After that night, Kendrick and I became friends. That's it, there's nothing more than that. Minsan magkasama kami pero madalas hindi dahil malayo naman ang classroom namin. My family and I celebrated our Christmas and New year's eve at New York.AFTER kong mag-check ng attendance ay napahawak ako sa puson ko. May kaunting kirot kasi akong naramdaman kaya bumalik kaagad ako sa upuan ko at uminom ng tubig. One of my classmates asked me if I'm alright and I just nodded.
Nag-chat ako kay mommy na umuwi muna ngayon, feel ko kasi magkakaroon na ako.
Mommy, I think I'll be having my first period today. Sobrang sakit po kasi ng puson ko.
Nang ma-send 'yon ay yumuko ako at hinawakan ang puson. Mas nakaramdam ako ng matinding sakit ngayon. Recess na kaya halos walang tao sa classroom namin. Inangat ko nang kaunti ang pang-upo at nakita kong may mantsa na ang upuan.
Mariin akong napapikit, ang malas ko naman! Paano na 'to?
Maya-maya pa ay dumating si Kendrick. Nagulat ako pero hindi ko pinahalatang sa kaloob-looban ay natataranta na ako. Akmang lalapit siya nang iangat ko ang kamay ko para pigilan siya. "Don't come near, please."
Umuwang ang labi niya at unti-unting tumango. "Anyare? Okay ka lang ba?" tanong niya.
"What are you doing here?" mahinang tanong ko at napangiwi na lang nang kumirot na naman ang puson. Kaya pala sobrang tinatamad ako kanina sa bahay which is very new to me, I'm not lazy naman kaya nanibago talaga ako.
"Sabihin mo lang sa 'kin kung, ahm kung anong maitutulong ko?" Napakamot siya sa batok niya.
I gulped, sana mali ang iniisip ko. Kinagat ko ang ibabang labi at kinuha ang phone. Napapikit na lang ako nang makitang tama nga ang hinala ko, imbis kay mommy i-send ang text kanina ay kay Kendrick ko pala na-send.
"Had you read my text?" tanong ko.
"Uhm— oo"
Sinapo ko ang noo at yumuko pa. Hawak ng isang kamay ko ang puson habang nakatitig lang sa desk.
"K-kendra, don't get me wrong. Ano kasi. . . gusto kitang tulungan, normal lang naman 'yan, hindi ko naman s-sasabihin sa iba."
Naging awkward tuloy!
Umangat ang tingin ko sa kanya at pilit na ngumiti. I'm good at faking my expressions, so maybe madali lang ito.
"Kendrick, I think natagusan na ako. Anong magagawa mo?" confident kong tanong kahit sa kaloob-looban ay gusto ko ng magpalamon sa lupa!
Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. "Akala ko ba you want to help me?" tanong ko ulit.
"Oo nga, wait" Hinubad niya ang jacket niya at lumapit sa 'kin. Lumuhod siya sa harapan ko at pinulupot ang jacket sa baywang ko.
"Makatatayo ka pa ba?" tanong niya sa 'kin, hindi pa rin umaalis na pwesto niya.
"Anong akala mo sa 'kin? Lampa?" Tumayo ako kaya nakita niya ang mantsa sa upuan. Agad akong humarang at mahina siyang tinulak.
"Ayos lang, normal lang talaga 'yan. Kukuha lang ako ng tissue or wipes." Timalikod siya at pumunta sa table ni ma'am.
Kinagat ko ang ibabang labi, in fairness hindi siya maarte.
Wipes ang nadala niya. Nilahad ko pa ang kamay ko sa kanya. "Ako na,” mahina kong sabi. Nanghihina na rin kasi yung tuhod ko, ewan ko ba!
"May I?" tanong niya. "Alam kong masakit ang puson mo, baka mabinat ka,” seryoso niyang saad.
Oh God! Hindi naman siya ganito ka gentle man at seryoso noon! He's childish, ibang-iba sa kaharap ko ngayon.
"Are you sure?" tanong ko. Hindi na ako makatayo nang maayos dahil masakit ang puson ko pati na rin ang likuran ko. Basta, lahat ng parte ng katawan ko ay masakit.
Tumango siya. Hinayaan kong linisin niya ang upuan. Walang kaarte-arte sa mukha niya habang ginagawa niya 'yon samantalang pulang-pula na ang mukha ko ngayon sa hiya.
Matapos ay kumuha siya ng plastic at doon nilagay ang mga kalat. Inagaw ko pa 'yon at nilagay sa bag.
Unti-unti na ring nagsidatingan ang iba kong kaklase. Ano na ang susunod na gagawin?
"Magpalit ka, Kendra. Sasamahan na kita sa CR."
Nanlaki ang mga mata ko at mukhang na-realize niya rin kaya nagsalita ulit siya "Huy! Iba ka rin talaga. Syempre sa labas lang ako maghihintay!"
"Uy... ano 'yan?" pang-aasar ng kaklase ko.
Lumapit ako kay Kendrick at may binulong sa kanya. "Wala akong p-pamalit."
"Ako na bahala, tara na."
I nodded. Tumingin ulit siya sa 'kin, "kaya mo ba? Gusto mo piggyback?"
Umirap ako, "kaya ko. Ang OA, Kendrick ha?" pang-gagaya ko sa linyai niya noon.
After niya akong samahan papuntang cr ay umalis din kaagad siya, pagbalik niya ay may dala ng paper bag at kompleto na ang laman do'n, pati extra uniform meron.
Pagkalabas ko ng CR ay wala na siya pero may iniwan siyang note sa pintuan.
[Alis na ako ha, may klase na kasi kami. Kitakits na lang mamaya:> alam din pala ng nurse na pupunta ka sa clinic. Pahinga ka muna ro'n, may gamot na rin para sa sakit ng puson mo. Ingat!]
Nagpigil ako ng ngisi at napailing. Agad ding nawala ang ngis koi nang makita si Isaiah sa may kalayuan. May kasama siyang babae na sa tingin ko ay kaklase niya. Mahaba ang buhok ng babae at kahit nasa malayo ako ay kita ko pa rin ang kagandahan nito.
Nakita ko rin na hinawakan ng babae ang kamay ni Isaiah habang seryoso silang nag-uusap.
Nag-iwas kaagad ako ng tingin at sa hindi malamang dahilan ay parang may namuong sakit sa kalooban ko. Ano ba itong nararandaman ko?
BINABASA MO ANG
Fallin' Lavender [Published Under 8Letters]
Teen FictionDear Lavender, I can't deny that loving him was the best thing, but if love means pain, suffering, and sacrificing, is it still worth it in the end? K.W Sincerely yours,