Trust Issues

657 36 9
                                    

"I got trust issues because people got lying issues." - Anon

-

Chapter 16
















__


Pumi pintig ang ulo ko pagka gising ng araw ng linggo, paano di ako naka tulog at kahit na naka pikit lang, nag e echo yung mga sinabi ni Maddox.

Nag kape ako at naupo sa may labas ng bahay at tumulala sa mga batang nagsisigawan.

"Sabi kasing ako ang nasa gitna" Turan nung anak ni Desa. Palaban talaga yung lahi nila.

"Bakit ikaw nanaman?" Matapang na balik naman nung isa.

"Oh, alam mo ba yung steps?" Mataray pang sagot nitong batang lalaki.

Napa isip ako kung ano bang nakain nila at ang agaaga pagtatalo na ang ginagawa nila. Ilang minuto pa matapos ang pag aaway, nag kasundo na sila sa formation.

Sumayaw sila at kumembot na ikina laki ng mata ko. Mas malambot pa sila sakin. Napansin nila ang panonood ko kaya humarap sila sakin at parang para sakin nag perform.

"May tatlong bibe akong nakita, mataba, mapayat mga bibe ngunit ang may papak sa likod ay iisa, sya ang lider na nagsabi ng quack, quack, quack,quack" Di ako nakapag salita. Ito na ba ang uso sa mga batang lalaki ngayon?

"Hoy Junior! Sinabi ng mag hugas ka ng plato!" Bulyaw ni Desa sa anak nya, nag disperse sila at nag takbuhan habang si Junior kaagad ng pumasok sa bahay nila.

Nagkaroon ulit ng katahimikan, at sa mga segundong iyon nag replay nanaman sa utak ko yung pag iyak ni Maddox na para bang napaka laki ng kasalanan ko sa kanya.

Humigop ako ng kape, saka ko pinagmasdan ang brown na liquid napakurap kurap ako ng lumitaw ang mukha ni Maddox na weirdly binuo ng mga bula.

Umiling iling ako at tinungga nalang ang kape. Ibinalik ko ang mug sa kusina ng maubos na ang laman saka ako naupo sa harapan ng TV.

Nalito ako ng makita ang mukha ni Maddox sa babaeng nandoon. Kinusot ko ang mga mata ng ilang beses bago bumalik sa normal.

Then nung malipat ang camera sa leading man, mukha nanaman ni Maddox ang nakita ko. Hanggang sa lingunin ko si Lexy na si Maddox lang din ang dala dalang mukha.

Nasampal ko ang pisngi, at nahintatakutan sa nangyayari sakin.

"Ma, parang nababaliw na yata ako" Bulong ko kay mama ng tumayo para tulungan syang mag luto. Nag start akong mag hiwa ng mga gulay para sa bahay kubo.

"At bakit naman?" Ang walang buhay na balik nya.

"Ewan ko, iisang mukha lang ang nakikita ko sa paligid. Ma, dapat na yata akong magpa konsulta" Natatakot na ako isipin palang na mag susuot ako ng  straitjacket.

"Baka guilty kalang. At pina paalalahanan ka ng konsenya mo na nagawan mo ng di maganda yung tao na yon." Natigilan ako at napa isip.

"Sa tingin mo?" Tumango sya ng ilang beses.

"Ganyang ganyan ako kapag nag tatampo sakin ang papa mo. Kahit na sa aso, mukha nya ang nakikita ko." So kay mama ko yata namana ito, may lahi ba kaming baliw?

"So kailangan kong mag sorrg, para bumalik ako sa normal?" Tumango ulit sya.

"Kung talagang may kasalanan ka mag sorry ka. Lalo na kung ikaw ang may pagkakamali." Napa lunok ako ng pagmasdan nya pa ako. Feeling ko may idea na sya kung sino ang tinutukoy ko.

Alipin Series 3: The Losing Game (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon