Part 12: Capturing the Beauty

77 5 0
                                    

Humigpit ang hawak ko sa camera nang makitang maraming babae ang nakatingin kay Kendrick. Wala namang abs! Bakit titingnan pa, hindi naman maganda ang katawan. Palihim akong umirap habang inaayos ang camera. Unang araw pa lang ay naiirita na ako.

"Bakit para ka namang pinagsakluban ng langit at lupa, Kendra?" takang tanong ni Kendrick nang makalapit sa 'kin.

"Bakit nakahubad ka? Akala mo naman may abs ka," mataray kong tugon at tumalikod na.

Narinig ko ang pagtawa niya sa likuran ko. "Kapag ako nagka-abs, makikita mo talaga ang hinahanap mo, Kendra!" sigaw niya dahil binilisan ko ang lakad ko.

Suot ang floral dress at flats habang dala-dala ang camera ay umupo ako sa malaking bato. Malayo na ako sa maraming tao at hindi rin mainit dito.

Nakaramdan ako ng pagkaantok dahil galing pa sa byahe kaya isinandal ko ang aking ulo sa bato at isinabit ang camera sa leeg. Binaba ko rin ang aking sunglasses at pumikit.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at nang magising ay naramdaman kong malambot na ang nasa uluhan ko kaya kinapa ko ito.

"Kendra, huwag masyadong chansing at baka iba na ang makapa mo r'yan." Napabalikwas ako sa bangon nang marinig si Kendrick na nagsasalita. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili na magmura nang malakas.

"What the fvck are you doing here?" tanong ko.

"FYI, madam, nakita kitang hirap na hirap na sa posisyon mo kaya gigisingin sana kita pero mahimbing na ang tulog mo kaya pinaunan na lang kita sa hita ko. Isa pa, bakit dito ka natutulog? May kuwarto naman, ah?" daldal niya kaya nagkibit balikat ako. Bumaba ang tingin ko sa hita niya na namumula pa, naka-shorts kasi siya.

"Namamanhid ba 'yang hita mo?" tanong ko.

Umiling siya, "hindi naman. 'Wag kang masyadong concern."

Umirap ako at nagkibit balikat. "Anong oras na ba?" tanong ko ulit.

"3:40 pm," sagot niya. Mahabahaba rin pala ang oras ng tulog ko.

"Kanina ka pa ba?"

"Hindi naman masyado. Bumalik na siguro tayo, nagugutom na ako."

"Sige, samahan mo ako mamaya ha."

Napatitig siya sa 'kin, "saan?"

"Dito pa rin, kukunan ko ng litrato ang paglubog ng araw mamaya."

Ngumiti siya, "oo naman. Sasamahan kita."

PAGKATAPOS naming magmeryenda ay nagtampisaw na si Kendrick sa dagat habang ako ay naghihintay sa sunset at kumukuha ng random photos. Malapit na dahil unti-unti ng naging kulay kahel ang kalangitan.

Inutusan pa ako ni Kendrick na kunan siya ng litrato at bilang isang magandang photographer nila ngayon ay pumayag ako. Gano'n din sina ate Reysha at ate Elijah.

"Hindi ka ba maliligo, Kendra?!" sigaw ni ate. Nasa dagat siya ngayon kasama ang mga kaibigan niya pang nurse.

"Mamaya na po!"

Nakita kong umahon na si Kendrick at tumakbo palapit sa 'kin.

"Tara?" ngisi ko.

Ngumisi rin siya at inilahad ang kamay niya, tiningnan ko 'yon at inabot. Tumakbo kaming dalawa papunta sa lugar na pinuntahan namin kanina. Tawa rito, hampasan doon ang ginawa naming dalawa habang tumatakbo. Tinulak ko siya papunta sa tubig pero mas malakas siya kaya nahihila niya lang ako. I laughed so hard when he tickled me.

Palihim ko rin siyang kinukuhanan ng stolen pero alam n'yo kung gaano ka-unfair ang mundo? Kahit stolen ay attractive pa rin talaga siya.

"Tayo ka ro'n, lumulubog na ang araw," wika ni Kendrick at inagaw sa 'kin ang camera.

Naglakad ako papunta sa may tubig at tumingala sa langit. Ang ganda ng kulay niya ngayon! Iba pa rin kapag sunset sa dagat dahil nag-r-reflect ito sa tubig na mas lalong ikinaganda.

Nasa tabi ko si Kendrick nang biglang umihip ang hangin dahilan upang liparin ang ilang hibla ng buhok ko at ang dulo ng dress na suot. Ngumiti ako at dinama ang hangin, lumingon ako kay Kendrick na kasalukuyan palang kumukuha ng litrato kaya ngumiti ako sa harap ng camera.

"Ang ganda," bulong niya.

"Ang ganda, tingnan mo!" Itinuro ko ang sunset na nasa harap namin.

"I agree." Narinig kong sabi niya. I slowly closed my eyes and feel the moment. I almost have everything and I'm so happy. Sana palaging ganito, palaging malaya at masaya but just like the sunset, matatapos din ang ganitong pakiramdam. I'm afraid, I'm fraid that oneday my own sunset would come.

I opened my eyes, the colors are mixed with red and orange. Sobrang bilis dahil halos magdidilim na.

"Ngiti ka, Kendra!" utos ni Kendrick at itinaas ang camera para sa 'ming dalawa. Ngumiti ako at nag-peace sign. Kumuha pa kami ng ilang pictures bago naisipang bumalik sa cottage.

"Uy, kayong dalawa ha. Saan kayo galing?" Bungad ni ate Elijah.

Nagkatinginan kaming dalawa ani Kendrick. "Sa malapit lang, kumuha kami ng mga pictures."

"Sabi n'yo e." Umiling si ate at nagkibit balikat. "Magbihis na kayong dalawa para makapag dinner na tayo."

SOBRANG bilis ng oras dahil pangalawang araw na namin ngayon dito. Mamayang Gabi ay uuwi na rin kami dahil may pasok pa bukas.

Namulot kaming dalawa ni Kendrick ng mga sea shells at inilagay sa malaking bottle sabay kuha na rin ng litrato sa mga magagandang view dahil dala ko pa rin ang camera ko.

Marami na kaming pictures ni Kendrick, gagawin ko 'tong collections.

"Gawin natin 'tong bracelet," saad ko.

"Ikaw ang bahala, sinasabayan lang kita," sagot niya. Ngumisi lang ako, ganyan dapat ang kaibigan, handa kang sabayan.

Habang abala si Kendrick sa pamumulot ng seashells ay kinunan ko na naman siya ng litrato, pagkatapos ay ang paligid naman namin at habang ginagawa ko 'yon ay may na-captire akong litrato nang hindi inaasahan.

Binaba ko ang camera at tiningnan ulit ang taong 'yon. "Isaiah?" I whispered

Fallin' Lavender [Published Under 8Letters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon