"Kendrick, bibili ka?" tanong ni Andrew.
Bumuntong hininga ako at tumango. "Oo, pupunta ako ngayon sa canteen." Magsasalita pa sana siya nang mabilis akong tumakbo palabas ng classroom. Uutusan na naman ako no'n panigurado! Aba, ako 'yong president kaya dapat ako ang magpapabili pero langya, sa 'kin pa magpapabili.
Papunta ako sa kabilang canteen nang madaanan ko ang building ng grade seven kung saan rinig ko hanggang dito ang ingay nila. Naiinitan ako kaya dumaan ako sa hallway nila at habang naglalakad ay may isang classroom akong nadaanan na tahimik lang. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang isang babae na nagsesermon sa mga kaklase niya.
Umawang ang labi ko habang nakikinig kung paano siya magsalita. Grade seven pa ba 'to?! Siguro siya ang ang class president. Napahanga niya ako kaya hindi ko namalayang nakatulala pala ako at nang bumalik na siya sa upuan niya ay hindi ko inaasahang lumingon ito sa 'kin kaya nagtama ang tingin namin na ikinagulat ko naman.
Mabilis akong lumayo at dumiritso sa canteen. Ang matured naman ng batang 'yon!
"Sino ba kasi yang nabunot mo at bakit costumize ballpen ang gusto? Masyadong choosy!" reklamo ko sa kasama ko ngayon. Nandito kami sa mall para bumili ng i-re-regalo dahil malapit na ang Christmas Party.
Nagbangayan pa kami ng kasama ko. Ewan ko nga bakit kami pa ang naging president at vice president sa room, eh! Sabagay, gwapo ako kay understandable naman.
"Gusto n'yo? You can have it, meron naman na akong tatlo," nilingon ko ang babaeng nasa gilid namin. May hawak siyang ballpen na hinahanap ng kasama ko ngayon dahil out of stock na.
Nagulat ako no'ng una dahil siya 'yong grade 7 na nakita ko no'ng nakaraan. 'Yong crush ko!
Kung sinusuwerte nga naman ay hindi tinanggap ang card niya no'ng magbabayad na sana siya kaya ako na lang ang nagbayad ng pinamili niya. Gusto kong maiyak dahil one week allowance ko 'yon! Pero sige ayos lang, crush ko naman.
"Grade 7 'yon?" tanong ng kasama ko. Ngumisi ako at tumango. "Walang kai-kaibigan dito, ako ang nauna." Narinig ko naman ang pagtawa ng kasama ko.
Kinagabihan habang naglalaro ng online games ay may nag-text sa 'kin kaya imbis na ipagpatuloy ang laro ay ni-replyan ko siya, si Kendra. Kulang na nga lang ay mag-send ako ng birth certificate. Sana magkita kami bukas.
Kinabukasan ay nakatanggap kaagad ako ng batok mula sa mga kaibigan ko dahil sa biglang pag-out sa game ko kagabi. Aba, mas uunahin ko pa ang crush ko, mga tol kaya pasensya na.
"Mga obobs kasi kayo kapag wala ako! Mga pabuhat!" asar ko sa kanila.
"Hala! May jowa si pres?!" Narinig kong giit ng kaklase namin kaya tumayo ako.
"Anong jowa?! Wala akong jowa, sumbong ko kayo sa mama ko e!" reklamo ko at lumapit sa may pinto. Nagulat ako nang makita si Kendra kaya hilaw akong ngumiti at hindi pinapahalata ang kilig sa kalooban, "Uh— Kendra! Hi!" tanging sabi ko.
Nang araw na 'yon ang first heart break ko. Bakit? Sinabi niya kasing hindi niya ako jowa. Pero umurog din ang luha ko dahil na-realize kong totoo naman pala!
Nasundan pa ang encounter namin ni Kendra no'ng may meeting ang mga officer at habang tumatagal ay lumalalim naman ang pagkagusto ko sa kaniya kahit na alam kong crush niya 'yong SSLG President namin na si Isaiah. Grabe kung makatitig sa lalaki, eh. Olats ako nito.
Maghahanap sana ako ng Chemistry book sa library pero ibang chemistry ang nakita ko, hehe I saw Kendra reading some book at the corner kata lumapit ako at tinabihan siya.
BINABASA MO ANG
Fallin' Lavender [Published Under 8Letters]
Teen FictionDear Lavender, I can't deny that loving him was the best thing, but if love means pain, suffering, and sacrificing, is it still worth it in the end? K.W Sincerely yours,