Chapter 2

2.9K 175 33
                                    

Escuel 




Ilang minuto akong nanatiling nakatayo sa pwesto kong 'yon. Hindi ko alam kung bakit parang bigla na lang nanigas ang buong katawan ko at namanhid. Iba ang dating ng mga salitang 'yon ni Don Joaquin para sa akin.

Hindi ko kasi sigurado kung dapat ba akong masaktan, o may karapatan ba akong masaktan? Matagal na akong naghahanap ng pagmamahal ng isang ama. Hindi pa man kami matagal na nagkakasama ay magaan na kaagad ang loob ko sa kanya, siguro nga'y dahil sa lukso ng dugo.

Ang mga sumunod na araw ko sa mansion ay mas lalong hindi naging madali. Kung titingnan mo sa labas, parang ang sarap tumira sa bahay na 'yon. Kahit sinong makakita ay papangarapin kahit makapasok man lang.

Pero iba ang mararanasan mo pag nasa loob ka na, o baka dahil ako 'to kaya ganito. Dahil isa lang akong pagkakamali ni Don Joaquin kaya nahihirapan ako.

"We will start a new lesson," bungad sa akin ng private instructor ko.

Gusto ni Don Joaquin na matutunan ko lahat ng lenggwaheng alam ng totoong Atheena. Base sa mga kwento at nalaman ko tungkol dito ay masasabi kong hindi siya basta basta. Kagaya ng Kuya David niya ay mukha silang mga achiever.

Bakit nga naman hindi mo pagbubutihan kung kagaya ni Don Joaquin ang iyong ama.

Imbes na magreklamo ay kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para matuto. Advantage din 'yon sa akin, binabayaran na nila kami ni Mama, natututo pa ako ng libre.

Pinapahalagahan ko ang edukasyon, sa naging karanasan ko, sa hirap na pinagdadaanan ko...'yon ang nakikita kong solusyon para maka-ahon ako sa hirap. Hindi ako papayag na hanggang dito lang ako, marami pa akong pangarap, gusto kong magbago ang buhay ko.

May pinaniniwalaan akong hindi kasalanan na ipinanganak kang mahirap, pero kung mamamatay ka pa ding mahirap...kasalanan ko na 'yon.

"Anong ginagawa mo dito?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni David sa aking likuran.

Mas matanda siya sa akin, pero parang hindi ko din kayang tawagin siyang Kuya. Mukha kasi siyang tahimik, strikto, at masungit. At kagaya ni Don Joaquin, alam kong ayaw niya din sa akin.

"May tinitingnan lang," sagot ko sa kanya.

Nanatili ang tingin ko sa mataas na bookshelf sa kanilang library. Sa taas no'n ay kakailangin mo pang umakyat sa hagdan para makuha ang nasa taas.

"Narinig ko sa instructor mo na maganda ang performance mo," puna pa niya.

Sandali ko lang siyang nilingon at tipid na tumango. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya.

"Pagbutihin mo pa," dugtong pa niya.

Mukhang napansin niyang hindi na ako sasagot pa kaya naman aalis na sana siya.

"Pagbubutihin ko pa...lalo," sabi ko sa kanya.

Sandali pa siyang tumingin sa akin, sandaling nag-isip bago siya tumango at umalis na lang. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maka labas siya ng library.

Sandali pang nagtagal ang tingin ko sa sumaradong pinto bago ko muling itinuon ang atensyon ko sa mga libro na nasa aking harapan.

Kaya ko silang higitan na dalawa kung gugustuhin ko. Kung patalinuhan, kayang kaya ko. Kung 'yon ang paraan para magustuhan ako ni Don Joaquin, kayang kaya kong kuhanin ang loob niya.

How to make a Villain (Stand Alone #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon