Everything happened for a reason.
Hindi ko alam kung bakit dito ako napadpad at paano ako napadpad. Napahawak ako sa tiyan ko. Alam kong andito pa ang baby ko. Alam kong buhay pa ang baby ko dahil ramdam ko siya. Ramdam kong buhay siya.
"Ahhh!" napaigik ako ng madinig ko ang ungol na iyon. Nagpalinga- linga ako upang tignan kung ano ang nangyari pero ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko ang isang babae at lalaki na nagtatalik sa gitna na palayan.
Sa dinami- dami ng lugar bakit doon pa?
"S-sino ka?" kinakabahang tanong ko ng may magtakip sa aking mga mata. Narinig ko ang tawa ng isang tao. Pinakiramdaman ko ang paligid. Bukod sa babae at lalaki kanina ay alam kong may dalawa pang tao akong kasama dito.
"Halika na muna" gusto kong tumili sa mga oras na iyon dahil baka may gawin silang masama sa akin pero wala na akong magawa ng hinigit na nila ako.
Ng tumigil kami ay tinanggal niya ang kamay niya na nakatakip sa mga mata ko at ngitian ako.
"Hi" bati sa akin ng babae. Kilala ko siya, siya iyong tinawag na Ate ni Emmanuel. At oo dito ako napadpad sa Hacienda Jayme.
"H-hello" bati ko pabalik sa kanya.
"I'm Jezel, Emmanuel's eldest cousin" pakilala nito sa akin. Nakipagshake hands pa siya sa akin na tinanggap ko naman.
"And I am Elmer, Jezel's love of her life" agad naman nag- iba ang timpla ng mukha ni Jezel sa sinabi ni Elmer. Hanggang ngayon ba'y magkagalit silang dalawa?
"Love of my life? Asa ka! Noon pa iyon, noong mga panahong nabulag ako sa kakornihan mo" at nagpatuloy na naman ang bangayan nilang dalawa. Sa nakikita ko ay isa sila sa mga bitter ex-couples. I faked a cough to tell them that I am here dahil tila wala silang pakialam sa kanilang paligid.
"Ay sorry. 'tong unggoy kasi e. So, what's bring you here at asan si John?" So his really not James?
"Uhm, maari ba akong humingi ng pabor sa iyo? Kahit isang week ay dito na muna ako hanggang sa makahanap ako ng malilipatan" nahihiyang paki usap ko. Kailangan ko na atang kapalan ang mukha ko kung gusto kong mapalayo sa lugar kung saan andoon si James-- o si John. Alam kong maari niyang maisip na andito ako pero maari ding hindi dahil sino naman ang mag- aakala na dito ako pupunta.
BINABASA MO ANG
A One Mistake (Cycle d'Amis Series #2)
Romance"I am rich not by money but by love" -Vanessa Del Rosario Started: April 20, 2015 Ended: June 15, 2015