Tooth rotting fluff

724 43 0
                                    

Chapter 33





















__

"Baby, here" Nabusangot ang mukha ko ng makita ang ipinatong nya sa mesa ko.

"Ayoko na nyan, okay nako." Thursday na ngayon, ilang araw na din akong nakapag pahinga kaya sinabihan ko syang papasok na ako at nakaka tamad na sa bahay.

"Inuubo ka parin, kaya dapat ubusin mo yung nireseta ng doctor." Matigas akong umiling. 

"Ayoko na sabi, puro nalang gamot. Wala akong malasahan dahil sa pait nyan. Ayoko na." Reklamo ko pa, nalukot ang ilong nya kasi since magka ayos kami sya na ang naging nurse ko.

"Okay how about this? Kapag ininom mo ito, ipag papa-alam kita kay mama." Naningkit ang mga mata ko.

"Aano tayo?" Balik ko, nakuha nya na ang full attention ko sa tinuran nya.

"Basta, lalabas tayo. Mag de date. Just drink this for now. Gusto ko ng gumaling ka." Malaki akong napa ngiti. 

Nitong mga huling araw, sobrang bored na ako na palaging bahay,work at bahay, work lang ang naging routine namin. Kapag nagpapa alam naman ako kay mama, hindi sya pumapayag kasi daw baka lumala nanaman ang lagnat ko.

"Okay, pero siguraduhin mong mapapa payag mo sya." Ngumanga ako sa gamot na isinubo nya saka ko kinuha yung tumbler ko.

Hinaplos nya ang buhok ko at yumuko para halikan ng mabilis ang sentido ko. Ngumiti pa sya ng malaki at kinuha ang tumbler ko para nanaman punuin. 

Sinundan sya ng mata ko kaya wala sa sariling napa baling ako sa kaliwa, nakita kong napakaraming pares ng mata ang naka tingin sa direksyon ko, kanina ko parin ito napapansin lalo pa kapag nag uusap kami ni Maddox.

Matapos ang party at yung spectacle na ginawa namin last time, napag alaman kong may mga tsismis na kumalat sa MVC. 

Wala akong ideya kung sino ang nagpa kalat,pero laman ng mga usap usapan na ako daw ang bagong Bea, aminado akong nakaka yamot kaya lang naka pangako na ako kay Maddox na diko sila papansinin ano man ang madinig ko. Mas makabubuti kung mananahimik nalang ako para iwas sa gulo.

So ito ang very first time na nakita nila kami in action, kanina rin sa lobby sumusunod ang tingin nila habang hawak nya ang kamay ko.

Isa pa sa naging tsismis sa buong kompanya na si Maddox ang nagpapadala ng bulaklak sakin araw araw,sya raw yung secret admirer. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang talaga sila naging aware, hindi naman namin itinago iyon.

Sa palagay ko sa mga sandaling ito, lahat sila nag aabang sa mga susunod na kabanata ng mala teleserye naming kwento. Lalo pa't alam kong nasa baba parin si Bea, diko pa natatanong kay Maddox kung anong plano nya. 

At ayoko ng malaman hanggang sa maaari, pinipilit kong itatak yung mga sermon nila papa sakin. Gusto ko ring di ako palaging pinangungunahan ng galit ko. Di naman kasi talaga magandang tignan.

Nag patuloy ang araw ko, kung saan may mga bulong na sumusunod sakin san man ako madako. Ayokong kainin ang sinabi ko pero nag start uminit ang ulo ko.






"Nayayamot nako" Bulong ko habang nginangasab yung buto ng manok.

Dinala nya ako sa restaurant na malapit sa kompanya para sa lunch at um-order ng unli wings. Laging eat all you can ang syang gusto nyang ipakain sakin para daw maka bawi. Namayat daw kasi ako na sya lang ang nakakakita. 

"Bakit nanaman? Ngumuya ka nga,baka mamaya sumakit ang tiyan mo pag nagkaroon ka ng indigestion." Pinunasan nya ang baba ko, saka ko kinuha yung inabot nyang chicken wings at may inis itong kinagat. 

Alipin Series 3: The Losing Game (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon