

Umayos ka, Astraea!

"Ina, bakit narito si kuya?" napunta ang atensiyon naming lahat kay Angel. Ngumiti ang reyna sa kaniya at bumaling din sa akin.

"Babalik na siya rito." baritong wika ng isang hari na sa tingin ko ay ang ama ni Angel.

Parang nag aalab ang puso ko sa nag uumapaw na nararamdaman.

Ano bang dahilan at pinapunta pa nila ako rito?

Ang lamig ng mga kamay ko ay mas lalo pang tumataas. Ang init sa puso ko ay parang bulkan na na kahit ilang sandali ay sasabog.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? May galit ngunit parang may iba pang dahilan.

Damn it, control yourself, Astra.

"Astraea?" Gideon's voice boomed on my ear. Bastard. Ginamit niya na naman ang kapangyarihan niyang pumasok sa isipan nang iba at ngayon pa talaga.

"Where are you?"

Pumikit ako para harangin ang technique niya.

Block.

Nang hindi ko na marinig at maramdaman ang kapangyarihan ni Gideon ay dinilat ko ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Havoc na kaharap ko sa mesa. Nag-init ang mukha ko.

Anong tini-tingin mo d'yan?

Inirapan ko siya at nilingon ang katabi kong kanina pa pala ako tinititigan. Kung hindi ako nagkakamali, kapatid siya ni Angel.

He's looking at me intently at tila inaalam ang pagkatao ko.

Ngumiti ako sa kaniya.

Natigilan siya bigla sa ginawa ko. Kahit ako ay nagulat. What was that?!

"He's Trevor Sataria, hija. He's the prince of Sataria," aniya ni Headmistress.

"Kung ganoon, paano ka nakalaya sa kanila, Astraea?" ulit na tanong ni Angel habang naglalakad kami patungo sa aming unang klase para sa araw na ito. Kanina niya pa siya tanong nang tanong.

Tumigil ako at malamig siyang binalingan. Kairita.

"Anong pinalalabas mo?" gumuhit ang iritasyon sa mukha ko. Gladly hindi nila nakikita 'yon dahil sa maskarang suot ko. Mukhang nagulat siya sa reaksiyon ko at napayuko.

"Astraea..." pagpigil sa akin ni Venus.

Hindi ko siya pinansin at nanatili ang iritang tingin kay Angel.

"Pinagdududahan mo ba ako?" asik ko.

Guilt plastered on her face. Paawang umiling siya.

"H-hindi! P-patawad, Astraea... Mali ang iniisip mo, sadyang nagtataka lamang ako..." nauutal niyang sabi.

"Talaga ba? Hindi ba't sinabi ko na sa inyo ang lahat, ano pang gusto mong malaman, huh?" I raised my brows and crossed my arms around my chest.

"Gosh! Let's go na nga Angel!" tawag ng bruhang si Yvy sa kaniya ngunit hindi siya gumalaw sa kinatatayuan.

I smirked.

I know what do you really want, bitch.

"Gusto mo bang tanggalin ang maskarang suot ko?"

Nag-angat siya nang tingin at gulat sa sinabi ko. Kahit ang royalties na kasama namin ay natahimik sa sinabi ko.

"Hindi ko maaaring alisin ang maskarang ito," sabi ko na ikina-dismaya nila.

"What?!" dismayadong sigaw ni Yvy sa pagmumukha ko.

"I can't." maarte kong sabi.

"Bakit, Astraea? Kahit nakasuot ka nang maskara, nasisilayan pa rin namin ang iyong ganda. Kung aalisin mo 'yan, siguradong mas mapapatunayan mong maganda ka talaga!" si Kreo.

I fakely smiled at him.

"I don't need to take off this mask just to prove my beauty."

The Lost Princess Where stories live. Discover now