Part 5: Isaiah

97 4 0
                                    

Natapos ang meeting namin. Nalaman ko na rin ang pangalan no'ng SSG president! His name is Isaiah. I shrugged while walking. Babalik na ako sa room namin para kunin ang bag ko. Wala pa namang text si mom kaya pupunta muna siguro ako sa library ngayon.

Naabutan ko si Kyla na nagliligpit ng mga gamit niya. Napansin ko ang pagiging matamlay nito. "May problema ka, Kyla?" tanong ko. I maybe sounds rude pero gano'n talaga ako, masyadong straight to the point.

Tumingin siya sa 'kin at umiling. Huminga ako ng malalim at kinuha ang bag ko saka ang tumbler na nasa arm chair.

I was about to leave when I heard her call my name, "K-kendra, am I not worth it?" tanong niya.

Lumingon ako at nakita ko ang pagtulo ng luha niya. Bumuntong hininga ako, "How could you say that?" tanong ko.

"S-si Jelo, he broke up with me. Mas gusto niya yung pinsan kong grade 8, si Marie." Ani Kyla. "I'm not that affected naman kasi before he broke up with me, I fell out of love..."

Ngumuso ako, "Haynako!" iyon lang ang tangi kong nasabi saka umalis. Napa-iling ako habang naglalakad papuntang library. Siya ata yung nagsulat ng WHAT IF WE FELL OUT OF LOVE sa papel no'ng nakaraan e.

For me, everyone has a purpose in this world. We all deserves love.

Sinalampak ko sa tainga ang earphones ko at nagpatugtog ng mga kanta ni Taylor Swift.

I don't get it, hindi ko talaga gets bakit in love na sila sa ganitong edad habang ako, hanggang crush lang tapos palagi pang palpak. Palaging natu-turn off ako kaya auto erase sa listahan.

Ngumiti ako sa librarian bago pumasok sa loob. Naghanap ako ng librong pwedeng basahin. Nang makakita na ng babasahin ay naghanap ako ng magandang pwesto.

I'm humming with my music on ears habang naghahanap ng magandang topic sa table of contents. Nilapag ko na rin ang tumbler ko sa tabi.

Nang makahanap ng magandang topic ay in-off ko muna ang music para makapagconcentrate ako sa babasahin. Kumuha rin ako ng lollipop sa bag, as nakasanayan ko na talaga.

I didn't remove my earphones kahit walang tugtog. I started reading while enjoying my lollipop when I felt someone sit beside me.

Yumuko siya at tiningnan ang mukha kong seryosong nagbabasa. "What do you need?" tanong ko at hindi siya tinapunan ng tingin dahil nakatingin lang ako sa librong binabasa, and to be honest wala namang pumapasok sa utak ko since tumabi siya sa 'kin.

Tumayo siya at kumuha rin ng libro kagaya ng librong binabasa ko at tumabi ulit sa 'kin. Tahimik lang kaming dalawa dahil 'di na rin siya umimik pa.

After few minutes, I closed my book and checked my phone.

Mommy:

Papunta na d'yan ang driver, pumunta ka na sa parking lot. Dumaan nga pala kayo sa store, bumili ka ng pancake’s ingredients. I would love to bake tonight. Take care!

Ngumuso ako at tinanggal ang earphones saka pinasok 'yon sa bag ko. Tiningnan ko si Kendrick na naka-boombastic side eye.

Palihim akong umirap, baliktad kasi ang libro niya.

Lumapit ako ng kaunti sa kanya at inayos ang libro niya. Natigilan naman siya at mukhang napahiya.

"Crush mo siguro ako, 'no?" pang-aasar ko at kinuha ang bag. Hindi siya makapagsalita kaya ngumisi ako at dinampot ang librong ginamit. Pumunta ako sa shelf kung saan 'yon nakalagay kanina. Matapos isuli ang libro ay tumingin ako kay Kendrick na nakatingin din pala sa 'kin.

"Tatanungin kita bukas ah, kung anong natutunan mo d'yan sa binabasa mo." saad ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at mukhang may sasabihin pa nang kumaway na ako at lumabas na sa library.

I shook my head and smile. He's cute tho.

Talon-lakad ang ginawa ko papuntang parking lot, kaunti na lang ang studyante na nasa loob ng campus. A cold gaze outside welcomed me. Niyakap ko ang sarili at dinama ang simoy ng hangin.

Tinawag ako ni manong Iscar kaya napatakbo ako papuntang parking lot kung saan nakapark ang kotse namin.

Sumakay na ako sa loob at sinabihan si manong na dumaan kami sa store mamaya. Nag-social media muna ako habang nasa byahe kami. Paminsan-minsan lang talaga ako nag-o-open, wala rin akong reply sa mga nag-cha-chat ng nonsense.

Kumunot ang noo ko dahil may friend request na naman ako sa Facebook. Tiningnan ko kung sino ito at nakita ko ang pangalan ni Kendrick. Nagkagat labi akong ini-stalk ang account niya. Marami siyang followers dahil naka-verified ang account niya. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa following niya dahil dalawa lang ang following niya. Pinindot ko ito at nakita ko ang account ko at ang account na REYSHA MIE CO. Ate niya siguro ito? Ini-stalk ko ang Reysha at Nakita kong mutual sila ng ate Elijah ko, pati na rin ni ate Sheryn na kaibigan ng ate ko.

Bumalik na ako sa account ni Kendrick, baka saang account na naman ako mapadpad.

Biglang huminto ang sasakyan at hindi ako naka-seat belt kaya muntik na akong masubsob sa harapan. Agad naman na humingi ng pasensya si manong Iscar. Ngumiti lang ako at sinabing ayos lang dahil 'di naman ako nasaktan.

Nagulat na lang ako pagtingin sa cellphone ko nang makitang friends na kami ni Kendrick, I accidentally accepted his friend request but I guess it's fine, magkakilala naman kami.

Bumaba na ako sa sasakyan at pumasok sa loob ng store. I saw familiar posture at nang lumingon ito ay nakompirma ko nga kung sino ito. Si Mr. President, yung crush ko na grade 10. Si Isaiah!

Fallin' Lavender [Published Under 8Letters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon