Chapter 4

2.5K 145 15
                                    

Favorite




Hindi ko na lamang pinansin ang kakaibang ngiti niya sa akin. Kahit tuloy ang pagtingin sa repleksyon sa pintuan ng elevator ay hindi ko na din magawa. Mas matangkad siya sa akin, hindi ko tuloy malaman kung ilang taon na siya.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa tumunog ang elevator na nagsasabing nasa tamang palapag na kami. Tsaka lang ulit kami nagkatinginan dahil inilahad niya ang kamay niya indikasyon na mauna na akong lumabas.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad na lumabas ng elevator, bungad sa akin ang hallway na may glasswall. Kita mo mula doon ang madilim na rooftop. Wala mang liwanag ang buong lugar ay mas lalo ko namang na-appreciate 'yon dahil mas lalong nakita ang ilaw mula sa ibang building.

"Wow..." mahinang sambit ko.

Bumilis ang lakad ko papunta sa may dulo, hindi ko na inalintana pa ang presencya ng nasa likuran ko. Hindi ko na inisip pa kung nakasunod ba siya sa akin o umalis na lang din.

Mula sa aking kinatatayuan ay kita ang buong syudad. Nakahilera ang naglalakihang mga building, ang iba pa dito ay may ilaw ang kabuuan. Hindi ko tuloy lubos ma-isip kung gaano kalaki ang kuryenteng binabayaran nila.

"You like it here?"

Mabilis kong nilingon ang nagsalita sa aking tabi. Tumayo siya sa tabi ko at pansin kong medyo malapit 'yon. Kaya naman ng umihip ang malakas na hangin ay naamoy ko kaagad ang pabango niya.

"Uhm...sakto lang," sagot ko sa kanya at muling itinuon ang buong atensyon ko sa ganda ng tanawin.

Sandali pang naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang siya na mismo ang bumasag no'n.

"Rhiannon...what's your family name again?" tanong niya sa akin.

Nakakunot pa ang noo na para bang sinabi ko na 'yon sa kanya kanina kahit hindi pa naman.

"Atheena," pagtatama ko ng pangalan ko.

Iba sa pakiramdam na matawag sa aking totoong pangalan, pero paniguradong malalagot ako kay Don Joaquin pag narinig niyang tinawag akong Rhiannon.

Sabi pa niya, wala na akong karapatang gamitin ang pangalan na 'yon hangga't binabayaran niya ang pagpapanggap ko. Hindi ko din alam kung hanggang kailan ito. Pero naisip kong sa oras na matapos ang lahat ng 'to, kailangan may ipon ako. Hindi na ako pwedeng bumalik sa dati kong buhay.

"Ok. Atheena..." pilit na tanong niya sa apelyido ko.

Bayolente akong napalunok, may kung ano kasing nakabara sa aking lalamunan. Para bang nahihirapan akong huminga, mabigat ang aking dibdib. Ramdam mo talaga minsan na hindi ka pabor gawin ang isang bagay...napipilitan ka na lang.

"Atheena Escuel," pakilala ko.

Ang ngiti sa kanyang labi ay unti-unting napawi, napalitan 'yon ng gulat.

"You are Atheena Escuel?" tanong pa niya. Halos hindi pa makapaniwala.

Napaawang din ang labi ko. Pero nagawa kong tumango sa kanya ng dahan dahan.

"Ako nga," pag kumpirma ko pa.

Umayos siya ng tayo, mula sa akin ay inilipat niya ang kanyang tingin sa mga naglalakihang building sa harapan namin.

"Hindi kita nakilala kaagad," sabi niya kaya naman muli ko siyang nilingon pero ang buong atensyon niya ay nasa mga building na.

"Hindi naman ako lumalabas ng bahay," sabi ko.

How to make a Villain (Stand Alone #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon