Chapter 3

2.8K 164 39
                                    

Elevator 



Gusto kong mag-focus sa librong binabasa ko, pero hindi ko ma-iwasang isipin ang sinabi sa akin ni Don Joaquin. Yung saya na nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw ay para bang bulang bigla na lang nawala, sinama ng hangin, tinangay sa kung saan palayo sa akin.

Mula sa libro ay nag-angat ako ng tingin sa kabuuan ng aking malaking kwarto, parang isang buong bahay na ang laki nito sa lugar namin. Napabuntong hininga ako, ang kapalit ng lahat ng 'to ay ang katotohanang hindi lahat ng nandito ay totoo.

Hindi naman kasi talaga 'to para sa akin. Nandito lang ako para magpanggap, nandito lang ako para punan ang pagkawala ng totoong Atheena Escuel. Panakip butas lang ako.

Imbes na ipagpatuloy pa ang pagbabasa ng libro ay binitawan ko na lamang 'yon at pagod na humiga sa malaki at malambot na kama. Kung pipilitin kasi ay wala din naman akong ma-iintindihan. Wala doon ang utak ko kaya naman wag na lang.

Papikit na sana ako nang bigla akong napabalik sa pag-upo nang marinig ko ang mahihinang katok. Mabilis ang naging response ng katawan kong umayos ng upo sa kadahilanang may posibilidad na si Don Joaquin 'yon.

Nakakahiya naman na maabutan niya akong kumportableng nakahiga. E, trabahador lang naman niya ako dito, taga sunod sa mga sasabihin niya.

"Anak..."

Tsaka lang gumaan ang lahat nang marinig ko ang malambing na boses ni Maam Metis. Halos sanay na akong tawagin siyang Mommy kagaya ng gusto niya, pero ngayon ay kailangan ko ulit masanay na Maam ang itawag ko sa kanya sa isip ko.

Matamis na ngiti ang isinalubong niya sa akin, napangiti din ako, nakakahawa ang ngiting 'yon. Sobrang swerte ni Atheena dahil siya ang kanyang ina.

"Pasok po kayo..." sabi ko at tumayo para igaya siya papasok sa aking kwarto.

Mula sa akin ay inilibot niya ang kanyang paningin sa buong kwarto, sa paraan kung paano niya ginawa 'yon ay para bang nakaramdam din siya ng pagbabago sa lugar.

"Mommy."

Nawala kaagad ang pag-aalinlangan sa mukha niya nang tawagin ko siyang Mommy. Para bang kanina ay nasa hindi siya pamilyar na lugar, ngayon ay ayos na.

Mula sa akin ay bumaba sandali ang tingin niya sa bitawang kong libro sa taas ng bedside table. 

"Tapos ka nang magbasa?" tanong niya sa akin.

Nilapitan niya ako, hinawakan ang aking mga kamay at iginaya pabalik ng upo sa may kama.

Marahan akong tumango. Ang bawat galaw ko pag siya ang kasama ay awtomatikong nagiging malambing at mahinhin. She deserves that, she's too soft.

Umangat ang isa niyang kamay papunta sa aking mukha, marahan niyang hinaplos 'yon, hindi ko namalayang napapikit na lamang ako dahil doon. Ang lambot ng kamay niya, sa tuwing humahaplos siya ay para bang hinehele ako. Mapapapikit ka, gagaan ang pakiramdam mo.

"Mag-mall tayo bukas? We need to prepare para sa pagpasok mo sa university," sabi niya sa akin.

Bawal tumanggi. 'Yon ang kauna-unang bilin ni Don Joaquin, wag kong tatanggihan ang gusto ni Maam Metis. Ibigay ang gusto nito, kahit ano. Ganoon niya ka-mahal ang asawa.

Pero minsan na-iisip ko, kung sobra ang pagmamahal niya para dito...bakit niya nagawang lokohin ito? Bakit ako nandito?

Aminado naman siyang nagkaroon siya ng kasalanan, ako nga ang bunga. Pero kahit pagbali-baliktarin niya man ang mundo, nagkamali pa din siya, nagloko pa din siya.

How to make a Villain (Stand Alone #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon