Part 17: Happiness

77 6 0
                                    


Napansin ko ang pag-iwas sa 'kin ni Kendrick nitong mga nakaraang Linggo. I just didn't mind it since I'm also busy with my academic performance. Isaiah and I became a good friends, he's also tutoring me kapag break time. Kinukulit siya ng kaniyang ex pero panay na rin ang iwas niya. 

"Close pala kayo ni Kuya Isaiah, Kendra?" tanong ni Merian. 

Napahinto ako sa pag sketch sa drawing pad at tiningnan siya. "Yeah?" tugon ko at nag-sketch ulit. 

Nagkibit balikat siya, "crush 'yon ng ate ko. Guwapo niya 'no? Anong feeling maka-close siya?" 

"Good," sagot ko at hindi siya tinapunan ng tingin. 

"Ano 'yan?" Akmang sisilip siya sa gawa ko nang tumayo ako at inayos ang bag. 

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko. 

Napakamot siya sa batok niya. "Mauna ka na, Kendra. Magkikita pa kami ni Kendrick e."

Natigilan ako sa sinabi niya. Magkikita sila ni Kendrick? 

Peke akong ngumiti, "close pala kayo ni Kendrick?" tanong ko. 

Tumango siya at ngumiti rin. "Actually, crush ko nga siya. Shh ka lang ah? Ang guwapo rin kasi and I also love his humor. Pati ang personality niya ay nagugustuhan ko rin." Kinagat niya ang ibabang labi at tiningnan ulit ako. "'Di ba close kayo no'n? Hindi ko na kayo nakikitang magkasama. Away magpinsan, perhaps?" 

Tinaasan ko siya ng kilay, "away magpinsan?" tanong ko. 

"Yup! 'Di ba magpinsan kayo?" 

"Who said?"

"Him. Yiee cousin in law!" Pumalakpak siya at mabilis na kinuha ang bag niya. "Una na ako, Kendra! Baka naghihintay na siya. Bye! Send my regards to kuya Isaiah, sabihin mo from my ate!" She smiled sweetly. 

Umirap ako at kinuha rin ang bag ko. Pinsan pala huh? 

KINABUKASAN ay hinanap ko ang Kendrick. Bahala na kung iniiwasan niya ako! Maybe this is the time to fix us again. Bakit ba kasi feel ko kulang talaga kapag hindi kami nagpapansinan? Nasanay ako na magkasama kami tapos biglang naging parang stranger na!

"HUY KENDRICK!" tawag ko sa kanya. Mukhang nagulat pa nga siya sa pag approach ko. 

"Kendra," 

Tumingin ako sa paligid namin 'saka hinila ang kamay niya papunta sa pinakadulo ng library. 

"Anong ginagawa natin dito?" tanong niya.

Ngumisi lang ako at nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Mas matangkad siya sa 'kin so I tiptoed. "Anong sinasabi mong magpinsan tayo?" 

"Ha? Wala akong alam diyan." Nagtaas baba ang adams apple niya kaya bumuntong hininga ako. 

"Are you ashamed to tell them that we're friends?" 

"Anak ng— ano na naman 'yan Kendra?"

Umiling ako, "you told Merian that I'm your cousin right?" 

"Kendra…"

Mas inilapit ko pa ang mukha ko, "do cousins… kiss?" 

Napakurap si Kendrick sa sinabi ko. "W-we did not." 

"But we will," tugon ko at dinampi ang mga labi sa pisngi niya. "Now, tell me?" 

"The fvck?" 

Lumayo ako at nagkibit balikat. "We're not blood related, Kendrick. 'Wag mong sabihin sa iba na pinsan mo ako. Halikan kita sa lips d’yan e." Umirap ako at tumalikod na. Iniwan siyang nakatulala lang. 

Fallin' Lavender [Published Under 8Letters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon