Chapter 1

4.3K 211 42
                                    

Pagkakamali








Nanatili akong tahimik habang pinapanood ang ginagawa ni Mama. Nagpabalik-balik siya sa kanyang kwarto na para bang may hinahanap na kung ano.

"Hindi ko po ma-intindihan, Ma."

Litong lito na siya kung saan siya pupunta, kaya naman sa kakatanong ko ay napapakamot na lamang siya sa kanyang batok na para bang iritang irita na siya.

"Ayoko po," giit ko.

Kahit hindi pa malinaw sa akin kung ano ba talagang plano niya ay ramdam ko na kaagad na hindi 'yon magiging maganda.

Kahit siya ang Mama ko ay hindi ko naman naramdaman na nag-aalala siya sa akin. O kung na-iisip man lang ba niya ako sa tuwing gumagawa siya ng desisyon. Lumaki akong halos mag-isa kahit nandyan siya.

"Boba! malaking opurtunidad na 'to para maranasan natin ang marangyang buhay," giit niya sa akin. Halata ang labis na iritasyon sa kanyang boses.

"Pero panloloko po 'yon," laban ko pa din.

Sa aming dalawa ay ako pa ata ang magdedesiplina sa kanya kesa siya ang magdesiplina sa akin. Pwede ko na siyang maging anak at ako na ang tatayong Nanay.

Halos mapasabunot siya sa kanyang buhok, gulong gulo na siya at hindi na alam kung paano din sasagutin ang mga tanong ko.

"White lies...white lies, ok?" giit pa din niya na may kasama pang paghilamos sa kanyang mukha.

Tinatawag niya minsan na white lies o diskarte ang paglaban niya ng hindi patas. Ang tunay na diskarte ay ginagawa ng walang tinatapakan na tao. Bagay na hindi naman kayang gawin ni Mama.

Makagawa lang siya ng desisyon na ikabubuti niya ay bahala na kung sino ang masagasaan.

"Wag niyo na po akong idamay diyan," giit ko pa din.

Hindi ko kayang magpanggap na ibang tao, at mas lalong ayokong manloko. Mas ayos ng magutom akong malinis ang kunsensya ko, kesa naman busog nga ang tiyan pati naman kunsensya ay ganoon din.

Sa sobrang inis ni Mama ay tuluyang kinain ng malalaking hakbang niya ang pagitan naming dalawa. Nagpamewang siya sa aking harapan, halos mapatingala ako dahil sa tangkad niya sa akin. Ramdam ko ang pinipigilang gigil sa kanyang mukha.

"Matagal mo ng gustong malaman kung sino ang Tatay mo di ba?" tanong niya sa akin.

Nawala ang lahat ng alalahanin, 'yon ang mga salitang matagal ko ng hinihintay sa kanya. Ang malaman kung sino ang aking tunay na ama.

Inilabas niya sa kanyang bulsa ang touched screen niyang cellphone, siguradong bigay nanaman 'yon ng isa sa mga lalaki niya.

"Kilala mo 'to?" tanong niya sabay turo sa litrato ng isang lalaki na nakatayo at sa kanyang likuran ay isang malaki at mataas na building.

Sandali pang nagtagal ang tingin ko doon. Parang nakita ko na siya sa kung saan, pero hindi ko pa man naaalala kung saan eksakto ay kaagad na niya 'yong inalis sa aking harapan para itago ang phone niya.

"Don Joaquin Escuel," Pagbanggit niya ng isang pangalan.

Nanlaki ang aking mga mata ng maalala ko na ng tuluyan kung saan ko nga 'yon nakita.

"Nakita ko po siya sa Tv," giit ko.

Siya yung may-ari ng isa sa pinakamalaking oil company dito sa Pilipinas. Nakita ko siya sa balita, magaling siyang magsalita at halatang matalino. Humahanga ako sa mga taong matatalino, may alam sa buhay, magaling sa negosyo.

Ganoon kasi ang pangarap ko.

May kung ano sa pakiramdam ko na natutuwa dahil may posibilidad na kilala siya ni Mama. Pero parang sasabog ang utak ko sa sumunod ko pang nalaman.

How to make a Villain (Stand Alone #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon